Chapter 45

240 8 2
                                    

[Pipay's POV]

Dala nang nakakatawang pangyayari kanina kasama si King sa apartment nila, nagkaroon ako ng lakas loob para sabihin ang nararamdaman ko.

Matagal ko nang kilala si Sonn, at simula pa noon ay mahal na mahal ko na siya. Bagama't ang dami ng nangyari magmula nang iwanan niya ako noon, ay unti-unti nang nababawasan ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko iyon namamalayan, dahil kusa nalang itong nagpaparamdam lalo na't may isang King na laging nang-aasar, nakangiti parang timang, masaya kasama at lalong lalo na buo ang pagmamahal sa pamilya. Napansin ko iyon kanina nang dumalaw ang kaniyang mga magulang, makikita mo sa mga pananalita niya ang respeto at pagmamahal nito sa kanila.

Sumang-ayon ako sa tinuran niya sa kaniyang mga magulang kanina na magpanggap na girlfriend niya ako. Kasalanan ko din naman na nahuli kaming magkasama dahil kung hindi ako nagpumilit na pumasok sa apartment nila ay hindi mangyayari yung ganoong insidente. Muntikan pa kaming mapagkamalan na may ginagawang kababalaghan.

At ang nakakainis! Nakailang beses din siyang nakayakap sakin nang mga oras na 'yun ha!

Dumiretso na nga kami sa school pagkatapos, wala siyang kibo simula kanina pa. Magmula nang mabanggit ko sa kanya kanina na maari ko bang iwanan si Sonn kapalit nang mahalin siya at para maging kaming dalawa ng hindi nalalaman ng mga kaibigan namin.

Alam kong hindi tama ang naiisip ko, pero ito ang nararamdaman ko. Husgahan man ako ng mga taong makakakita sa akin pero hindi kailanman mahuhusgahan ang sinisigaw ng puso ko. Ang dami kong napagtanto sa buhay simula nang malaman ko ang katotohanan kung bakit ako iniwan ni Sonn. Dahil una, hindi pa pala sapat iyon para ipagpatuloy yung nararamdaman ko sa kanya, mahal ko pa naman siya pero ang gulo! Ang daming bumabagabag sa isipan ko. Pangalawa, magmula nang nakakasama ko si Sonn ay parang hindi na kami yung dating masaya, oo siguro masaya siya pero para sa akin ay may kulang. Yung kakulangan na 'yun ay nakikita at nararamdaman ko kapag kasama ko si King. At pangatlo, hindi na ngayon ang dahilan nang mga pagngiti ko, yung pagkilig ko at yung pagseselos ko. 

Naunang bumaba si King sa sinasakyan naming tricycle. Hindi niya pa rin ako kinikibuan.

Siya pa yung nagbayad para s aming dalawa.

"Hoy King! Ang bilis mo maglakad! Excited lang?" kaunting pasigaw ko sa kanya habang hinahabol siya sa mabilis niayng lakad.

At talagang hindi pa rin niya ako pinapakinggan ha! Nakakainis naman itong lalaking ito, matapos niya ako gamitin sa pagpapanggap na gawing grielfriend niya ay nagawa pa nitong ganituhin ako? Pambihira 'tong  mokong ito ha!

Hinabol ko pa rin siya. "Talagang hindi mo ako hihintayin ha? Mylabs?" pagsigaw ko sa kanya.

Tumigil siya agad nang marinig yun mula sa akin.

Tinignan ako ng masama. "What?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako sa karap niya. "Anong what? Huwag mo nga akong ma-what what diyan!" pang-aasar ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan bahagya ang braso ko, "Pipay, nasa sa school tayo. Hindi ito yung tamang lugar para pagtripan ako ha? Atsaka, hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa oras na inulit mo pa yung pagtawag mo sakin ng mylabs okay?" napbuntong-hininga siya.

Napangiwi ako, "O bakit? Ano lang kung marinig nila? O ano ha?" pang-aasar ko pa rin sa kanya.

"Please Pipay, makisama ka naman okay? Ayokong mapahamak tayong dalawa sa naiisip mo. Please lang..." kita sa mata niya yung pagmamakaawa.

Napaiwas ako sa mga titig niya sa akin, tumahimik ako ng ilang segundo.

"Hindi mo pa rin sinasagot hanggang ngayon yung tanong ko." ngumuso ako na parang bata.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon