Naging normal ang mga sumunod na buwan sa amin. Wala naman naman na si Emily sa C Class, bumalik daw yun sa England kaya madali ang pagalaw namin. Ang mga nakalap naman na impormasyon ni Sieg ay nakasave na sa private laptop niya.
Wala pa naman kaming balak na magpasabog, sa ngayon, nakikipaglaban pa kami, bakbakan para sa pagiging Summa cum laude.
Naiiling nalang ako dahil hindi talaga sila nagdadalawang isip. Napapangiti naman ako kase mas ginaganahan ako. We're friends, at naglalaban kami sa iisang pwesto.
Wala naman na sa aming nagpapatalo eh. Si Vicky lang talaga ang hindi seryoso sa amin. Wala nga siyang pakialam kahit na pagsabihan pa namin.
Baliw kase.
Hindi kami nababagot na magpakitang gilas sa klase. Pare-parehas naming gusto ang top spot, kaya kahit na maglaban laban pa kami, eh ayos lang.
Pagkatapos ng klase namin dumiretso kami sa bahay namin. Wala namang bago eh. Lahat na ata ng parte ng bahay ay natulugan na nila pwera lang sa kwarto ni Ate.
"I'm bored" napatingin ako kay Sieg na kasama ko sa kwarto. "Asan na ba si Beth?"
"Tigilan niyo nga ang kakapaglandian sa isa't isa nakakawala ng gana eh" natawa nalang sa akin si Sieg.
"Eh kung totohanin niyo nalang kase ni Vicky ang kayo. Bagay naman kayo eh. Halos lahat sila naniniwalang kayo" ngumisi sa akin si Sieg.
Creepy.
"Una sa lahat, magkaibigan lang kami, pangalawa hindi namin type ni Vicky ang isa't isa at panghuli bagay kami pero hindi ibig sabihin nun, eh kami na ang magkakatuluyan" kinuha ko ang unan ko at binato siya.
"Bahala ka nga sa buhay mo. Ang sabihin mo mahal mo pa rin si Ems..." natahimik ako.
Natigilan ako sa sinabi niya.
Mahal ko pa ba talaga siya?
Hindi ko yun napagtuunan ng pansin dahil sa galit ko.
Kaya ko ba talagang ituloy ang plano kahit na alam kong masasaktan ko siya?
Umiling iling ako at nagreplay na naman sa akin lahat ng sinabi niya at lahat ng nalaman ko tungkol sa kaniya.
She don't deserve my love.
"i don't love her..." walang emosyon kong ani kay Sieg. "Asan nga pala si Vicky?"
"Oh bat mo ngayon hinahanap si Vicky? Akala ko ba di niyo type ang isa't isa?" tinampal ko siya. "I'm just kidding bro"
"First of all, kanina ko pa siya hindi nakikita. Second, baka napano na yun, at huli, kaibigan natin siya! ulo!" umiling iling ako. "At isa pa gusto ko ng kausap na matino. Hindi tulad mo. Matinong kausap ang kailangan ko kaya tigilan mo'ko"
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Vince, lumapit ako sa kaniya at nginitian.
"Need anything?" tumango siya. "Si Sieg ba ang pinunta mo?" tumango ulit si Vince. "Nasa kwarto siya" ginulo ko ang buhok niya. "Go"
Tumakbo papunta sa loob si Vince kaya nailing iling nalang ako. Akmang hahanapin ko sina Vicky ng makita ko silang dalawa ni Ate sa sala.
Akmang lalapit ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Vicky wag kang magbait baitan. We both know your true color..." anong pinagsasabi ni Ate? "Wag mo ng utuin pa ang kapatid ko. Kung noon hinayaan kong utuin ni Emily si Shan ngayon hindi na. Hindi ako makakapapayag"
"Don't worry Ate Shane, if it's all about that we're in a relationship, it's not true. Maybe Shan is my ideal type of guy, oo nagkagusto ako sa kaniya pero alam ko pa rin ang hangganan ko. Pag sinabi niyang si Emily ang kailangan niya, then so be it. Alam ko namang rumesperto sa disesyon ng iba...." tumayo si Vicky. "And please don't compare me and Emily. I'm not like her. I'm a good person. Hindi ko iniwan ang kapatid mo, and she broke him. Tinutulungan ko si Shan para sa kagustuhan niya. Sinusuportahan ko siya samantalang si Emily, sinra niya si Shan. Winasak niya ang kaibigan ko. At kung ito lang ang makakapagpasaya kay Shan. Ito ring ang gagawin ko. Shan is special. We both know that... "
Aalis na sana si Vicky ng hilahin siya ni Ate paharap.
"Hindi niyo alam ang ginagawa niyo. Pinapalala niyo lang ang lahat! Hindi niyo alam ang papasukin niyo! Sa tingin niyo ba kaya niyo sila?! Mag-isip kayo. Wag kayong magpadala sa galit" ngumiti si Vicky saka kinalas ang kamay ni Ate. "Please...."
"Matatalino kami Ate Shane. Mahigit sa 100 ang IQ ng bawat isa sa amin. And please, wag kang haharang sa gagawin namin. Pareho nating alam na nagbago na si Shan" ngumiti ng bahagya si Vicky. Bakas sa ngiti niya ang pag-aalangan.
"Alam ko yun. Simula ng sabihin yun ni Emily, alam kong nagbago na si Shan simula nun but please pigilan niyo siya." nakita ko ang pagngiti ni Vicky saka umalis.
Lumabas ako sa pinagkukublian ko kaya nakasalubong ko si Vicky. Halata namang nagulat sila ni Ate Shane.
"Kanina ka pa? " ngumiti sa akin si Vicky. Umiling ako. "Mag-uusap tayo"
Tumango ako, lumabas kaming dalawa at naupo sa bench kung saan kami noon nag-usap. Pinakatitigan namin ang langit na puno ng mga bituin.
Bumalik sa akin ang alaala nung huling masaya pa kaming lahat.
Nung panahon na kasama pa namin si Emily.
Masaya kami nun.
At naaalala ko rin na sinabi niyang ako ang buwan niya sa madilim niyang mundo.
"Do you like the stars?" napukaw nun ang atensyon ko. "I love it. Parang binibigyan niya ako ng liwanag...."
Ngayon ko lang napansin na marami silang pagkakapareho ni Emily. Ang isa sa kaibahan nila, si Emily mahal, este minahal ko, samantalang si Vicky, kahit hindi ko masuklian ang kabutihan niya, ayos lang sa kaniya.
Bakit hindi nalang ikaw ang ginusto ko't minahal?
"Stop staring at me it's weird" ngumiti ako sa kaniya. "By the way nagpabook na ako sa kakilala kong pwede sa ating magturo ng martial arts, and don't worry kasing edad natin siya at isa pa, cousin ko siya so don't worry. Sabado naman bukas eh" tumango tango ako. "Are you okay?"
"I think..." tumingin ako sa kalsada. "Nagmahal ka na ba?" she stilled at napatingin sa akin.
"Nope. I don't want to. Masasaktan lang ako. At alam ko yun dahil sayo. You are hurt because you love her" napayuko ako. "You don't have to like this Shan. Kinausap ako ni Shane kanina, she said na pigilan kita pero alam kong dito ka sasaya pero gusto kong sa'kin na mismo manggaling na you don't have to do this. Sabihin mo lang kung anong gusto mo. Kung sinong gusto mong patumbahin, ako mismo ang gagawa nun..." napatingin ako sa kaniya. "Be with us, for fun, be with us for you to be happy. Gagawin namin ang lahat para sa ikakasaya mo, lalo na ako. I can do everything for you Shan just please don't drag yourself to hell. Kahit anong gusto mo susuportahan kita but please ayokong mapahamak ka"
"Why are you even doing this for me?" naguguluhan ako.
Alam ko namang di niya ako type.
Alam ko din namang kaibigan niya lang ako at ganun din ako sa kaniya.
So why?
Bakit kailangan niya gawin ang lahat para sa akin?
"Let's just say..." tumayo siya saka ngumiti. "You are my moon in my darkest nights"
Napatingin ako sa papalayo niyang bulto.
Emily used to say that.
Sino ba talaga ako sayo Vicky?
At bakit may pagkakapareho kayo ng ugali ni Emily?
Ano bang kailangan mo sa akin?
Am I really just a friend for you?
Dahil sa huling check ko sa mga ginagawa mo, it's not just being a friend, it's more than that.
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...