Habang nasa klase ako, lumilipad ang isipan ko, hindi ko lang alam pero parang meron something kay Emily.
Bakit ba binabagagabag ako ng babaeng yun?
"Shan Bautista!"
Napaigtad ako ng sapulin na naman ako ng Prof namin ng isang chalk. Pangatlo na yan actually, pero ewan parang di ako nagtatanda.
Nakakairita itong bakla na'to.
"Are you with us or not?" alam ko hindi ito ang pagkakataong mamilosopo pero nakakainis na si Prof Dangal eh.
Ay naku bahala na.
"Prof nakita mo ng andito ako magtatanong ka pa" babatuhin sana ako ni Prof pero bigla akong tumakbo palabas ng room. "Now Prof, I'm not with you at all. Babalik nalang po ako pagwala ka na" parang nag-usok sa galit ang Prof namin, nakita ko naman na nagpipigil ng tawa ang mga kaBlock ko. "Salamat!"
Napatawa nalang ako habang tumatakbo papunta sa CR ng mga boys. Narinig ko pa ang nakakairitang tili ni Prof Dangal.
Nagmistulan race track at maze ang corridors dahil kanina pa ako kakatakbo. Bumalik lang ako sa room ng magring na ang bell hudyat ng tapos na ang subject.
"Shan ang galing mo kanina ah" nakipag high five ako sa kaBlock ko. "Alam mo bang nasira ang pabangs ni Prof bakla" natawa nalang ako sa sinabi ni Victorio.
"Nice Shan. First time mo yun ah" natawa nalang din ako sa iba kong kaklase na sinasabi yun.
Tarantado na ba ako nun?
Naiiling nalang ako habang naiimagine ko ang mukha ni Prof Dangal.
"Shan! Catch" sinalo ko ang bag ko na tinapon ni Sieg. Inakbayan niya ako habang ang kamay niya hila-hila si Beth. "Ang cool mo kanina ah"
Napatawa kaming tatlo.
"Oo nga eh. Sana lang wag yun umabot sa Dean" napaisip ako doon pero ang sabi naman ng Head may proteksyon kami.
Sana nga.
"Hindi naman tayo papabayaan ng head eh"
Pumunta na kami sa next class namin, wala naman masyadong kalokohan akong ginawa. Wala naman use kung gagawa ako ng kalokohan eh.
Sadyang nairita lang ako kay Prof Dangal. Sa sobrang pagkawala ko sa mood nakalimutan ko ang consequences ng mga pinaggagawa ko kanina.
Pagkatapos ng lahat ng klase namin ay dumiretso muna kami sa library para manghiram ng libro. Kahit naman na kasama na kami sa cheater's Class ay kailangan pa rin naming mag-aral.
Hindi sa lahat ng oras ay aasa kami sa iba. Paano kami uunlad kung lagi nalang kaming aasa sa iba? Hindi pwerket nasa C Class kami ay todo panggagaya at pandaraya nalang ang gagawin namin.
Hindi sa lahat ng oras at aasa kami sa C Class.
Pag-uwi ko sa bahay nandoon si Mom at Dad sa sala pero gaya ng nakasanayan di nila ako pinapansin. Ganun naman kase lagi ang eksena. Hangga't walang nagbabasa sa amin ng pride wala ding mangyayare. Mag-aanimo'y anino ka lang sa harap an ng magulang ko. At dahil nga wala silang pakealam eh hindi nila alam ang mga pinaggagagawa ko. Pumunta muna ako sa kwarto ni Ate at nakita ko siyang nagreresearch ng kung anokaya di ko na siya inabala ba.
Siguro sa trabaho niya yun.
Pagpatak ng alas dyes ay lumundag ako galing sa bintana. Nakasanayan ko na 4ing lumundag galing dun kase parang lagi lagi ko yung ginagawa para lang makatakas sa mga magulang ko at makapunta sa C Class. Si Ate Shane naman ay mandalas sa back door dumadaan.
Hindi ko na hinintay si Ate Shane basta lang akong pumunta sa tunnel at sa gitna noon ay binuksan ko ng dahan dahan ang pinto upang hindi makalikha ng ingay.
Babati sana ako ng may tumakip sa bibig ko pagtingin ko sa kung sino yun, napamulat ako ng mata ay nakita ko si Emily. Hinila niya ako at isinakay ako sa isang nakaparadang kotse.
Halata sa mukha niya ang iritasyon ng makita ako.
Problema na naman ng babaeng 'to? AKALA mo laging pasan ang mundo eh.
"Saan tayo pupunta? At bakit may mga pulis dun?" sunod sunod Kong katanungan pero nananatiling nakapoker face siya. Hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. Wala ng pagbabago sa mukha niya. Ang cute niya pa rin.
Gaya lang noong una ko siyang makita sa quiz bee.
"Ginawa namin yun para mag-iba tayo ng lugar at mailito ring ang mga nag-iimbestiga. Alam na namin na sinabi na ni Mich ang katotohanan at pinagkalulo ang C Class" tumingin siya sa'kin at ang poker niyang mukha ay napalitan ng pagkakunot. "At ikaw dapat hinintay mo muna ang Ate mo bago ka pumunta sa C Class. May bagong lugar na at may balak ka pa atang magpahuli kaya ka pumunta dun" binuksan ng body gurad niya ang kotse saka bumungad sa akin ang isang malaking puno. Sa punong yun may nakatagong pinto. Pumasok ako don saka nag-slide papasok sa bagong lugar ng C Class.
Hindi ko na na namalayan si Emily agad akong pumunta sa klase ko. At nakita ko ang isang lalaking bago palang.
"Ako si Teacher Quin Bo ang magiging bagong guro niyo" ngumiti siya sa amin at nang lumaon ay nawala ito at naging seryoso ang mukha. "Our lesson for today is 'How to cheat when you are in the front' simple lang naman na yun. May ibibigay kaming answered papers sa inyo at ibabakat niyo nalang yun. But if wala kang answered paper ay wag kang mag-aalala kase ang nasa likod mo na ang bahala sayo. Pagnalingat lang ang Prof niyo paniguradong mapapasayo ang answered paper. Para naman sa sobrang dami ang kasama nsa loob ng isang room you can do the 'Pen Pass' sa isang pen ilalagay ng isang taga C Class ang mga sagot, ang kailangan niyong gawin ay ipagpasapasa sa mga kasamahan mo ang pen, madali lang naman yun, kase napapaloob sa pen ang sagot na kailangan niyo sa mahihirap na tanong" lahat ng sinabi ni Taecher Quin Bo ay sinulat namin.
Nagtaas ng kamay si Beth. "Sir paano namin maipapasa ang mga yun kung talo lang kami at magkakalayo ang upuan?"
"Easy, just make a scene at yung mga kasamahan mo na ang bahala sa pen, kukunin nila yun at papalitan ng pen nila. Any questions?" napangiti kaming lahat dahil sa sinabi ni Teacher Quin Bo.
"None Teacher Quin Bo"
"Class Dismiss"

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...