Chapter 47

5 2 0
                                        

Nang malaman ko kung sino ba talaga ang lolo ni Rayne ay madalang na akong makalabas.

Ipinagbabawal kase ng lolo niya na mag-isa lang ako sa labas.

Alam kong hindi pa ganun kalakas ang tiwala sa akin ng mga Veloso, specially Mr. Rome.

Pero kahit na nakita ko na ang mukha ng lolo ni Rayne hindi pa rin ako kombinsido.

I know that there's something wrong.

Ewan ko ba pero parang ramdam ko na hindi yun ang totoong lolo ni Rayne.

Kung si Rayne nagbabalat-kayo, maaaring ganun din siya.

Pero hindi ako pwedeng magsalita ng walang sapat na ebidensya.

Napakuyom ang kamao ko.

Pagnalaman ko ang totoo, hindi ko sila mapapatawad.

Napangiwi ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Mr. Bautista maghanda na daw po kayo dahil maya maya ay aalis na kayo papunta sa mansion ng mga Alonzo at exactly 7:30 pm" napatango naman ako. Umalis na ang maid kaya napatayo na ako.

Lumipas din kase ang isang buwan at isang buwan na din kaming engaged ni Rayne, na dapat kay Vicky naman talaga.

What an epic proposal.

Pumasok na ako sa walk in closet ni Rayne saka nag bihis ng pulang tuxedo na hinaluan din ng pulang pang-ibaba at makinang na itim na sapatos.

Napatingin ako sa salamin.

Ngumisi ako.

"Let the war begin...." ani ko.

Pagpunta ko sa ibaba ay nakita ko kaagad sina Bonham at Qin, napatingin naman ako kay Rayne saka ngumiti sa kaniya.

"You look gorgeous..." ani ko. "Tara na"

"Mauuna kayo hindi ba?" nagpout ako. "Ang alam ng lahat patay na ako kaya mauna na kayo at mamaya maraming pasabog" ani Rayne. Niyakap ko siya saka hinalikan siya sa pisnge.

"Mag-iingat ka okay?" ngumiti ako. "Tara na"

Sabay sabay kaming lumabas ng bahay saka sumakay kami sa kani-kanilang kotse.

Ang sabi ng lolo ni Rayne kailangan naming umalis ng sabay sabay pero iba ibang kotse ang sasakyan namin.

Nang makarating kami sa mansion ng mga Alonzo, tiningnan ng organizer ang invitation namin.

Well pinapasok na din naman kami.

Pagkapasok namin naghiwa-hiwalay kaagad kami pero may ear piece sa mga tenga namin.

Hinanap ng mga mata ko sina Vicky na agad ko namang nakita.

May inilabas ako apat na USB saka maingat na dumaan sa kanila at inilapag yun sa mesa nila.

Napatingin naman sa akin si Vicky pero nag-iwas kaagad ako ng tingin.

Akala ko wala na talaga akong nararamdaman but I went to a jewelry shop then nagpagawa ako ng singsing para sa kaniya. Tapos nakikita ko siyang nakipagkita kay Miguel at hinalikan pa siya sa pisnge. It hurts. Masakit at wala malang akong magawa kase wala naman akong karapatan at isa pa wala naman na kami eh. Anong laban ko?

Napailing iling nalang ako dahil sa sobrang layo ng isip ko.

Nang mailagay ko sa mesa ang USB agad akong nagsalita.

"Bonham, Qin? Asan na kayo?" ani ko saka palinga-linga.

[Andito na kami sa basement] - Bonham.

[Hinahanap ni Bonham ang Black USB ako naman ay naghahahanap ng files] - Qin.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon