Chapter 37

7 4 0
                                        

"Anong ibig niyong sabihing patay na? Then who is that girl? At paano niyo siya nakilala eh nakamaskara siya?" naguguluhan ako.

"She died on a car accident together with my sister..." aniya Vicky.

"At ang suot niyang yun, ay kaming tatlo mismo ang gumawa. She told us that she like having a costume. Kaya hindi kami pwedeng magkamali. Siya yun pero paano? She died on that car accident..." aniya Emily.

"What does she wants from you Shan?" aniya Vicky.

"She almost killed my friends, at ikaw Vicky. Nung sa Floral Café, tinakot niya akong papatayin ka mismo sa harap ko..." naalala ko pa ang tagpong yun.

"Then whoever she is, hindi siya si Rayne. Mabait si Rayne. At hindi niya kami sasaktan" aniya Vicky.

"We never know..." aniya Emily.

Pagkatapos naming mag-uusap usap ay umalis na silang dalawa dahil pupunta pa daw sila sa burol ni Sieg. Kinuha ko naman ang maliit na mouth piece saka ko tinawagan si Quart.

"Kamusta ang pinapahanap ko sayo?" tanong ko habang iniayos ang pagkakaupo ko.

[Pagmamay-ari yun ng isang matandang babae kaya impossible yun. Siguro carnap lang yun. Pumunta na din ako sa mga pulis at sabi nila ay may nakita silang kotse na parehas ang plate na ibinigay mo, pero nasusunog na yun]

"Hindi lang pala tayo ang matalino pati rin ang taong nasa likod nito. May iuutos pala ako sayo" I have to know if patay na nga ang Rayne Castle Veloso na yun.

[Okay. Ano yun?]

"Find some information about Rayne Castle Veloso..." saglit na natahimik ang kabilang linya. "Are you there Quart?"

[Yes. Bakit mo pala siya pinapaimbeatigahan sa akin?]

"Because she's the unknown number, nararamdaman ko yun, siya ang babaeng bumaril sayo, at nagtatangka sa buhay ninyong mga kaibigan ko" tumingin ako sa labas. "I know that Rayne Castle Veloso is dead pero sina Emily at Vicky ang nakakakilala sa kaniya at nakita nila siya dito mismo sa kwartong inuukupa ko sa ospital"

[Got it, boss. Ako na ang bahala dito]

Pinatay na niya ang tawag, sakto naman nun ang pagbukas ng pinto. Napatingin ako doon. Pero parang gusto kong tumalon ng makita kong si Claire yun.

"Claire what are you doing in here?" ani ko saka tinitigan siya.

"Are you okay? Nabalitaan ko ang nangyare sayo? Condolence pala. Mamaya pupunta ako sa burol ni Sieg..." nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Siya ang babaeng nakilala ko nun.

Siya ang Claire na kaibigan ko.

"I'm fine..." simpleng lathala ko.

"Thanks god your okay. Magpahinga ka na..." tumango ako saka permeng humiga at ipinikit ko ang mga mata ko.

Next thing I knew, I was sleeping.

Nagising ako dahil sa isang kaluskos sa loob ng silid. Iminulat ko ang mata ko at nakita ko doon si Quart na nakaupo lang.

"Nakatulog ka ba ng mabuti?" aniya Quart habang sumisimsim ng kape. "I believe you slept well"

Ngumiti ako saka umupo sa kama. Tiningnan ko si Quart, puno ng dugo ang damit niya, kinunutan ko siya ng noo.

"What disaster had you've been?" natawa nalang ako habang tiningnan siya. Umuulan sa labas kaya sa tuwing kumikidlat nakikita ko ang dugo sa katawan niya.

"May mga nagtangkang barilin sina Vicky mabuti nalang at may dala akong kutsilyo at isang baril..." tinawanan ko lang siya. "Walang hiya kang lalaki ka. Dapat nagpapasalamat ka sakin"

"I know, I know. Oh by the way is it disgusting?" pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Super bro. Super. Oh by the way may nakalap akong impormasyon tungkol kay Rayne. And I found out that she died in a car accident with Vicky's sister, Victoria Mitchell Aguinaldo. Pero nakita siya dito sa Pilipinas 2 years ago, a few years before that, nakita siya sa England na nakabuntot siya sa mga Alonzo" napangiwi ako.

