[Sonn's POV]
Pagod kaming nakauwi sa apartment namin. Oo nga pala, natuloy din kaming magkakaibigan na magsama-sama sa iisang apartment. Pinayagan na rin sa wakas si King ng kanyang mga magulang. Mag-iisang buwan na ang nakakalipas matapos kami lumipat sa tapat ng apartment nila Pipay bagay na ikinasaya ko kasi makikita ko siya araw-araw. Ang dami na rin namin pinagsamahang magkakaibigan, ultimo mga simplemg sikreto ay nagkakabukingan na rin. Sa katunayan nga, namumuo ang laway ni Andre tuwing gumigising sa umaga, atsaka hindi nakakatulog kapag hindi nahahangian ng bentilador yung mga paa niya, ibang trip ang gago. Si Aron naman ang hilig magkalat! Mga pinagsuotang damit isasabit lang sa tabi tabi basta may makitang pangsasabitan. Si Neil, maselan sa pagkain. Ayaw nito nang maaanghang, medyo matamis, maalat, kulang sa asin na mga pagkain. Gusto niya lahat sakto! Minsan nga, isinasama na lang niya kami sa labas para doon na kumain. Wala akong masabi kay Jun, bukod sa siya yung tagaluto namin sa apartment ay siya pa yung malinis sa mga gamit. Sa sobrang pagkabalahura nga ni Aron ay palagi silang nagtatalo. Si King, siya yung baby sa amin, alam niyo ba kung bakit? Kasi, lagi itong tinatawagan ng kanyang Mommy at Daddy. Nakakatuwa nga kasi, nang marinig namin minsang kausap niya si tita Jasmine ay tinatawag pa nito si King ng baby. Napagkatuwaan naman nina Andre at Aron na inisin siya gamit yung pagtatawag na baby sa kanya. Nakaaliw, nakakagalak dahil sa pagkabuo ng tropa.
Oo nga pala, kamakaylan lang 'nong dumalaw ulit kami sa malaparaisong lugar ng tito ni Neil, ang saya lang namin noon. Hindi ko aakalain na makakasama ko si Pipay ng ganung kasaya ang nararamdaman ko. Unti-unti na niya akong napapatawad sa mga kasalanang nagawa ko simula ng iwan ko siya. Isang paraan para mapalapit ulit sa kanya ay yung mahabang pagsasama namin sa dagat. Kwentuhan, asaran, kantahan maging pagpapalitan ng ngiti ang ibinigay niya sa akin ng mga sandaling 'yon. Doon ko siya ulit nakitang naging masaya. May mga oras din namang nakitaan ko siya ng lungkot ng mga sandaling yun pero hindi nako nag-atubili pang pansinin 'yon dahil ang tanging kagustuhan ko lamang ay yung presenya at kasiyahan niya. Ang saya sa pakiramdam ng muli siyang makantahan lalo na sa harap ng mga kaibigan ko. Buo nga yung binigay kong emosyon sa pagkakanta ng kantang yun sa kanya e dahil ninanais ko paring manatili siya sa tabi ko kaakibat nang sandaling kinasusuklaman niya ako. Palibhasa, may swerteng dala yung mga kaibigan ko kaya mabilis na bumalik si Pipay sa buhay ko. Napaka-overwhelming sa pakiramdam!
Papasok na pala kami ng school, unang araw nang photoshoot para sa school magazine ba yun? Ewan ko, basta para sa school.
"Sa tingin niyo,ilan kayang mga babaeng magaganda ang makikita ko sa iba't ibang school na pupuntahan natin ngayon?" Andre
"Hindi pa nga nagsisimula, babae na naman nasa isip mo?" Napahika si Neil. "Tsaka Andre pare, walang magkakagusto sa'yo kasi bata bata mo pang tingan. Baka mamaya niyan, hindi babae ang hahanapin mo kundi kasambahay na mag-aalaga sa'yo." dagdag pa niyang pabiro nito kay Andre.
"Anong bata? Tarantado ka ba Neil? Baka nakakalimutan mo, ikaw 'tong parang bata! Ni ayaw mo kumain ng gulay kasi chocolate ang gusto mo!" Andre.
"Hahaha, walang hiya ka! Sa ayaw ko nga kasi kumain ng gulay. Balahura 'to." Neil.
"O ano ha? Akala mo diyan ha. Beh!" bumelat nga si Andre na parang bata.
"Tigil na nga kayo diyan. Bagay ko ba itong damit na 'to?" Aron.
Tumingin si Andre. "Hinde! Pangit boy, yung ganito suotin mo. Tignan mo ako, nakakapuwing ang kagwapuhan."
"Andre pre, umayos ka nga. Ang daldal mo! Sila ang tinatanong ko, hindi ikaw." tura nito kay Andre.
"Sinasagot ko lang naman yung tanong mo ah, ano bang problema 'don?" andre
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
Storie d'amoreHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...