Chapter 29

6 2 0
                                        

Naiiling nalang ako habang kasama ko sina Quart at Sieg dito sa bar. Hindi ko alam ko kung anong gagawin ko dito sa dalawa.

Minsan okay sila, mandalas puro bangayan.

Napangiti ako ng makita kong nagkakasundo sila sa inomin. Mga loko loko talaga.

"May na missed ba ako?" napalingon kami doon. Tumakbo naman agad si Sieg papunta kay Beth. "Oh may isusumbong ka na naman tungkol kay Quart?"

"Wala na. Bumait na siya sa akin eh" ngumiti si Sieg. Napa 'ts' naman si Quart.

"Hey Miss Beth" aniya Quart. "Mabuti't nagkita tayong muli"

"You look so, mess" natawa nalang ako sa sinabi ni Beth. Pare-pareho naman KAMING haggard na eh. "How are you Shan?"

"I'm fine. Super fine" nginitian ko siya. Ngiting nangungumbinsi. "May ipapatayo ka ba, okay na ang firm namin"

"I heard you are the new firm owner. Congratulations Shan" nginitian ko si Beth.

It's good. Maganda na ang kinakalabasan ng mga pinaghirapam ko.

"Like what we've plan" aniya Sieg kaya biglang nag flashback sa akin ang lahat. "By the way, bukas pala wala na ako sa CSCF kase may company akong pinatatakbo. So baka madalang nalang tayo magkikita kita" parang nagandahan ako sa sinabi ni Sieg. Ibig sabihin hindi ko na maririnig ang bangayan nila ni Quart.

"That's okay. And goodluck to all of us!" ngumiti ako saka itinaas ang bote ng beer. "To all of our achievements! Cheers!"

"Cheers!"

Kinabukasan pagpasok na pagpasok ko palang ay binabati na ako ng lahat ng empleyado ko. Nginingitian ko lang sila.

Lumapit agad si Quart sa akin ng makita niya ako. Nginitian ko siya.

"Goodmorning Sir. Our client is inside your office. And her name is-"

She's here.

"I know who she is" nginitian ko siya. "Thank you Quart. Ow by the way, tawagan mo mamaya si Sieg at sabihin mong may ipapakita ako sa kaniya"

"Copy that" ngumiti siya sa akin.

Iniayos ko ang suit ko saka pumasok sa loob ng opisina ko. Hindi gaya ng kanina na ngiting ngiti ako, nawalan ng emosyon ang buong mukha ko nang umupo ako sa swivel chair habang nakangiti sa akin ang client ko.

"Goodmorning Ms. Alonzo" nginitian ko siya ng pilit. "I already review your floor plan. And it was great. Kailan natin sisimulan ang pagtaayo ng restaurant mo? At saan ang location nito?"

"Shan you don't have to be so polite. We are-"

"I have to. Because you are my client" ngumiti ako ng pilit kay Emily. "So may ipapabago ba kayo sa floor plan na'to?"

"None. It's fine. Ang location niyan ay sa Cebu and we will start the construction after the New Year" nginitian niya ako saka tumayo. "Thank you for your time..." inilahad niya ang kamay niya na agad ko namang inabot.

"Thank you Ms. Emily Alonzo" niw she's using her surname.

Lumabas na siya sa opisina ko, siya namang pagpasok ni Sieg.

"Is that Emily?" tanong niya sa akin habang nakangisi. Weird.

"Seriously bro kailangan mo pa talaga itanong yan sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa naman niya.

It's obvious.

Umupo siya sa visitor's chair saka may kinuha sa bulsa niya. Inilahad niya ang iba't ibang litrato.

"What this?"

"Yan ang mga nakalap kong litrato noong huling may nangyare. Ang pagkakabaril kay Quart ay talagang hindi lang aksidente. Totoong sinadya yun" napangiwi ako. What the fuck! "Nang ihack ko ang CCTV doon sa building na kaharap lang ng building na pinapapagawa sa atin ni Mr. Wong, kinabukasan nun wala na ang CCTV footage kung saan makikitang pumasok ang babaeng nakaitim. It's either that girl is connected to Emily or siya talaga si Emily..." nawalan ng emosyon ang mukha namin ni Sieg.

"That girl can hack CCTV footage, Emily can't. She hates computer. Alam ko yun" napaisip ako bigla. "Tinakot lang ba talaga tayo ng babaeng yan?"

O gusto niyang guluhin ang lahat para isiping lalaban si Emily?

"Sa tingin ko hindi..." napatingin ako kay Sieg. "Nasisigurado kong may galit ang babaeng yang kay Mr. Wong at hindi sa atin"

"Panno mo naman yan nasabi!" tinaasan ko siya ng kilay.

"Our theory is wrong. Nagresearch ako tungkol sa building na yun and as far as I research tayo ang ikalimampong firm na pinakiusapan ni Mr. Wong na tapusin ang building niya" napaigtad ako.

"What the fuck?!"

"Tama ang narinig mo. At ang mga engineers at architects na nagtrabaho doon ay lahat namatay dahil sa isang tama ng baril na galing sa isang sniper. Sa tingin ko iisang sniper lang ang may kagagawan nito" tumango tango ako. "That sniper is a friend of us not an enemy"

"Paano mo naman nasabi?" tinaaan ko siya ng kilay.

"Hindi niya tayo tinuluyan. Maybe that girl knows that we are on her side. Ayaw ng babaeng yun na mapatayo ang building ni Mr. Wong but eventually hindi niya tayo mapatay dahil alam niyang iisa tayo ng layunin. Siguro kilala natin siya o kabilang si sa mga naagrabyado ng mga Rivals Family" tiningnan ko ang mukha ni Sieg.

"Rivals Family?" tumango siya. "Meaning?"

"Nag-aagawang pamilya para makuha ang iisang kapangyarihan. Ang maging pinakamakapangyarihan sa buong mundo" tumango ako.

"Kung sino man ang babaeng yun may kailangan pa siyang pagbayaran sa atin. Maybe she's up to the Rivals Family pero may sinaktan pa rin siyang inosente" kinuyom ko ang kamao ko.

"Tingnan mo ang phone na yan. Ihack mo" ani ko sabay lapag ng cellphone ba nakuha ko sa building noon ni Mr. Wong.

"Kanino 'to?"

"Ewan. Basta i-hack mo. Do it" ngumisi ako. "That girl maybe part of Rivals Family dahil gusto rin niya ang kapangyarihan"

"Yes. But we can trust her..." ngumiwi ako.

Not so sure.

"Walang kasiguraduhan ang pinagsasabi mo. May nagawa pa rin siyang kasalanan sa atin. We can't trust her for now hanggat hindi natin alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga siya" tiningnan ko ang mga mata ni Sieg.

"I will find that girl and I will hack this phone. Mag-ingat ka"

Ngumiti si Sieg saka umalis.

I will find that girl and make her pay.

Hindi basta basta pinapalampas ang ginawa mo kay Quart.

You shoot my employee.

At hindi ako titigil hanggang di ka nagbabayad sa kasalanan mo

Kung sino ka man, mahahanap din kita.

Cheater's ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon