Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga sinasabi sa akin ni Pipay. Lumipas na yung mga araw na yun at kailangan pa niyang halungkatin sa harap pa ng mga kaibigan niya at sa walang kaalam-alam na mga kaibigan ko.
Wala akong nagawa kundi umupo. Dala na ito ng tama niya sa alak.
"Ano, huh? Ayaw mo naman atang pag-usapan e. Okay lang naman sa akin kung ayaw mo," tungga ni Pipay sa hawak niyang bote.
"La-lasing ka na ata," aniya ko.
Wala namang imik ang mga kaibigan ko na kanina pa nakatitig sa akin, mistulang nag-aabang din naman ng detalye ang mga tropa ni Pipay sa akin.
"Lasing? Hindi a. Maalala ko pa ba yun kung lasing ako? Ano ka ba," usisa pa nitong nag-iiba na yung tono ng boses niya.
"Bibicup, stop. May tama ka na," pagpipigil naman ni Sonn sa kanya.
Tinaggal nito ang pagkakahawak ni Sonn sa kamay niya. "No, Sonn just shut up! Hindi ko kailangan ng mga sasabihin mo ngayon okay?" sabi niyang nanlilisik ang mga mata. Natigagal si Sonn sa kanyang narinig mula kay Pipay.
Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit bigla nalang siya ganun umasta sa harap namin?
"Dheez ano? Aanga-anga ka lang diyan, magsalita ka. Malandi ka rin e," dagdag pa nitong sabi. Nanlaki naman ang mata ni Dheez pagkarinig nun.
Sila Krey, Arjane at Rosch ay nagsipagtayuan na sa kanilang kinauupuan para awatin si Pipay sa kanyang pinagsasabi.
"No,no,no. Friends, stop! Kaya ko naman ito," pagpipigil pa niyang sabi sa kanyang mga kaibigan.
"Lasing ka na Pipay. Ano bang problema?" nababahala na si Rosch sa mga nangyayari.
"Kayong lahat ang problema ko," napahalakhak siya. "Oo, kayong lahat!" dinuro-duro niya kami isa-isa.
Tahimik lang kaming magkakaibigan sa mga nangyayari, tanging yung mga tingin lang namin yung nag-uusap.
"Ikaw Dheez, problema kita e! Alam mo kung bakit? Kasi ang landi mo. Ang landi mo sa paraang inaahas mo ako--"
"Excuse me? Inaahas?" pagtatakang tanong ni Dheez? Mukhang hindi na kinaya yung paratang ni Pipay sa kanya.
"Oo, hindi nga ba?" pang-aasar niya. Talagang tinamaan na ito sa alak na iniinom niya.
"Stop, ano ba kayo!" pagpipigil naman ni Krey sa dalawa.
Napatayo na ako, hindi ko na kaya yung mga naririnig ko. Parang nakakarinidi na sa mga pandinig, alam ko na rin kung saan patungo itong pagbibintangan nila sa isa't-isa.
"King, stay. Just stay here!" pinigilan ako ni Sonn.
What? Pati ba naman ikaw Sonn? Kung alam niyo lang wala akong balak na makisawsaw sa usapan nila.
Kalmado lang ang mukha ni Sonn. Kahit gustong-gusto ko ng umalis sa eksenang 'yon ay mas pinili ko pang pakinggan siya, kaya umupo ulit ako.
"Bakit ha? Paanong inahas? Sa anong paraan kita inahas?" nagagalit na ang boses ni Dheez kay Pipay.
"Dheez tama na, hayaan mo nalang siya," sabi ni Arjane para pakalmahin si Dheez.
"Hindi, ayokong pagsabihan ng malandi lalo na't wala naman akong alam na kasalanan sa kanya! Bakit Pipay ha? Sa anong paraan ako nang-ahas sayo? Ni hindi ko nga kinakalantara 'yang boyfriend mong si Sonn e!"
Hindi nakaimik si Pipay.
Bumuntong-hininga si Dheez. "Kita mo, hindi ka makapagsalita! Kasi wala ka namang pruweba hindi ba? O baka naman may ibang dahilan pa," sarkastiko ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...