Hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit hindi manlang ako nagpupumiglas hatakin siya papalayo sa akin sa tuwing nagnanakaw siya ng halik sa akin. May kung anong buhay ang nararamdaman ng aking katawan bagay na hayaan siyang gawin iyon ng ganun ganun lang.
Hindi ako nakapagsalita ng mga sumunod pang sandali.
Tinitigan ko muli siya, di pa rin maalis sa mga mata niya yung sayang nararamdaman niya matapos ako mapapayag na sumama sa kanya sa paggagala niya.
"Saan tayo pupunta?!" nagkunwari akong nagagalit pa rin sa tono ng boses ko at bahagyang iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya kasi nakakaloka na!
"Basta. Alam ko namang magugustuhan mo siguro." Nakangiti pa rin siyang nagpapaliwanag sa nais niyang sabihin sa akin.
"Duh? Itatak mo to sa kokote mo! Kaya ako sasama sa'yo dahil sa litratong nasa cellphone mo. Kaya 'wag ka umasang magugustuhan ko yung pupuntahan naten." Nakasimangot pa rin ako dahil sa sobrang inis.
Nakangiti pa rin siya sa mga lagay na 'yon. Parang baliwala lang sa kanya yung mga inis na reaksyon ng aking mukha. Hello? Kailan ko kaya to mapapatakot ng sobra! Humanda ka nalang! Sa oras na matuloy na yung plano naming pagpatay sa'yo ay matitiyak kong luluhod ka sa akin at isasabay ko ang sobrang takot na mararamdaman mo!
Inilagay na niya sa may bulsa ng pantalon niyang maong ang hawak hawak niyang cellphone. Walang anu-ano'y kinuha ang aking kamay saka hinila para magsimula na kaming maglakad papunta sa nais niyang mapuntahan.
Para lang akong asungot na sumusunod sa gusto niya. Pinagtitinginan pa rjn kami ng mga taong na nakatambay sa mga gilid ng kalsada bagay na tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya sa akin dahil alam kong nakakahiya! Anong tingin niya sa akin? Jowa niya? Hello!
Di ako umiimik habang patuloy pa rin kaming naglalakad.
"Alam mo, kainin na kaya muna naten yang barbeque na hawak hawak mo. Kanina pa yan sa kamay mo e." Yung boses niya may halong tawa na nakakainis.
Umirap lang ako sa kanya, at talagang napansin na naman itong barbeque na i uulam ko mamaya pang dinner ko. hays.
"Uy magsalita kaa, at talagang napansin na naman itong barbeque na i uulam ko mamaya pang dinner ko. hays.
"Uy magsalita ka naman, para naman may sense yung usapan naten?" Wika pa niya sa akin.
Hindi ko ba alam kung matutuwa ba ako k hindi sa mga salitang binabato niya sa akin ngayon. Nakakaimbyerna lang kasi!
"Wow! Para may sense? Wag ka ng umasa na kakausapin kita ng may sense kasi sa'yo palang, yung pagmumukha mo palang gusto ko ng basagin. Naiintindihan mo?" Gigil na gigil na ako sa mga sandaling ito kasama siya.
Patuloy pa rin kaming naglalakad sa kung saan man ako nais makasama nitong damuhong to.
"Ako walang sense? Grabe ka naman. Bakit ka ba ganyan pala?" Tanong niya sa akin, naguguluhan ako.
"Ganito? Ano bang meron?" Sagot ko sa kanya.
"Ganyan, parang may tinatago ka. Yung gusto mo ikaw lang nakakaalam." Bato niya sa akin sa tanong niya.
Nagulat ako kaunti sa mga pang aalaskang tanong niya sa akin. Gago to ah! Feeling niya mababasa na lang niya basta basta yung personalidad ko ng ganun ganun lang?
Hindi lang ako umimik.
Patuloy pa rin kaming naglalakad.
Diko napansin kinuha niya sa kamay ko yung barbque na hawak hawak ko.
Yung itsura ng mata ko parang nangangain na ng tao. Nakakabwisit talaga itong lalaking to. Ang galing niya magnakaw! Nakakabwisit siya sobra.
"Akin na nga to, di mo rin lang naman to makakain mamaya sa pupuntahan naten. Bubusugin naman kita mamaya kaya no worries." Nakangiti siya habang kinakain isa isa yung barbeque na ninakaw sa akin.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...