Chapter 28

159 3 0
                                    

[Pipay's POV]

Kinaumagahan ay unti unti kong minulat yung mga mata ko saka ko ini-stretched ang buong katawan ko habang nakahiga pa rin sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko saka ako nagulantang ng makita yung oras na hindi ko namalayan na napasarap ako ng tulog. Mag aalas nwebe na! Hindi ko na napasukan yung unang klase namin waaaaahhhh!

Ang daming missed calls na galing sa mga kaibigan ko. Nakakabwisit!

Agad naman ako napatayo ng wala sa oras upang mag ayos para pumasok at ng mahabol ko pa ang mga susunod naming subjects.

Ligo, toothbrush, hair blower ang tanging ginawa ko.

"Wait, teka. Oo nga pala. School uniform na pala yung susuutin namin. Urgh! Di pa ko nakaplanstsa bwisssssseeeet!" gigil na gigil ako sa sarili ko sa sandaling to.

Mas lalo ko pamg binilisan yung mga galaw ko para makahabol pa ako sa susunod na subjects ko. Ayoko pa mandin sana lumiban sa mga klase ko kasi ayokong may mamiss na lecture o ano pa man. Kahit mukha akong tigasin sa mga suot ko sa skwelahan ay di naman ibig sabihin ay hindi ko na rin pagtuunan ng pansin yung klase ko kaya naman.

"Plantsa plantsa, nasaan ka..." walang isang segundo akong pinapalampas para maghalughog sa apartment ko. Nakita ko naman ito sa taas ng kabinet ko.

Ilang minuto rin ako namanlantsa sa uniform ko. Ano ba yan!

Ako na ang dakilang si flash. Nang matapos ko lahat mag ayos ay agad ko namang kinuha yung bag ko at sinuot, isinuksok yung earphone sa tainga ko saka nagpatugtog ng musika sa cellphone ko at saka naman sinuot yung helmet ko.

Palabas na ako ng apartment at tinungo na kung saan ko ipinarke yung motor ko.

"Goodmorning Pipay, ang ganda mo sa uniform mo ah!" hirit naman sa akin ng kapitbahay kong estudyanteng lalaki na nagaapartment din sa kabila pero diko siya masyadong maintindihan dala ng kalakasan ng tugtog sa tainga ko.

"What?" sabi ko naman sa kanya habang tinitignan ko siya at ganun din siya.

Napansin niya sigurong nakasuot ako ng earphone kaya sumenyas na lamang siya. Kinaway kaway niya lang yung kamay niya parang nagpapaalam. Hayssss.

Sumakay na ako at saka ko pinaandar yung motor ko.

Lulan ng aking motor ay tinahak ko naman yung daan papunta sa University. Normal naman yung pagpapatakbo ko ng motor dahil ayoko naman na ma violate yung normal speed pag magdrive sa kalsada lalo na't lunes ngayon na maraming buwayang MMDA na humuhuli sa mga motorista.

Andaming pasikot-sikot. Tiniis ko yon kasi wala naman ako magagawa kundi magtiis.

Nang bahagya akong papalapit sa University ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo ko. Ano na naman 'to? Hang over na naman? Langhiya naman oh. Kaya naman ay naipan kong huminto muna sa cafeteria nila Ate Lau at Ate Fina para humirit ng Pink Milktea muna at nang mabawasan ng kaunti yung hang over ko.

Ipinarke ko muna yung motor ko sa parking lot sa harap ng cafeteria at saka pumasok sa loob.

"Hello po, isang Pink Milktea nga po." order ko naman kay ate Lau na nasa kahera.

"Sige ganda. Paantay na lang kaunting minuto ha. Upo ka muna" pa anyaya naman niya sa akin.

"Ay okay lang po, hintayin ko nalang dito ate. Saglit lang naman eh." wika ko.

Ilang sandali pa ay ibinigay na niya sa akin yung Pink Milktea at saka ko naman binayaran. Lumabas na ako pagkatapos at doon ko sinimulang sipsipin gamit ang straw.

"Hayssss, ang sarap naman talaga neto." bigkas ko sa sarili ko.

Kinuha ko naman yung cellphone ko, tinignan ko yung oras. Malapit nang mag alas dyes. Nako naman. Tatlong oras pa mandin yung unang subject na hindi ko napasukan. Nakakaasar ba!

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon