Wala ako sa mood buong araw. Hindi ko hiniling na mag punta dito si Emily.
I want Vicky and not her.
Si Vicky ang kailangan ko at hindi si Emily. I want my girl and not her.
Kung kailan hindi na siya ang kailangan ko saka siya bumalik.
"Shan please kumain ka na oh..." simula ng dumating si Emily kanina, siya na ang nag-aalaga sa akin. "Kung ang inaalala mo ay ang grades mo sa ADMU wag kang mag-alala. Ginawan ka na ng excuse letter nina Sieg kaya panigurado, maiintindihan yun ng mga professor niyo" nanatili lang akong walang imik.
Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi ni Emily. Bumalin ako kay Claire na nakaupo sa sofa.
Sana may message na galing kay Vicky.
"Claire di ka pa ba kinokontak ni Vicky?" umiling siya. "Hindi pa ba siya umuuwi? I need her"
Ramdam ko ang pagyuko ni Emily. Ramdam ko ang lahat.
"Magpagaling ka na muna jan. Wag mo na munang isipin si Vicky. I'm sure she's okay at nag-aalala rin siya sayo" ngumiti siya para kumbinsihin ako.
"I miss her Claire. Call her" I want to see her, to hug her, to kiss her and to be with her. All I want is her.
"I call her several times pero hindi niya sinasagot. Kung minsan busy at unattended..." napabuntong hininga nalang ako.
Hindi niya ba ako namimiss?
Does she want me like I want her?
Pumikit ako. Kahit na anong pilit ni Emily hindi ako kumain. Nanatiling wala lang akong imik habang pinapakiramdaman ang paligid. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Emily, alam kong hindi siya umalis sa tabi ko. Alam Kong hinding hindi siya aalis.
Pero hindi dahil ginagawa niya 'to eh magiging ayos na ang lahat. She's still that girl who traitor us. The girl who broke our trust.
"I know, galit ka pa sa akin. Galit ka pa sa lahat ng ginawa ko. Hindi ako mag-e-excuse gusto ko lang naman na maibalik ang dati nating samahan eh. Ayokong mapasok ka sa problema namin. Ayokong mapahamak ka. Sorry sa nagawa ko sa pamilya mo. Lalong lalo na sa ate mo. I know that I'm wrong. Galit na galit ako sa kaniya. Hindi mo alam ang buong istorya. Sana mapatawad mo na ako. Sana tanggapin mo na ulit ako. Mananatili ako hanggang sa maging maayos ka. I'm not just doing this for you to pity me and forgive me, I'm doing this because you're special..." naramdaman ko ang labi ni Emily na dumampi sa noo ko. "I'm sorry if I can't be a good friend, I'm so sorry"
Hindi ko man naranasan ang nangyare sa buhay ni Emily pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Pero kahit na ano pa ang gawin niya. Wala pa rin siyang mapapala sa ginagawa niya.
Nananatiling galit ang kumakain sa sistema ko at hindi awa.
Nagising ako mula sa pagkakatulog dahil sa pangungulila kay Vicky. Pinilit ko ang sarili kong tumayo. Inalis ko ang IV na nakakabit sa akin saka lumabas ng kwarto. Si Claire lang naman ang nandoon kaya hindi ako nahirapang makaalis. Tulog na tulog siya eh.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko lang kailangan kong makakita ng bagay na makakapagpagaan sa loob ko. Bagay na makakapagpaalala sa akin kay Vicky.
Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Kahit nanghihina, naglakad ako papunta sa pinakadulo nun at mahigpit na kumapit sa railing. Pinakatitigan ko ang mga bituin sa langit, napangiti ako ng maalala ko si Vicky.
"Bakit andito ka?" napalingon ako bigla. "Dapat nagpapahinga ka..." lumapit sa akin si Emily. "Stargazing?"
"Gusto ko lang tumingin sa mga bituin para mapagaan nun ang pakiramdam ko. I want to remember her. Gusto kong maramdamn na kahit malay siya eh ramdam ko pa rin ang presensya niya. I miss her kaya andito ako..." ibinalik ko ang tingin ko sa mga bituin. Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko.
"Akala ko kung ano..." may binulong pa si Emily pero hindi ko yun pinansin. "Do you love her?"
"Si Vicky?" tumango siya. "Ang totoo? Oo. Mahal ko siya. Mahal na mahal. She's my one great love after all"
Nakita ko ang pagngiwi ni Emily pero hindi ko yun pinansin.
"Oo nga pala. Kamusta kayo ni Eduardo? Kailan ang kasal niyo?" tumingin ako kay Emily, pero natigilan ako ng makita ang mukha niya. "Are you okay?"
"I'm not. You know that I don't love him but why are you keep on asking me?" natigilan ako.
"I'm sorry. Namiss ko lang patayin sa isip ko si Eduardo..." pinipigilan ko ang tawa ko. Si Emily naman saglit na natigilan hanggang sa tumawa na siya ng tuluyan. "Don't be so serious. Nakakamatay ang pagiging seryoso"
"Whatever Shan tara na. Baka sakalin ni Vicky si Claire pagnalaman nun na wala ka sa kwarto mo at andito sa rooftop" sinunod ko si Emily. Hahawakan sana niya ako pero tumanggi ako.
Pagbalik namin sa kwarto ko kinabitan ulit ako ng IV. Si Claire naman halos maghikahos na ng makita ako.
"Pag ako talaga pinatay ni Vicky, mumultuhin kita!" natawa nalang ako. "Salamat pala Emily. Kung wala ka baka nasakal ko na yan.." sabay turo sa akin.
"Wala yun. Aalis na ako. Babalitaan ko pa ang pamilya ni Shan. Hindi din sila makakaalis sa mga trabaho nila.." ngumiti siya kay Claire saka bumalin sa akin. "Isusumbong kita kina Ate Shane"
Tinawanan ko lang si Emily bago siya umalis. Pumikit ako saka ngumiti. Kahit papano nabawasan ang pangungulila ko.
Pero bigla nalang may sumagi sa isip ko.
Bakit bigla nalang sumulpot si Emily?
At paano niya nalamang naaksidente ako?
Sino ang nagsabi sa kaniya?
Si Sieg? Si Beth? O si Claire?
Pero hindi yun maaari.
Paano kung may kinalaman siya dito?
Napamuglat ako.
Ano ba talaga ang balak ni Emily kung bat siya bumalik?
Kung kailan siya bumalik, siya namang pag-alis ni Vicky.
Ano ba ang nangyayare?
Unti unting nag-iiba ang mundong ginagalawan ko.
Tumingin ako sa pinto ng silid.
Hindi imposibleng may kinalaman dito si Emily, kase malapit ang pamilya niya kina Miguel.
Napakuyom ang kamao ko.
She's trying to trick me agaim.
"Vicky... Magpakita ka na..."
Lumabas yun sa bibig ko.
I miss her. I need her.
Hindi ko alam pero sa ngayon wala dapat muna akong pagkatiwalaan at hindi muna ako gagalaw.
Hindi muna ako bubuo ng plano na kasama kayo Sieg, Beth, at Vicky.
Hindi muna.
Kailangan ko munang mag-isip ng mabuti. Hangga't hindi ko pa alam ang katauhan niyo.
Sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko.

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
Tiểu Thuyết Chung[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...