Chapter 25

169 3 0
                                    

Ang dami ko na naman iniisip. Dagdag pa si Pipay, tsk! Sumagi na naman siya as isipan ko! Andaming nangyari kagabi ni hindi ko manlang natanong kung saan siya tumutugtog! Malalaman ko din naman yan. Pero sa ngayon, kailangan ko ng umuwi.

Ilang sandali palang ay nakita ko ng papalapit sa akin yung sasakyan ni Neil. Pinitada ako at saka naman ako tumayo sa kinauupuan ko. Lumapit ako at saka ako sumakay.

"Anyari tol? Bakit dika nakauwe kagabi sa inyo?" tanong naman sa akin ni Andre.

"Kung alam lang namin na nandito ka kagabi ay tiyak na nag inuman tayo." mungkahi naman ni Jun

"Hahaha, yun nga ginawa ko kagabi e. Napadami ako ng inom." paliwanag ko naman sa kanila

"Sino kainuman mo?" pagtataka naman ni Aron sa kanyang tanong.

"Si kuya Brixon, kababata ko sa dating village na tinirhan namin, doon sa apartment niya na rin ako nakatulog kasi mag aalas dose na rin ng matapos kami." pahayag ko muli sa kanila.

"Sayang naman! Di mo manlang kami ni chat sa group o ni-text manlang na may inuman kayo. Ano ba yan." hirit naman ni Neil na parang nagtatampo.

"Kaya nga e." sumang ayon naman si Sonnsa sinabi ni Neil sa akin.

"Hindi naman mga tol, gustong gusto ko syempre kaso bago pa yun nakasama ko si Pipay------" at bigla na nga gumuho yung mundo ko!

Ahhhhhhhh! Nanlaki ang mata ko ng todo todo sa pagkabigla sa nasabi ko, napapikit nalang ako bigla at napakagat ng labi.

"ANO? Si Pipay?" sabay sabay silang nagtanong sa akin ng ganyan. Na para bang pumutok na yung eardrums ko sa mga boses nilang pagkalakas lakas!

Teka, ano isasagot ko? Bakit ba kasi nadulas pa etong dilang to. Nakakabadtrip! Pipay badtrip ka!!!!

Kinalma ko muna yung sarili ko dahil pare-pareho sila ng reaksyon ng mga mukhang nakatingin sa akin ng mga gagong to. Bahala na nga.

"I mean, hindi si Pipay na classmate natin. Ibang Pipay yun mga tol. Okay?" sagot ko naman ng dahan dahan sa kanila para kumalma na rin sila sa narinig nila.

"Aysusssss, palusot..." hirit namang pambibiro sakin ni Andre.

Umayos naman ng upo sina Jun, Neil, Aron at Sonn na kanina pa puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha.

"Talagang gumagawa ka na ng moves para kuhanin yung loob ni Pipay ha." sunod namang nagbiro si Jun sa akin.

Kainis tong mga to. Talagang ayaw maniwala.

"Mga tol, hindi nga si Pipay yon. Ibang Pipay nga ang kulit. Tsaka bakit naman sasama akin yun ng ganung oras aber? Eh may sa demonyong tao yung babaeng yun. At isa pa, galit sa akin yon." Paliwanag ko naman muli sa kanila.

Tumahimik naman sila, kaya biglang parang may dumaang anghel sa pagbiglang tahimik sa loob ng sasakyan.

"Oo nga naman, tsaka kilala niyo naman si Pipay." giit pa ni Sonn sa amin ta tila sumasang ayon sa mga paliwanag ko.

Hayssss. Ang hirap magsinungaling! Kaya lang, hindi ko pwedeng sabihing nakasama ko siya kagabi sa kanila kasi ayoko yon pagmulan ng madaming katanungang ibabato nila sa akin. At tsaka ayoko namang unahan si Sonn sa ano mang nais niyang planuhin. Basta, iiwasan ko nalang muna banggitin si Pipay kapag kasama ko mga gagong to.

"Tol, saan ba daan ng bahay niyo? Kanina pa ako drive ng drive di mo pa tinuturo yung daan." wika ni Neil sa akin.

"Liko ka dyan sa may kanto mamaya tol, tska diretso hanggang sa may Petron, may kanto din doon tsaka tayo liliko ulit. Wag kayong mag alala at magpapameryenda ako mamaya doon sa bahay." patuloy ko namang paliwanag kay Neil.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon