Chapter 13

207 9 0
                                    

Ilang minuto ang lumipas ay sabay na dumating ang order namin pati sila Pipay. Tinignan ko yung inorder nila. Napansin kong may umorder sa kanila ng Pink Milktea, sino kaya yun? Sino yung umorder doon? Namali ata ng bigay si Ate Fina ha. Pinagmasdan ko kanino niya iaabot ang Pink Milktea na yon.

Nakita ko si Dheez ba yun? Siya yung nag-abot nung Pink Milktea. Mahilig din pala si Dheez non. Nakakatuwa, pareho kami ng kinahiligan. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Pipay, nakasimangot na naman. Nakasimangot sya habang tinitignan si Dheez pagkasipsip nung inumin na Pink Milktea.

Bakit ganun na lang siya lagi sa tuwing nakikita ko? Hindi manlang ba marunong ngumiti to? Ilang araw ko na siyang nakikita pero hanggang ngayon walang pagbabago sa mukha niya. Kung hindi masungit ang mukha, naiinis naman. Kailan ko kaya siya makikitang tumawa? Siguro nga kapag bumalik na sa dati pagmamahalan nila ni Sonn.

Papalapit na si Ate Fina sa amin para iabot yung inorder naming mga pagkain at inumin. Kinuha ko naman yung Pink Milktea na sobra na ang pagkahilig ko rito. Tuwang tuwa pa ako pagkaabot ko nito.

Maya maya ay nagsalita si Andre.

"Ang lupit nung Arjane na yon ha. Diko malilimutan yung ginawa niya sa akin. Tignan niyo o, ang saya saya pa nung mukha niya? Akala mo ang bait bait ng mukha. Mala-demonyo pala mga tol." lumingon naman siya kung saan nakaupo sina Arjane at tinignan ng masama.

Lumingon din si Arjane banda sa table namin at napansin naming tinignan niya si Andre ng may pang aasar sa mukha. Tuwang tuwa siya.

"Kita niyo yun guys? Mukhang nang aasar pa siya matapos isubsob itong napakagwapo kong mukha? Di manlang siya nahiya. Nakakainis!" inis niyang sabi sa amin saka tinuro sa nguso kung saan nakaupo sila Arjane.

"Kasi naman wala kang guts! Kumbaga sa chocolate pare, expired na yung tamis mo. Laos yung kagwapohan mo sa taste nila. Kaya dinedma yung offer mong pakikipagkaibigan sa kanila lalo na kay Arjane." tawang tawa naman saad ni Jun kay Andre.

"Walang tamis? Walang guts? Sa pagmumukhang 'to? Nako pare, kung hindi ko lang pinahahalagahan dignidad ko andami ko nang nadekwat na mga magagandang dilag. Sa daming nagkakandarapa sakin na maging kaibigan lalo na maging syota ng mga babae diyan eh." pagdepensa naman niya sa kanyang sarili kay Jun.

Nakikinig lang kami sa pinag uusapan at argumento nila.

"Eh ano ibig sabihin nung nangyari kanina doon? Diba nakakatawa yung mukha mong nasubsob? Hahahahaha. Wala ka pala e. Wala kang diskarte. Ang hina mo." pang aasar pa ulit ni Jun kay Andre.

"Ang yabang mo naman pare. Bakit ikaw? Kaya mo? Hanggang salita ka lang naman e. Tsk." naasar na yung mukha ni Andre.

Nakakatuwa yung asaran nila. Itong si Jun naman tumayo at parang may gagawin. Inayos niya ang kanyang damit saka nagsalita.

"Kapag ako ang dumiskarte, makukuha ko agad ang gusto ko. Titigan niyo akong mabuti? Watch me, isang minuto lang. Kaibigan ko na yung Dheez na yon. With may charming face, matutunaw sya sa akin." presko naman niyang sabi sa amin. Sigurado ang kanyang nararamdaman sa kanyang mga sinasabi.

Nagsimula namang naglakad si Jun papunta sa table nila Pipay para magpakilala kay Dheez. Tinginan naman kami sa kanya. Sinigurado namin na wala ni isang segundo ang malalampasan namin sa eksenang gagawin niya.

"Sa tingin niyo ba makakalapit siya doon ng walang mangyayari sa kanya?" tanong naman ni Neil sa amin.

"Feeling ko wala, malakas loob ni Jun e. Tsaka nakukuha niya agad ng loob ng mga babae." sabi naman ni Aron.

"Sana nga, pero let's see." iba yung ngiti ni Andre, parang nakakaloko ang ngiti niya.

Ibinaling ulit naminang tingin kay Jun na nakatayo na malapit kay Dheez, nag uusap sila. Aba? Mukhang wala nga talagang mangyayari kay Jun ha. Iba talaga siya, nakakusap na niya yung target niya. Nagpapalitan pa sila ng ngiti ha.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon