Halos isang buwan din ng huli kong makita ang Ate ko. Nanahimik man ako kung minsan pero mandalas ay ukupado ang aking isipan. Nag-aalala na ako, pero nagpapakatatag ako. Ayokong mag-alala pa si Ate. Gusto kong kahit ngayon lang ay isipin niya ang sarili niya at hindi laging ako. Hindi laging ako ang dahilan niya para lumaban. Hindi laging kami nina Mom at Dad.
Hindi naman dun titigil ang pag-ikot ng mundo ko. Ang pamilya nina Emily ang nag-asikaso kay Ate Shane at sina Mom at Dad ay nanatiling nasa tabi ng Ate ko. Hindi naman ako nagtatampo kase alam kong mas kailangan sila ni Ate.
Mas kailanan niya yun kesa sa akin.
Kahit naman bali-baliktarin natin ang mundo, kailangan ko ring magpatuloy sa buhay para sa sarili ko at hindi lang nakadepende sa iba.
Hindi sa lahat ng oras ay aasa ako, kailanan ko ring gumalaw para sa sarili ko.
"Ang lalim naman ng iniisp mo? Hang gang kailan ka ba magiging ganyan? Patapos na ang 2nd sem pero ganyan ka pa rin ah" napatingin ako kay Emily. Bat nandito ang babaitang 'to? Batid kong isa siyang uri ng tao na dapat pagkatiwalaan. "Pupunta dito sina Sieg at Beth, tumawag sila sa akin kase napakalaking snob mo daw"
Natatawang naiiling nalang ako ng abutin ko ang cellphone ko. Napanganga ako ng makitang 50 missed calls at 105 messages.
What the hell?!
"Jowa ko ba 'tong si Sieg? Nabakla ata yung gago, mas clingy pa siya sa mga kakilala ko" natawa nalang sa akin si Emily saka ako tinabihan. "May pasok ba sa C class?" tumango ito. "Are you okay?"
"Naiinis lang ako sa Lolo ko. He keeps on controlling my life. Pero kahit noong mga panahong ginagawa ko ang mga gusto niya eh hindi niya magawang maging proud sa akin" bumuntong hininga siya. She's the girl who will always agree and do whatever her grandfather will say. Magka-iba kami. Matigas ang bungo ko at siya naman ay uri ng babae na so rang masunurin. This is the true Emily Watts, napakastrong niya sa labas na kaanyuan niya pero ang totoo napakahina niyang tao.
Kahinaan niya ang pamilya niya, gaya ko.
"Ano na naman ba ang gustong ipagawa sayo ng lolo mo?" nakita ko ang pagyuko niya, she's frustrated. Tumayo siya saka naglakad palapit sa bintana saka dumungaw doon.
"He wants me to marry someone I fucking don't love" no... Ayokong masaktan si Emily. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Magiging empyerno ang BUHAY niya sa kamay ng lalaking hindi naman talaga niya mahala. "I fucking don't know that guy. Ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal. I want to marry a guy who will let himself change just for me"
Kaya ko ba yun?
"Don't worry Emily, andito lang kami para sayo" andito lang ako para sayo. Andito lang ako para protektahan ka. I don't understand myself. Gusto kong ako ang maging tagapagtanggol niya.
Maybe because she's our Head.
"Hey guys" napatingin kaming dalawa sa bagong dating na sina Sieg at Beth pero nabigla ako ng makita si Vicky. "I smell something's fishy"
"Tigilan mo kami Sieg" natawa nalang sina Vicky. Nailing nalang ako. "Ang landi landi niyang isip ko"
"Hey Shan pahiram naman ng laptop mo" tiningnan ko si Vicky at pinagtaasan ng kilay. Akala mo walang laptop sa BAHAY nila eh. "Makikisearch lang naman ako"
"Go to my room in the left side. Black yung pinto, don't open the pink door please" kwarto yun ni Ate at ayokong may pumapasok dun maliban lang kay Emily. Hindi ko alam pero mayroon lang akong tiwala kay Emily when it comes to my sister.
"Thanks" ngumiti siya sa akin.
Dala dala nina Beth ang isa sa mga librong kailangan namin para sa group study namin, si Sieg naman ang nagsusulat ng mga mahahalagang bagay at ako ang taga summarize nun. Si Emily binabantayan lang kami at pag alam niyang may kulang pa sa detalyeng kailangan namin ay nagsasabi siya.
She's the smartest among those girls I've ever met.
Kahit na anong balin ko sa iba ay nanatiling nakafocus ang lahat ng atensyon ko kay Emily.
Pagsapit ng alas tres ng hapon ay nagpaalam na sila pero nauna ng umalis sina Beth at Sieg. May pupuntahan pa daw sila. Emergency ata. Hindi ko naman na kailangan na alam in lahat ng tungkol sa kanila. Inihatid ko si Vicky sa labas ng bahay.
"Thank you Shan" nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa pisnge. What the fuck just happened?! "Goodbye"
Napalagapak nalang ako sa daan ng may sumipa sa akin. Pagtingin ko si Emily, ang sama ng tingin niya sakin. Tatanungin ko sana siya kung bakit pero iniwan nalang niya ako bigla. Nakakapagtaka naman.
Jealous?
Minsan cold, minsan sadista, madalas maldita.
Mababaliw na ako.
Napailing iling nalang ako saka pumasok sa bahay. Minsan iniisip ko kung nababaliw na ba talaga ako o baliw lang talaga ang mga taong nakapalihid sa akin.
Pagpatak ng alas dyes, pumunta na kami ni Emiliy sa C Class. Mas dumami na rin ang students doon. Umupo na ako sa silya ko at sakto naman dumating si Teacher Quin Bo.
"Our lesson for today is 'How to cheat is your in the last row and your prof is in the back' this is just easy basta wag lang kayong kakabahan. Kahit na di kayo magkakatabi ng mga ka C Class niyo ayos lang, just use the 'Chords Cheat' ang gagamitin niyo lang ay Chords ng gitara, If it's mutliple choice gawin yun lang ang chord na 'A' 'B' 'C' 'D'. Kung di naman do the tapping. one tap for A, 2 tap for B, 3 tap for C and 4 tap for D. Kung equations naman don't worry just act like you are sick then siguraduhing ang sasama say ang prof mo at ang mga ka-C Class mo ang sasagot ng papel mo. Kung hindi naman, if ang kasama mo sa C Class ang kasama mo kailangan mapuslit niyo ang answer sheets niyo and do the cheating. Kung kailangan niyo ng key to correction, kami na ang bahala dun. Any questions class?" umiling kami. "Class Dismiss"
BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...