Nakabalik na sa trabaho si Quart natapos niyang maging masunuring pasyente at todo pagaling lang ang ginawa.
Almost three months na kaming magkakasama sa trabaho nina Quart at Sieg. Minsan na rin lang magpakita si Claire, si Beth naman sobrang busy. Mag-aaral pa kase yun ng law.
And now nasa firm kami at tambak na naman ang papeles na dapat namin basahin. Patapos na rin ang building ni Mr. Wong at ang ako mismo ang nagdisenyo with a help of an Engineer from this firm. I don't know he's name.
"Man mababaliw na ata ako" naiiling nalang ako sa sinabi ni Sieg. "Quart balak mo ba kaming patayin?!"
Magsisimula na naman sila.
"I don't have any plans on doing that. Mommy mo sisihin mo at wag mo akong idamay. " natawa nalang ako ng magbangayan na naman silang talawa. "Hindi ko nga yun kasalanan!"
"Tangina mo! Sino niloko mo?!" usal ni Sieg. Naiiling nalang ako.
Ibinalin ko nalang ang lahat ng atensyon ko sa mga papeles na pinapareview sa amin ni Quart.
Halos ganito lagi ang drama ng firm na pinagtatrabahuan ko. Lagi silang nagbabangayan. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko sa kanila kahit na ang ibang empleyado naweweirduhan na sa kanila.
Palibhasa mga isip baga.
Pagkatapos ng bangayan ng dalawa naisipan namin maglunch sa isang restaurant na malapit lang sa firm nina Sieg.
Habang kumakain kami hindi ko maiwaaang mahiya kase walang oras na hindi nagbabangayan sina Sieg at Quart.
Hindi ba sila nahihiya?
"Wala kang kwenta!" usal ni Quart. "Para kang bakla!"
"Tigilan mo ako kundi ipapasipa kita kay Mommy sa firm namin! Kala mo ah! At hindi ako bakla!" napatawa nalang ako.
"Hoy baka akala mo! Pustahan tayo, ikaw ang sisipain ng Mommy mo! Mas anak pa ata ako ng Mommy mo eh!" hindi ko na alam ang gagawin sa kanila.
Kahit na pagbalik namin sa opisina ay nagbabangayan pa rin ang dalawa. Laman din sila ng chismis sa opisina.
Bakit ko ba'to kasama ng dalawa? Baka mabaliw na ako.
Natatawa na naiiling nalang ako. Napangiti ako ng makita ko na naging okay na din sila kase balik trabaho na.
Binasa na namin ni Sieg ang mga papeles. At may nareceive din akong email galing sa Mommy ni Sieg. Mga location yun ng mga VIP na kailangan naming kausapin. May ipapagawang building o kaya naman bahay, este mansyon.
Iniayos ko ang mga kagamitan saka sinimulan ang paggawa ng floor plan ng isa sa mga VIP.
Ilang oras rin akong nakaupo habang ginagawa ang floor plan. Hindi ko na rin namalayan ang oras kung hindi lang kumatok si Sieg.
"Tama na yan bro. Anjan si Claire. Kailangan ka daw niyang makausap" ngumisi siya sa akin. "A little piece of advice, wag mo namang gustuhin si Claire. Jusko pagnabalitaan kong kayo ni Claire baka magwala na ako. Akala mo di ko alam? I know about you and Vicky. So please alam mo na"
He was saying that I should not be in a relationship with my girl's cousin.
Natawa nalang ako sa sinabi niya saka ko siya binato ng eraser. Iniayos ko na ang gamit ko saka lumabas ng building.
Nakita ko si Claire na nakaupo lang sa kotse niya. Sumakay na agad ako sa kotse niya. Wala siyang imik na agad na pinaandar ang kotse niya.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta hanggang sa matagpuan ko nalang na nakaupo kami ni Claire sa damuhan habang pinakatitigan ang buong lungsod at pinakatitigan ang mga ilaw.
"What are we doing here?" ibinalin ko ang atensyon ko kay Claire.
Hindi ko alam pero maya't maya ay nakita ko siyang lumuha.
She's in pain.
I know.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oo naranasan ko na ang makaramdam ng sobrang sakit na ang kaya ko nalang ay umiyak ng umiyak.
"Tell me what happen. I'm here" humandig siya sa balikat ko, pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Hey I'm here"
"Nakipaghiwalay ako sa boyfriend ko for 3 years. Naghiwalay kami kase nalaman kong may babae siya. They had fucking sex on our condo. Nalaman ko yun noong isang buwan kaya hindi ako makapagpakita sainyo. At alam mo yung masakit, that fucking girl is pregnant and I can't even blame him..." todo iyak lang siya.
"Paano naman hindi mo siya masisi? Ikaw ang biktima..." aniya ko.
"Why? Because I'm fucking bitch. I flirt with other guys. Why? Because I am like this. That's because I was born in a liberated country..." pinahid niya ang luha niya. "And I love someone else...."
"What?!"
"I'm in love with you"
Namilog ang mata ko. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko.
No. That's not true.
"No. You can't be in love with me!" singhal ko pero tumawa lang siya habang umiiyak. "Mahal ko pa si Vicky!"
"That's why I don't want to tell you I love you yet you are still in love with her, with my cousin. Hindi na kayo Shan! Hindi na! Let someone enter your life!" pinahid niya ang luha niya. "You can't be trap in your memories with her. Shan I'm here! I'm always been here! Bakit hindi nalang ako?! "
"You don't understand! She never said that we are over! So that means she's still my girl!" kumuyom ang kamao ko. "Hindi porket tinanggap ko si Vicky sa buhay ko after Emily left ay ganun din ang gagawin ko sayo. Magkaiba kayo! Wake up! Mahal ko siya! And I know I will love her for the rest of my life kaya wag na wag mong sabihin na kalimutan ko na siya, hindi pwede! At please lang wag mong sa sabihin na mahalin kita kase and ito ka lagi sa tabi ko. I love Vicky even she's not here beside me and I know she love me"
"Then why did she left you without any reasons?!" tumutulo ang luha niya.
Napayuko ako. Bakit nga ba?
"I don't know. B-but I trust her. I know she'll comeback. I know. Babalikan niya ako at itutuloy namin ang mga plano namin" tumingin ako sa langit. "Because I know that she have an acceptable reason..."
Saglit siyang natahimik. Kinuha niya ang phone niya saka nagtipa. Pinahid niya ang mga luha niya.
"She left because of one reason..." napatigil ako. "Susunduin ka na dito ni Sieg hintayin mo nalang" pumasok siya sa kotse niya.
"Wait! Anong rason niya?!"
"Ayokong sa akin manggaling. Sa tamang panahon pupuntahan ka niya. Babalikan ka rin niya at sasabihin niya kung anong rason niya para iwan ka. Kung anong totoong dahilan kung bakit siya umalis ng walang paalam"
Tuluyan ng umalis si Claire.
Hindi ko maintindihan.
I'm so curious.
Ano ba talagang rason kung bat niya ako iniwan?!
Anong rason!?
Napasapo ako sa noo ko saka tumingala sa langit.
"Vicky... Please tell me why...."

BINABASA MO ANG
Cheater's Class
General Fiction[COMPLETED] Ginugol ko ang oras ko sa pag-aaral pero para sa mga magulang ko hindi pa yun sapat. Ang gusto ko lang naman ay maipagmalaki ako ng magulang ko. Ginawa ko ang lahat para lang ipagmalaki nila. Hanggang sa may sinabi sa akin ang nakakatan...