Para akong natulala sa maladyosang taong kaharap ko, pero ba---bakit ganun yung mga kilos niya? Ang tigas tigas. Para siyang sementong naglalakad. Pero sa totoo lang, dala nang kanyang kaastigan ay nakadagdag yun sa kakyutan niya, bagay na pinagkainteresahan ko.
Habang nakatitig ako sa kanya papalayo sa akin ay tila ba nakaramdam ako ng 'di maipaliwanag na enerhiya sa katawan ko. Putcha, magsusuper saiyan na ata ako sa pagkakatulala.
Iwinasiwas ko ang ulo ko dahil unti-unti kong napansin sa sarili na ang tagal ko na palang nakatayo sa pagkakatitig sa kanya.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa room kung saan ang unang subject kong papasukan.
Ganun parin, tinginan sa akin ang mga ibang babaeng estudyante na talaga nga naman ang sobrang pagkahanga sa akin. Di ko talaga alam kung anong alindog nitong presensyang dala ko. Bahala na, basta patuloy lang akong naglalakad.
"Ang cool nya! Ano kaya course nung poging yon?" dinig na dinig kong sabi at nagtatapikan pa ang apat na babaeng nakaupo sa table sa canteen na pinag uusapan ako.
"Ang sarap niya titigan. Yaaaaaaaah! Yung kilay nya ang kapal kapal, yun ang dreamboy ko beshy." sabi naman ng ibang freshman sa akin na panay ang talon sa kilig.
Edi sana naging kilay nalang talaga ako no?
"Mr. Nerdy boy! Ang gwapo mo naman, pwede pa picture?" may lumapit sa akin na isang babae, mas napukaw ang tingin ko sa kasama niyang anim na barkada na tila ba'y nakabuntot sa likuran niya.
Ibang department ata, iba kasi 'yung uniporme nila e.
Ibang iba talaga ang dating para sa akin ang ganitong mga eksena. Napakaweirdo! Hindi naman ako ganun ka-peymus para magkaroon ng ganitong atensyon sa mga taong nagkakahanga sa akin. Napaka pormal kong tao para bigyan ng ganitong pansin.
"Thank you pogi, ano pala pangalan mo?" tanong nung mga babae matapos makipagpicture sa akin, kitang kita sa mga mata nila ang tamis ng kagalakan na nakaukit mismo sa kanilang mga labi.
"Ah e, ako pala si King Jasper." banaad sa aking mukha ang pagkahiya sabay kamot pa ng aking ulo.
"Wag ka mahiya ano kaba, freshman ka din siguro no? Fan mo na kami waaah!" usisa naman nung isang babae na sobra kung makangiti sa akin.
Sinuklian ko nalang siya ng matamis kong ngiti bagay na napatili sila sa naramdamang kilig. Tinginan tuloy sa kanila ang mga ibang estudyante.
Nakakahiya.
Nagsimula na akong paakyat sa building namin, nasa ikalimang palapag kasi ang room para sa unang subject ko. Ewan ko, nakakaramdam ako ng kaunting kaba. Hindi ko mawari kung bakit.
Tumingin ako sa suot kong relo, hindi pa naman ako late. Kaya tuloy tuloy pa rin ang lakad ko paakyat.
Nakakapagod, iniimagine ko na kung araw-araw ako aakyat sa hagdanan hanggang 5th floor, ano kaya magiging itsura ko? Parang kalbaryo para sa akin yun ah. Pero no choice. So eto na, nasa ikalamang palapag na ako sa building namin. Andaming estudyante sa labas ng koredor. Tinginan sa akin.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...