[King's POV]
Hindi pa rin ako makapaniwala sa biglaang pag aanyaya sakin ni Dheez. Hindi naman siguro magandang katwiran ang isang araw kong pagliban sa klase ang naging dahilan kung bakit ako nito gustong makilala na anya niya'y nais niyang mangyari sa mga sandaling ito. Nakakatuwa lang din isipin na nagkakaroon na ako ng magandang paraan para sila rin ay makilala.
Marami- rami na rin kaming napagkuwentuhan na animo'y kung saan saan na napupunta ang mga bitaw niya ng mga tanong sa akin bagay na nakakaramdam ako ng di komportable sa aking sarili. Hanggang sa humantong na nga sa buhay pag-ibig ko na mas lalong nakakapangilabot sa aking pandinig dahil ni minsan ay diko pa ito nararanasan. Wala naman ako magawa kundi sakyan nalang ito at feeling ko naman ay magiging masaya itong kwentuhan.
"Okay la ba sayo na ikwento mo sakin paano ka mainlove?"
Bitaw na tanong sa akin ni Dheez. Bahagya nanlaki ang mga mata ko sa kaba na aking nararamdaman. Napalunok ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ang pagkukwento sa kaniya ang karanasan ko dhil sa totoo lang ay inosente pa ako sa mga bagay na ito. Kaya naman ay naisip ko na lamang bigla si Pipay sa mga sandaling ito.
"Tssssss. Paano mainlove? Hmmmm siguro... Alam mo kasi ako, ang hilig ko makipag usap sa mga di ko kakilala, pero may isang tao na pumukaw sa akin simula nung unang araw ng pasukan. Hindi ko alam pero parang yun yung unang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng interest sa mga bagay na hindi ko naman madalas na nararamdaman sa buong buhay ko. Paano nga ba ako mainlove? Kung paano ako masaya sa tuwing naasar siya, kung paano ako nasasaktan sa tuwing binabanggit niya sa akin yung taong mahal niya. Yang dalawang bagay lang yan yung makakapagsabi sa akin na nakakaramdam na ako sa kanya ng espesyal. Siguro yan muna yung masasabi ko. Wala e, ayoko humantong sa masasaktan na lang ako basta basta ng walang rason para ipaglaban siya." wika ko na parang natigil ang mundo ko sa mga naiisip ko.
Bigla nagflashback sa isipan ko yung nangyari kanina sa cafeteria. Nakita ko mismo ang mga pangyayaring hindi ko gustong makita. Okay naman ako kapag nakikita ko siyang masaya pero kanina ay kakaiba ang tibok ng puso ko. Naninikip, at ang bilis ng tibok nito. Hindi ko iyon pinahalata kay Dheez dahil ayokong mabahiran ng pagtataka ang pagsasama naming dalawa ni Dheez.
Pero, ano nga ba ang pinag-usapan ni Pipay at ni Sonn na parang napakaimportante ito? Bigla din kasi niyakap ni Pipay si Sonn habang nalulunod na ang mga mata niya sa sobrang pag-iyak gayundin si Sonn. Ayoko naman magmistulang nagseselos pero bakit nakakaramdam ako ng ganun? Nahuhumaling na ba ako kay Pipay ng lubusan? Hinde, hindi maaari ito. Ayoko na itong ipagpatuloy ang ganitong kadramahan lalo nat maayos na silang dalawa, pagkatapos ng pag uusap nilang yon ay sigurado akong sila na ulit. Wala na rin ako magagawa kundi, maging masaya sa kanila. Tanging pagkakaibigan nalang namin ni Sonn ang pag- iingatan ko.
"OMG... King nakakapanindig balahibo ka naman. Seryoso ganyan ka mainlove? Bakit parang may mali, bakit nasabi mong ayaw mong masaktan lalo nat walang rason para ipaglaban siya? Recently lang ba yan?" tanong nito sa akin.
Si Dheez na ata yung pinakamausisang nakausap ko sa buong buhay ko. Kung di lang ito kaibigan ni Pipay ay maiisip kong nagtatrabaho itong tagasiyasat galing sa gobyerno. Andami niyang tanong na nakakabahala sa aking isipan.
"Oy King ano na? Masyado kang tahimik. Lasing ka naba?" bigla akong tinapik ng mahina, sobra ang ngiti sa akin.
Ewan ko, pero bigla akong napatitig sa kanya. Napangiti din ako dahil sa awra niyang nakakahawa.
"Huwag mo nga akong titigan ng genyen. Enekebe! Mesyede keng ano dyan ha. Ene nge kasi...." biglang tinis na boses ni Dheez sa akin sabay hawi nito sa buhok na para bang nagpapacute. Aywan ko ba kung ekspresyon lang nito pero enjoy siyang kasama.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...