[Pipay's POV]
Pagkauwi ko ng apartment, mag aalas dose na ng hatinggabi ay wala akong maisip na gawin kundi ang magshower agad. Ramdam ko na kasi yung bigat ng pagod at lagkit sa katawan ko dala na rin ng mga nangyari kanina sa akin.
Dumiretso na ako sa banyo at nagsimulang magbanlaw ng katawan.
Lumipas ang ilang minuto saka ako natapos at lumabas sa banyo. Naghanap ako diretso ng gagamitin kong pantulog na damit sa cabinet ko, at ilang sandali pa ay natapos na rin akong nagbihis. Bahagya akong nahinto sa harapan ng malaking salamin at tinititigan ko ang sarili kong imahe.
Inilapat ko ang kanang palad ko sa aking dibdib dahil nakakaramdam ako ng bilis ng tibok ng aking puso. Nag aalangan ang itsura ng aking mukha.
"Ano na lang iisipin ni Sonn sa amin ni King na magkasama kanina? Kita ko sa kanyang mga mata yung pagtataka. Kilalang kilala ko yung ganong titig niya sa akin." umiling iling ako sa harap ng salamin.
Hindi ako mapakali sa mga iniisip ko, minabuti kong kalmahin ang sarili ko dahil parang hindi ko na makontrol ang bilis ng tibok ng puso ko. Saglit akong lumayo sa salamin at ibinaling ang tingin sa kama at doon naisipang umupo muna.
Maya maya nagflash back na naman sa isipan ko yung pangyayari kanina kasama si King. Yung sandaling nagsisigawan kami ng problema habang nakasakay sa malaking lobo sa himpapawid. Yung sandaling hinawakan niya yung kamay ko ng sobrang higpit na tila ba'y magkakakilala na kami ng matagal. Yung sandaling makita ko siyang napaluha nalang pero hindi halatang malungkot siya dahil hindi mawala sa mga mata at labi niya yung sayang nadarama. Yung sandaling niyakap niya ako na para bang wala siyang pagsisising nadarama kung ano man ang pwede kong gawin sa kanya ng mga sandaling yun. Yung oras na napayakap din ako sa kanya dahil hindi ko na kaya yung sakit na itinapon ko sa kalawakan. At yung sandaling kasama ko siya at tanging kami lang ang taong nagkakaramdaman ng hinanakit namin sa buhay.
Minsan naisip ko nalang, bakit ba niya kailangang gawin yun sa taong kagaya ko? Ano bang nagawa kong maganda sa kanya na kung umasta siya para bigyan ng ganung ka espesyal na supresa sa akin?
"Teka, surpresa? Masyado naman ata akong assumera..." sinampal ko yung sarili ko ng mahina, para lang akong timang at kinakausap ang sarili ng mga sandaling ito.
Bigla akong nahiga tsaka niyakap yung unan ko. Saka nagsimulang magpagulong gulong sa kama.
"Waaaaaaaahhh! Ano bang nangyayari sakin? Nakakainis!" isinubsob ko pa lalo yung unan sa mukha ko.
Nakakainis! What's this? Hello? Hindi naman ako kinikilig ano? Tska hindi maaari! Hinding hindi mangyayari yon kasi mahal ko pa si Sonn!
Nahinto ako, nanlaki yung mata ko ng may naisip na naman akong di kanais nais.
"Ay oo nga pala! Yung kanta kanina?"
Bigla ako napaupo ng wala sa oras. Kinuha yung cellphone ko na nakapatong sa cellphone. Hindi halatang excited no? Nakakabwisit nga e. Parang timang lang. Kasabay nun ay kinuha ko din yung earphone ko. Pumunta ako sa youtube at nagsimulang isearch yung kantang imahe ng bandang Magnus Haven. Simula ng marinig kong kantahin yun ni King ay di na maalis sa isipan ko, para bang nakapaskil na yun sa utak ko! Alam mo ba yung feeling na yon? Kyaaaaaaaahhhhh!
Sinimulan ko namang pinanood ang video ng kanta at yun nga di maalis yung ngiti ko habang pinapakinggan yung tono ng kanta. Ang ganda lang kasi, as in sobrang ganda!
"Omygod! Ang ganda ng song... Nakakakilig!"
Alam mo yung feeling na nabibwisit ka kasi dimo akalain na makakaramdam ako ng kilig sa kantang kinanta ng mokong na yun? Waaaaaahh! Nakakabaliw!
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...