"Nakakasiguro ka bang siya yun?" tumango si Quart. "Then we have to trace her. She must be hiding herself with another identity. We should stop her from digging the families in Rivals Family. She's willing to kill to get what she wants"

"I already know that but she's too hard to find. Without Sieg I can't do it" tumango ako kay Quart.

"We should wait until we can dig him up again..." ngumiti ako.

"I should be going, my camera says the doctor is coming..." tumayo si Quart saka pumunta sa bintana. Binuksan niya yun saka walang pasabing tumalon.

"Dun rin ba siya dumaan papasok?" naiiling nalang ako.

Bumukas naman ang pinto saka nun inuluwa ang Doctor na tumingin sa akin. Tiningnan niya ang vitals ko at pagkatapos ay umalis din.

"I can't just wait for Sieg. I have to make a plan..." kinuha ko ang private phone ko saka tiningnan ko kung saan huling nakita si Rayne two years ago.

It's just a forest but I know may kakaiba dun.

"Using your phone again?" napatingala ako dahil sa pagsulpot ni G. "You're firm is like a bloody hell. Kung tamad ka dun baka ngayon patay ka na..." natawa nalang ako sa itsura ni G.

Totoo naman kase. Masyadong komplekado ang firm namin at aminado ako na sobrang hirap magtrabaho sa CSCF.

Inialis niya ang blouse na suot niya at naiwan nalang dun ay ang bra niya. But unfortunately, she's not seducing me, alam naming dalawa na hindi yun pwede. Kahit pa na friends with benefits kami.

And I know there is someone that's meant to be with her.

Habang hinahanap ni G ang damit niya ay biglang pumasok si Vicky. Halata sa mukha niya ang gulat. Napadako ang tingin niya kay G na nakabra lang.

"Naisturbo ko ata kayo, sige-" hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang may magpaputok ng baril.

Agad akong umalis sa kama ko saka pumunta kay G. I looked at her eyes. Puno yun ng takot.

Fuck! Bat ngayon pa?!

"Go to the bathroom and stay quiet..." tumango naman siya at sumunod sa sinabi ko.

Biglang may nagsidatingan na naka suot ng purong itim at nakamaskara. Tinapunan ako ng isa ng kutsilyo pero agad akong nakaiwas.

Sumugod kaming dalawa ni Vicky. Sinikmurahan ko ang lalaking umatake sa akin kanina. Agad ko siyang sinakal at binalian ng leeg.

Napadako ako sa kutsilyo kaya kinuha ko yun at tinapuan ang isang lalaki ng kutsilyo na sakto namang tumama sa dibdib niya.

Nakita ko naman si Vicky na nakikipag hand combat sa isang kalaban saka niya yun binigyan ng round kick.

May tumutok sa akin bigla na baril pero bago pa niya yun makalabit ay sinipa ko ang kamay niya ng sobrang lakas sabay lundag at binigyan siya ng 45° kick.

Napabalin ako bigla kay Vicky. Nakita kong sasaksakin siya ng nakaitim na pinatumba niya. Agad akong tumakbo saka iniharang ang sarili ko dahilan para ako ang masaksak.

Hindi ko ininda ang sakit, hinugot ko ang kutsilyo at agad na ibinaon yun sa dibdib ng lalaki.

"Shit.. I think I have to stay here..." napangiwi nalang ako. Nakita ko namang umalis na ang mga nakaitim na lalaki pero, iniwan nila ang bangkay ng mga kasamahan nilang sinaksak ko at pinatumba ni Vicky.

"Shan!" napatingin ako bigla kay G na kakalabas lang ng CR at nakadamit na siya. "I'll call the doctor and the security..." tumakbo siya palabas.

"Nababaliw ka na ba talaga? Para sa akin yun eh. Dapat hindi mo na sinalo" aniya Vicky na puno ng pag-aalala ang mukha.

I want to tell you that I saved you because I love you pero alam ko namang mali.

"I have to save you because I know they are coming to kill you..." alam kong kahibangan na itong pag papanggap ko na I don't care about her but I do care. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"It's not worth it dying for me, Shan"

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon