Inis ang nararamdaman ko matapos ako ipahiya ng Pipay na yun. Kasalanan ko bang ang pangit ng pangalan niya? Sinong hindi matatawa doon? Ganito kasi kababaw yung saya ko pagdating sa mga walang kwentang bagay. Idagdag mo pa ang kilos niyang parang semento kung maglakad.
Napansin kong nakatingin yung mga lalaking humarang sa akin kanina sa labas. Iba yung dating ng mga ngiti nila sa akin. May halong pang aasar at kantyaw. Kaya mas lalo pa akong nainis.
Isang oras din akong nagtimpi sa ganung sitwasyon. Isang oras akong nag isip kung paano ko rin mapahiya sa harap ng klase yung Pipay na yon. Isang oras akong wala sa sarili. Bakit ganito? Bakit ko nga ba tinutuon yung kaunting oras ko sa mga walang kwentang bagay na di naman ganun kahalaga sa buhay ko? Bakit nga ba? Sa totoo lang hindi ako tinuruan ng magulang ko na maging pasaway, pero ang bilin ng Daddy ko, kapag binully ako ng babae wala akong ibang paraan kundi kuhanin yung puso niya.
"I think its time to end our lesson for today, i hope on our next class wala na akong makitang malate. Kung alam niyo ng late kayo, wag na kayo kayong pumasok sa klase ko. Naiintindihan nyo?" babala naman ni Ms. Lazaro sa klase.
"Yes po" sagot namang sabay sabay ng ilan sa mga classmates ko.
Paglabas ni Ms. Lazaro ng pintuan ay agad namang tumayo si Pipay at hinarap ako muli. Tumitig siya sa akin sa pagkakaupo ko habang inaayos ang gamit sa bag ko. Natigil ako at dahan dahan kong pinukaw ang tingin ko sa mga mata niya. Lumapit naman ang apat pang babaeng tigasin sa kanya saka muli pang tumitig rin sa akin. Ano reresbakan ako? Mga patawa! Hindi ako masisindak sa inyo no, mga ulol!
"Bakit?" hindi ko pinahalata sa kanila yung nararamdaman ko pero natatakot ako kung ano pwede nilang gawin sa akin.
Nakatingin parin ang ibang mga classmates namin sa amin. Inaantay ang mga susunod na mangyayari.
"Anong pangalan mo labs?" nagsalita si Pipay, nanlilisik na naman ang mga mata sa akin.
Teka? Bakit tinawag akong labs neto? Timang ba sya? May gusto ba siya akin? Grabe naman siya mag confess, agad agad ha?
"Labs?" puno ng pagtataka ang boses ko. Natawa ako kaunti at napailing nalang.
Tinuloy ko ang pag aayos ko sa bag ko pero nagulat nalang ako bigla ng may humawak sa braso ko.
"Oo labs, yan ang tawag sa mga taong malalabo ang mga mata, boy labo!" klarong klaro niyang sinabi sa akin yang mga salitang yan sa tainga ko.
Panay naman hiyaw ng classmates ko sa amin, na tila ba kinakantyawan ako.
"Bitawan mo ako, mylabs." sagot ko namang nakangiti sa kanya.
Kumunot yung noo niya. Ramdam ko yung pagtataka niya sa sinabi ko.
"Mylabs?" tanong naman nung isang kasama niya na nasa likuran nung Pipay.
"Oo mylabs, sorry malabo kasing magsalita itong bunganga ko ha? Gusto kasi nitong tawagin kita ng mylabs e. Nagustuhan mo ba?" medyo nilagyan ko ng kaunting pang aasar yung boses ko na siya naman mas lalong kumunot pa ang kanyang noo.
"Ah ganun ah!" bilis naman niyang binitawan ang braso ko saka nito tinutok ang kamao sa mukha ko na akma niyang susuntukin ito.
"Subukan mo, sige subukan mo, mahahalikan talaga kita! Sige gawin mo." sabi ko na napatawa, at umupo ng pag ka relax relax.
Nagtilian naman yung mga babaeng classmates ko. Nakarinig rin naman ako ng mga nag-boo sa amin. Napapikit ako ng ilang minuto at hinintay ko kung makakaya ba niya akong bigyan ng suntok. Pero wala!
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
Storie d'amoreHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...