Chapter 13

14 2 0
                                        

Para akong pinagsakluban ng langit habang pabalik sa kwartong inuukupa ni Sieg. Dumaan muna ako sa CR para ayusin ang sarili ko.

Nang nasa harap na ako ng kwarto ni Sieg, pinihit ko ang doorknob at pilit na ngumingiti. Pagpasok ko sa loob, sa akin agad natuon ang atensyon nila.

"Anong sabi niya?" he choose not to sleep just to hear what's her condition. To know if Emily is fine.

"Ow she said she's fine and okay. Hawak siya ng fiancée niya, niligtas daw siya eh" ngumiti ako. "Pero bat di ka pa tulog?"

I'm such liar.

"Nothing. I can't sleep. I'm thinking about Head kaya ganito. Kaibigan naman niya tayo diba?" tumango ako. Oo kaibigan natin siya, kaibigan na pinandidirihan ako.

"Syempre. Kaibigan tayo ni Head" ngumiti ako. "Teka nga kailan ba ang labas mo?"

"3 days pa, magpapahilom muna ako ng sugat" tiningnan ko ang binti niya. "Nga pala nagsumbong sa'kin si Vicky..." napatingin ako sa kaniya at kinunutan ng noo. "Sabi mo daw sa kaniya, 'Thank you but what I need now is Emily'. Bro napakasakit yun gusto ka pa naman niya. Hindi magandang pakinggan pag ginaganun ang mga babae"

"Vicky doesn't like me, you fool" naiiling nalang sa akin si Sieg. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ikinilos niya. "Teka... Hindi nga? Hindi ko ramdam eh"

"Wow. Hinalikan ka na, niyakap, todo dikit sayo, sinundan ka pa sa ADMU. Now fool yourself bro" pinagtawanan niya ako. Kaya napaisip ako.

Oo nga noh? Bat hindi ko yun naisip.

Puro Emily kase nasa isip mo.

Mas pinagtuunan ko ang taong hindi ko kailanman maabot kesa sa taong abot kamay ko na.

Mas pinili ko yung taong hindi marunong manindigan kesa sa taong ang ginawa lang ay mahalin ako.

Umiling iling ako saka ngumiti.

"Magpahinga ka na, magpapalipas lang ako ng oras, mukhang iniwan na ako nina Beth at Vicky dito eh para magbantay sayo" natawa nalang si Sieg sa akin. "Sige jan ka lang at ako, hihiga lang"

Pumunta ako sa sofa saka nahiga doon. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang mga salitang binitawan ni Emily.

I'm a trash.

I'm not enough.

And I'll never be enough to anyone.

Sa kakaisip ko sa mga bagay na sinabi ni Emily, tuluyan na akong nakatulog. Paggising ko, nakaramdam ako ng mga mata. At tama nga ako, pagdilat ko nakita ko sina Vicky, Beth at Sieg na nakatingin sa akin.

"What?" nagkibit-balikat sila. "Uuwi muna ako. jan lang kayo" hindi ko na hinintay ang tugon nila. Basta nalang akong umalis at umuwi ng bahay.

Pagkauwi ko pumunta ako sa loob ng inuukupang kwarto noon ni Emily at tama nga ang hinala kong totoo ang mga sinabi niya. May nakalatag na bag doon sa carpet at may lamang pera, napakuyom ang kamao ko saka nagsimula na naman mamuo ang luha ko.

"Fuck. Fuck. Fuck!" napasuntok nalang ako sa pader habang inaalala ang mga sinabi niya.

Nanliit na naman ako sa sarili ko.

Pagbaba ko sa sala, nakita ko doon si Vicky na kompotableng nakaupo sa sofa. Nilinis na ata 'to ng mga tauhan nung dumukot kay Emily or si Emily mismo ang nagpalinis nito.

"What are you doing here Vicky? ang akala ko binabantayan niyo si Sieg?" umupo ako sa tabi niya.

"May mensaheng iniwan ang C Class" napatitig ako sa kawalan ng sabihin niya yun. "Wanna hear it?" tumango ako.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon