Chapter 4

441 13 0
                                    

Patuloy parin sa pagmamaneho si Neil lulan sa kanyang sasakyan patungo sa gusto naming puntahan. Masaya silang kakwentuhan, nakakadala yung mga pasimpleng trip nila. Mukhang mahahanap ko na ang magiging kaibigan ko dito sa university, sa katauhan nila.

Ilang sandali pa ay naaninag na rin ng mga mata namin ang imahe ng Mall, saka niliko ang sasakyan patungo sa parking lot. Pagkababa namin ay nagsimula na namang mag asaran itong mga kasama ko.

"Masanay ka na sa amin King, pasasaan pa't makikipagkulitan ka rin sa amin hahaha" pahayag naman ni Sonn sa akin. Punong-puno ng ligaya ang kanyang mga ngiti.

Tanging ngiti lang ang tugon ko sa kanyang sinabi. Wala rin naman ako maisagot sa ngayon kasi ramdam na ramdam ko na talaga yung gutom. Nagpatuloy kami sa paglalakad, habang patuloy pa rin sila sa kwentuhan.

"May jowa ka ba King?" biglang tanong naman nitong si Jun.

"Wala pa, wala pa akong naging jowa sa buong buhay ko." 

Bigla silang natahimik ng ilang segundo. Nagtinginan sila na para bang nag uusap sila gamit lamang ang kanilang mga mata. Nanlalaki yung mga mata nila saka pinipigilan ang paghalakhak ng kanilang mga bunganga bagay na nakaramdam ako ng pagtataka. Sabay-sabay silang napasigaw sa tawa sa harap ko.

Lintek, ano problema sa NGSB? Bakit kailangan nilang tawanan yung status ng lovelife ko? E wala sa bokubolaryo ko ang magkaroon ng jowa-jowa na yan sa ngayon. Kaya nagsalita ako ng puno ng pagtataka.

"Mga pre, sa maniwala kayo o sa hinde. Wala pa talaga akong nagiging girlfriend maski isa. Hinde sa natatakot ako magmahal a, oh baka naman isipin nyo bakla ako. Kaya siguro wala pa, kasi mahalaga para sa akin yung salitang effort. Napakaimportante para sa akin ng mga salitang first love at true love. Kaya kung tatanungin nyo ako kung bakit? Kasi gusto ko ang magiging lovelife ko katulad nung sa mga magulang ko." dire-diretso kong naisagot sa kanila ng walang alinlangan.

Nagpatuloy parin sila sa kakatawa. Kainis a. Kaya hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa loob ng Mall. Sumunod naman sila sa akin. Di pa rin natigil sa kakatawa si Neil at Andre.

"Pre, hindi naman sa nangingialam ako pagdating sa lovelife mo a, di naman masama para sa atin magmahal. And i got your viewpoint about this. Pero pare, ansarap sa feeling ng may mahal ka bukod sa pamilya." inakbayan ako ni Neil, nakangiti ng todo todo sa pagpapahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pagmamahal.

"Pare naiintindihan kita, mas masarap sa feeling yung magmahal ka sa tamang tao para sa'yo. Isipin mo, para mo na rin kasi nirespeto ung pamilya mo kapag nagmahal ka ng tapat at seryoso sa taong nakikitaan mo ng panghabambuhay na pagsasama. 'Di ba?" di ako magkaumayaw sa pagsagot sa kanilang opinyon na tila ba may kaunting bumabagabag sa akin na diko mawari.

"Pare, nakakabilib ka. Atlast, nakapulot ako ng aral tungkol sa pagmamahal sa isang katulad mo. 'Di tulad kasi itong apat na kasama natin, puro lakwatsero pagdating sa mga pambababae. Di kayang makuntento. Pero sana, maranasan mo na yung true love at first love na sinasabi mo. Kasi alam mo, kahit gaano ka pa katibay, kahit gaano ka pa kasensitibo sa gusto mong mangyari? Kapag tinamaan ka ng pagmamahal na yan, nako. Babaliktad lahat ng inaakala mo. Traydor yan pre. Kaya ingat ka sa perfect relationship na gusto mo. Kase kung sino pa yung may perfect relationship, sila yung hindi nagtatagal. Sila yung lubos na nasasaktan. Kaya ang ending, nganga!" di natigil si Andre sa pagpapaliwanag ng kanyang suhestiyon, at kitang kita sa mga mata ang karanasan sa pag-ibig na iyan.

Di ako nakapagsalita ng ilang sandali matapos ang mga salitang narinig ko mula sa kanila. May mga sense din pala silang kausap maliban sa may pagkakahawig kami ng mga gusto at trip. Buong akala ko, mga kapreskohan lang alam nila. Maasahan din pala sila kahit papano pagdating sa napakahalagang bahagi ng buhay ko, ang true love.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon