Chapter 26

8 3 0
                                        

Matapos ang pag-uusap namin ni Quart tungkol sa pag-ibig ay agad ko siya ng pinagpahinga para hindi na rin siya mabinat. Tinext ko na rin ng gabing nun si Sieg para sabihan siya na nagising na si Quart at nagpapahinga na.

Quart is a guy na kahit anong gawin mo ay hindi mo mababasa ang nilalaman ng isip niya.

Masyado siya ng misteryosong lalaki.

Kahit nagtatawanan na kami kagabi, nananatiling wala akong makalap sa ekspresyon ng mukha niya.

Mukhang isa siyang question mark para sa aming lahat. Hindi siya blunt na tayo. Masyado siyang matalinghagang lalaki na paghindi mo inintindi ay hindi mo rin malalaman ang tunay na tunguhin.

Napakuyom ang kamao ko habang nasa opisina. Hindi ako makapagfocus sa trabaho dahil sa nangyare kay Quart. Kung sino man ang gumawa sa kaniya nito, sigurado akong may kinalaman sa amin ni Sieg.

Bakit si Quart pa ang kailangan niyang idamay? Bakit kailangan nilang idamay ang inosenteng tao?!

Hindi si Quart ang target niya kundi kami ni Sieg. Hindi lang talaga namin alam kung sino ang nasa likod ng pag-atake nun. At maaari ring hindi talaga kami ang pakay niya kundi si Quart mismo. Pero paano niya nalaman na katrabaho namin si Quart?

Maramkng gumugulo sa isip an ko, dumagdag pa yung dalawang lalaki na nakita ko.

Sigurado akong malapit lang siya sa amin.

Sigurado akong alam niya ang bawat galaw namin kaya malaya niya kaming nasusundan sa kung saan saan at ipinapahamak pero sino ang taong yun?

"Bro don't worry. Kung ano mang nangyare kahapon nasisigurado kong mahahanap natin ang gumawa. Hinack ko na ang CCTV at ang nakita ko doon ay isang babaeng naka leather jacket, pero nakakacap siya't nakawig. Nasisigurado akong alam niyang gagawin natin 'to. Ang tanong paanong nagkaroon ng baril sa building na yun, eh sobrang higpit ng security dun" tama si Sieg. Masyadong secured ang lugar na yun. Pwera lang kung malapit sa may-ari ang babaeng gumawa nito kay Quart. "Wag mo na munang isipin yun. Magtrabaho nalang tayo. At tsaka nasisigurado kong malakas si Quart. Masamang damo ata yun kaya matagal mamatay" naiiling nalang ako. Mula kahapon ng nakasama namin si Quart ay lagi ng nagsasagutan sina Quart at Sieg. Ayoko rin naman ng awatin ang dalawa kase kahit na ano atang awat eh wala sa kanilang magpapatalo.

Sobrang dami ng reports na ibinigay sa amin ni Sieg. Para kay Sieg, sigurado akong kaya niya pero ako, hindi ko naman pinag-aralan ang pagiging businessman eh.

"Sir, Mr. Wong is here... " sinenyasan ko ang sekretarya ni Quart na papasukin.

Tumayo ako saka pekeng ngumiti ng matamis. Nakita kong pumasok si Mr. Wong.

"Please have a sit, Sir..." umupo naman siya sa visitor's chair. "Anong maipaglilingkod ko?"

"Well I heard na nabaril daw ang kasamahan niyo. Gusto ko lang malaman kung ayos na ba siya? I will give a million to him..." nagkatinginan kami ni Sieg. "At isa pa sana di nito masira ang deal natin. I'm very sure that my building will be the best because of you"

"Mr. Wong if it's about the one million I think you should consult Mr. Zamora" ngumiti ako. "Don't worry Mr. Wong hindi nun masiaira ang deal natin. I'm sure it was an accident..." alam ko namang hindi. Alam kong sinadya yun. "The pleasure is ours. Gagawin ko ang best ko para sa building niyo"

Tumayo si Mr. Wong at nakipagkamay sa akin. Lumabas na siya at ako naman ay napabuntong hininga.

"Babayaran pa ata tayo nun para manahimik" anang Sieg.

"Yun din ang inisip ko. I will kill him" nagtangis ang bagang ko. "Sarap barilin"

"Easy dude. Wag muna tayong magpadalos dalos" ngumisi siya. May balak na naman ang lalaking 'to. "Oh siya magtrabaho na tayo..."

Tumango lang ako saka nagsimula na naman kaming basahin ang mga reports at isulat ang mga pagbabago sa firm nina Sieg. Tumaas ang sales nila pero bumaba rin yun ng nagdaang taon kase may mga nagbukas na ibang firm.

Pagkatapos ng pagbabasa ko ng iba pang sales ay kinuha ko ang folder ng mga empleyado. Napatingin ako kay Sieg.

"Bakit andito ang folder ni Emily? Nagtrabaho ba siya dito?" nagkibit balikat siya. "Kase kung oo maaaring may kinalaman nga siya kase malalaman niya ang pasikot sikot ng firm na'to"

"I think hindi. Ang sabi ni Mommy, ikaw ang unang kaibigan ko na papasok sa firm na'to. Maybe that's a trap. Gusto ng kalaban natin na tumingin tayo sa ibang perspective" aniya Sieg.

"Baka nakakalimutan mo, kalaban din natin si Emily..." napatango tango si Sieg. "Pero bakit andito ang folder niya?"

Maaring hindi lang talaga si Emily ang kala an namin.

Pagkatapos ng trabaho namin ay nauna ng umalis si Sieg, may date daw sila ni Beth. Napangiti ako. Kahit na ano pang naging alitan namin tatlo, magkakaibigan pa rin kami.

Sana andito ka Vicky.

Napangiti ako ng maisip si Vicky. Dapat magpatuloy ang buhay. Bagay tayo pero hindi ibig sabihin nun eh tayo na ang magkakatuluyan. Bagay tayo. Bagay ka maging asawa ko.

Kahit ano pang pagdedeny ko alam kong mahal ko pa rin siya. Kahit ano pang inom ko ng alak wala ding magagawa.

Maaaring nakalimutan siya ng utak ko ngunit mananatiling buhay ang alaala namin at pagmamahalan namin dito sa puso ko.

Siya yung klase ng babae na hindi mo gugustuhin na kalimutan.

Ngumiti ako at bumaba na ng building. Nakita ko si Claire. Lumapit ako sa kaniya.

"Hey. Tara. Hatid na kita..." naiiling nalang ako at sumakay na sa kotse niya. "Exhausted?"

"Yes. Super" natawa naman siya sa akin. "Nakontak mo na ba si Vicky?"

"Nope. Pagtinatawagan ko ang bahay nila laging sinasabing nasa bar daw si Vicky" napasimangot ako. "I think hindi lang ikaw ang nasaktan sa break up niyo"

"As far as I know hindi pa kami break. Kung nakipagbreak siya, hindi din ako papayag. Ang isang relasyon ay disesyon ng dalawa hindi ng isang nagsawa na" ngumiti ako. "I love her kaya hindi ako bibitaw. Hindi niya ako binitawan noon kaya yun din ang gagawin ko" ngumiti ako.

"Fool in love" naiiling nalang ako sa sinabi ni Claire. Ngumiti ako.

Nawala ang ngiti ko ng magvibrate ang phone ko. Pag tingin ko isang text from an unknown number. Binuksan ko yun, at nagtangis ang bagang ko ng makita ang text message.

'Ang sweet niyo naman. Ang sarap barilin ng kasama mo'

Who the fuck is this?!

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon