Chapter 1

1.9K 41 4
                                    

[King's POV]

"Ako nga pala si King Jasper Esperanza Marquez, 18 years old. Ang hilig ko ay magbasa ng libro, magsulat ng articles, makinig ng musics at tumugtog ng gitara. We can be all friends if you wanted to. That's all." Mahinahong pagpapakilala ko naman sa mga classmates ko sa klase na kapwa seryoso ang mga mukha. May konting kaba akong nararamdaman.

Oo nag aaral palang ako, first year college sa isang private University taking up Bachelor of Science in Hospitality and Restaurant Management. Anlayo sa kursong Agricultural Engineering na gusto ni Daddy Prince para sa akin. Pero wala silang nagawa ni Mommy kundi suportahan ako, kasi ito ang gusto ko. Ito ang kukunin ko para sa sarili ko. Wala na kasing mas isasaya pa sa buhay estudyante kung yung mismong kursong gusto mo ay ang susundin mo. 

Sa klase, tinginan sila saken. Ewan ko ba? Siguro sa pagiging nerdy ko. Nakasuot kasi ako ng eyeglasses ngayon na siya namang nakakatakaw pansin sa kanila, medyo babad kasi ako sa paglalaro sa games ko sa laptop kaya nagkaproblema at medyo lumabo ang mata. Pero hindi yun hadlang sa itsura ko kase mas nakadagdag pa yun sa physical appeal na mayroon sakin. Feeling ko effective naman, kasi yung ibang babaeng nakatingin sa akin ngayon ay hindi magkaumayaw na mapangiti.

"Omg... Ang gwapo naman ng katabi mo bes! Pwede palit tayo, kahit saglit lang?" Dinig na dinig ko ang kaluskos ng boses ng isang babae na nakikipagpalitan ng upuan malapit sakin.

"Ayoko nga! Akin sya no." Bahagya itong umirap sa kaibigan nito. "Tsaka bes, tignan mo oh, nagdikit yung balat namin. Kinikilig ako waaaah." Dagdag pa naman itong babaeng katabi ko na halos hindi na pabulong ang boses, kundi pasigaw na.

Medyo na awkward ako kase, di ko naman ineexpect na ganito ang unang araw ng pagiging college student ko.  Andaming tumitingin sa akin. Hindi ito normal, kumbaga, ayaw ko nang ganitong atensyon. Inadjust ko sarili ko sa babaeng katabi ko, kase halos tuklapin na ang balat ko sa kakadikit niya sa akin.

"Hi, King ako nga pala si Mae. Ang gwapo mo naman? Pwede akin ka nalang?" Bungad niyang bulalas sa kanyang bibig,  kumikinang ang mga mata na aakalain mo ay magiging hugis puso na ito.

"Hahaha, salamat," yun lang ang naisagot ko. Binaling ko nalang ang tingin ko sa professor na kasalukuyang nagtuturo sa amin.

Hindi ako sanay sa ganitong atensyon kasi lumaki ako sa bahay lang. Simula elementarya hanggang sa mag high school ako ay home studies ang learning system ko. May sarili akong guro na gumagabay sa sakin at nagtuturo. Pero hindi ibig sabihin na isolated ako sa isang lugar ay hindi na ako sanay makisalamuha sa mga tao. Siguro nga kulang ako sa social relationship, pero hindi hadlang yun para mawalan ako ng kompiyansa makipag-usap sa diko kakilala. 

Pagkatapos ng klase ay wala akong maisip puntahan kundi sa canteen lamang, gutom ako kaya minabuting doon nalang mamalagi habang naghihintay sa susunod naming klase.

Di ko napansin na may bumubuntot sa likod ko. Yung dalawang babaeng katabi ko sa room kanina. Hays.

"Sa canteen ba punta mo pogi?" Tanong ni Mae na halos mapunit na ang bunganga niyang kakangiti sa akin. Kabisado ko na yung pangalan niya kasi kanina pa ito nagboluntaryo magpakilala sa akin.

"Ah eh, oo e. Bigla ako nagutom. Doon rin ba punta nyo?" Sinagot ko naman ng nakangiti at napakamot pa ng ulo dahil medyo nahihiya pa ako sa kanila.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon