Ilang linggo ding ang minalagi ni Emily sa hospital, bali pa kase ang paa niya, pero nang matapos ang semester namin ay nakabalik na din siya sa bahay. And now we are having a party.
Rave party. Na anim katao lang.
Well, hindi katulad ng party ng mayayaman, may kaya lang naman kami eh. Tatlong guest room, room namin ni Ate, at ang room nila papa. Hindi naman ako ganoon kayaman gaya nina Sieg na may sarili ng kotse. Okay nga sa akin ang hindi mayaman eh, feeling ko kase pagmayaman ka, nakatuon sayo ang atensyon ng lahat at hindi mo alam kung sino sa kanila ang totoo sayo o nagpapakitang tao lang.
Mag-iisang buwan na kaming di nagkikikita ng mga taga C Class, alam naman na kase nila ang dahilan pero pagmay kailangan sila, pumupunta sila dito sa bahay dahil andito si Head. Hindi muna kami pinahintulutan ni Head na magkaroon ng klase sa C Class kase ilang araw palang bago umalis ang Lolo niya at isa pa andito pa rin sa Pilipinas yung Eduardo na yun.
Dalawang buwan na din at mahigit pero di pa rin okay si Ate, kaya siguro di nila ako pinasama dahil baka makita ko silang nagbibreakdown. At ayokong makitang ganoon ang kalagayan ng mga taong mahal ko.
Ayokong nakikitang nahihirapan ang mga magulang ko.
"Hey Shan are you thinking deep again? Thinking of me?" napailing iling nalang ako sa sinabi ni Vicky. Tumabi siya sa akin saka may iniabot na bote ng royal. Ayoko ng alak. Alam nila yun. "Thinking of Teacher Shane Bautista?" tumango ako. Niyakap niya lang ako. "Everything will be-"
May biglang humila kay Vicky kaya napatigil siya. Napasinghap naman ako. Pagtingin ko kung sino yun, napangiti nalang ako ng si Emily pala yun.
"Ako ang nagsasabi sa kaniya ng 'Everything will be fine' sapakin kita jan" nagtawanan nalang kami sa inakto ni Emily. Pati si Vicky napatawa na rin. Tumabi sa akin si Emily saka inagaw ang bote ng royal sa akin. "Akin nalang"
"Magpapaalam ka pa eh iniinom mo na nga eh" napailing iling nalang ako saka inakbayan siya. "Para na tuloy tayong couple" napabuga siya ng iniinom kaya napatawa nalang ako.
"Hey love birds andito na ang pizza!" sabay kaming tumayo ni Emily pero bago ako makapaglakad siniko muna niya ako ng malakas kaya napadaing ako.
"Don't joke around like that. It's making my heart beat so fast" napanganga nalang ako sa sinabi ni Emily sabay tawa. May laban din pala ako sa fiancée niya eh.
May pa heart beat so fast pa 'tong si Emily, gusto din naman niya yun. Ang sabihin niya kinikilig siya.
Naiiling nalang ako habang iniisip ang pinagsasabi ko sa utak ko. Nababaliw na ata ako dahil sa babaeng yun. Mamaya nga magpapacheck up na ako para naman alam ko kung mahal ko na ba siya.
Tumayo ako saka pumunta sa hapag kainan at natagpuan ko dun ang mga loko na inuubos ang dalawang box ng pizza. At sinong pasimuno? Si Sieg. Sino pa ba. At nakikisabay pa si Beth.
Naiiling nalang akong lumapit sa kanila. Hinila agad ako ni Sieg papaupo sa tabi ni Emily. Nakikipagtawanan lang si Emily sa amin.
Minsan ay napapatitig ako sa kaniya.
She's too pretty and cute.
When it comes to party ang pinakaayoko talaga ang maglinis. And look, ako at si Emily lang ang naglilinis dito. Kase naman itong mga loko-loko naming kasama todo inom, mabuti nalang pala at sem-break namin ngayon. Pagnakauwi sina Mom at Dad at nalaman nila 'to. Baka ipakain nila ako sa aso ng kabit bahay namin. K9 pa naman yun, yung kapit bahay pa namin ay mating pulis kaya nakakatakot.
Parehas pala kami ni Emily na hindi mahilig sa alak. Ako kase kaya ayaw ko dahil noong napagtripan nina Tito Razul na painomin ako ng beer, I ended up sleeping on the streets. At kinakausap ko raw yung poste, akala ko daw si Ate Shane yun. Palayasin ba naman ako ni Mom ng dalawang araw tapos hinanap din naman nila ako. Akala ko nun katapusan na ng pagiging Bautista ko.
"Nakakapagod!" napatingin ako kay Emily. Pagod na pagod siya. Namilog ang mata. Baka mabinat siya!
"Hoy babae akin na nga! Wag ka ng maglinis ako nalang. Mabinat ka pa, sakalin ako ng Lolo mong gurang!" inirapan niya ako saka tinapon sa akin ang panloob niyang tsinelas. Natawa nalang siya bigla.
"Gago! Dalawa o magtatatlong linggo na siguro ako dito! Di ako mabibinat kase magaling na ako! Ulol ka!" natawa nalang ako.
Pagkatapos naming malinis naisipan naming magpahinga sa balkonahe ng bahay namin. Nakatingin lang kaming dalawa sa mga bituin sa langit. Napapangiti rin ako dahil mahilig ako sa constellations.
"You think they're beautiful? The stars?" napatingin ako sa kaniya. "I love them. Wanna know why?" tumango ako sa kaniya. "Beacsue when I'm alone and felt like I'm inside a dark box, they became my light. The box is my world and the stars are my light. My hope. My strength. I love them. At lahat ng nasa C Class itinuturing kong mga bituin ko sa napakadilim kong mundo" hindi matago ang ngiti sa labi ko.
"Am I your star too?" sumandal siya sa balikat ko that brings shock on my nerves.
"Nope" napasimangot ako na ikinatawa naman niya. "You don't deserve to be a star. You deserve something bigger in my life" napatigil ako dahil sa sinabi niya. "You're my moon in my darkest night"
Bago pa man ako makatugon nakarinig kami ng putok ng baril. Nasinghap kami ng marinig ang sigaw nina Sieg. Akmang papasok ako ng makarinig ako ng kaluskos.
"Shan! Run!" sigaw ni Emily na ikinaalarma ko. Napatitig ako sa lalaking nakamask ngayon na nasisilayan ko.
"Don't hurt her!" itinutok ng nakamask ang baril niya sa akin.
"I won't" nakaramdam ako ng panghihina ng may bumatok sa akin ng sobrang lakas kaya napahiga ako sa semento.
Nagdidilim na ang paningin ko pero kitang kita ko kung paano magpupumiglas si Emily. Nanghihina na rin ang pandinig ko. Gusto kong tumayo at ipagtanggol ang mga kasamahan ko pero hindi ko kaya. Nandilim pa lalo ang paningin ko ng suntukin ng nakamask si Emily saka parang sakong inakay dahil na rin sa tuluyang nawala n ng malay si Emily. Nawawalan na ako ng malay pero lumaban ako.
"Emily..."
Then everything went black.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...