Chapter 50

185 4 5
                                    

[Pipay's POV]

Alas tres ng madaling araw ako nagising dahil sa walang sawang ingay na tunog ng cellphone ko.

"Sino na naman kaya yung istorbong tao ang tatawag-tawag ng ganitong kaaga? Wala ba itong pakiramdam sa taong tinatawagan niya?" inis kong sabi sa sarili habang pilit na iminumulat ang mata sa pagkakahiga.

Bahagya kong inilagay ang kamay ko sa table malapit sa uluhan ko saka kinapa-kapa para hanapin ang cellphone.

"Hmm," bungad kong sabi.

"Besh, nagising ba kita?" masayang tugon sa kabilang linya.

"Obvious ba? May tulog bang sinasagot ang tawag?" pabirong sagot ko.

"I mean, naistorbo ba kita?" dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga ako. "Dheez oo, naistorbo mo ako kasi anong oras palang tinatawagan mo na ako. Alam mo namang sa ganitong oras masarap ang tulog ko e," mahinang sambit ko sa kanya.

"Hmm, sige na din. Matulog ka na ulit," aniya niya.

"Naistorbo mo na nga ako e, tapos papatulugin mo pa akong mag-iisip kung anong dahilan ng pagtawag mo? Teka nga saglit, ano ba kasi 'yon? Ba't ang aga-aga mong tumawag? May problema bang nangyari sa pagsasama niyo ni King?" panunutyang sabi ko, bakas sa boses yung pagkokontrol sa nararamdaman kong inis.

"No, wala naman besh. Sa katanuyan nga ang saya saya dito grabe. Ang ganda pa ng mga makikita mo, as in lahat maganda. Nadagdagan pa ng maganda ng dumating ako--"

"Dheez, 'yan lang ba sasabihin mo? Matutulog na ako," pagpuputol ko sa sabi niya.

"No, besh naman," napabuntong hininga siya, ramdam ko yun dahil sa hangin na umingay sa tainga ko. "Besh, hinalikan ko si King. Nag kiss kami," mahinang kaluskos nitong sabi sa akin. Bagama't hindi ko siya nakikita, banaad sa boses niya yung lungkot imbes na kiligin o magtitili sa sobrang sayang nadarama. 

Napamulat ako ng pagkalaki-laki sa aking mga mata, napaupo ako agad sa kinahihigaan kong kama. Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo.

"What did you say?" paninigurado kong sambit muli sa kanya, baka kasi namamalik dinig lang ako dahil sa pagkakagising ko ng maaga.

"Nagkiss kami ni King, anong gagawin ko? Parang galit siya sa akin. Hindi niya ako kinikibuan," pag-aalalang tugon niya.

Napahawak ako sa aking naninikip na dibdib. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito, alam kong mali pero hindi ko talaga maiwasan ang ipahihiwatig ng damdamin ko. Gusto kong sigawan si Dheez kung bakit niya ginawa 'yun kay King. Nakakainis.

Sa sandaling ito, para akong hiningal sa sobrang pagod dahil sa mabilis na kabog ng dibdib ko.

"Besh, are you still there?" wika nito.

Nakuha muli nito ulit yung atensyon ko dahil sa pagkakatulala, "O---Oo, ano ba kasi yung nangyari? Tatlong araw na kayo diyan, uuwi naman na kayo bukas ano pa bang alalahanin mo?" pakikisimpatya ko sa kanya.

"Yun na nga ang problema e, hindi na niya ako kinakausap. Hindi ako mapakali..."

"Teka, pa--paano ba kasi 'yun nangyari? Tsaka bakit mo sa'kin sinasabi 'yan? Dinadamay mo pa ako sa kalandian mo Dheeziel Alegre," inis kong sabi sa kanya.

"Syempre kaibigan kita no, wala naman ako balak sabihin sa 'yo to kung hindi lang dahil sa pagbabago ng pakikisama niya sa akin kanina. Ang cold niya na sa akin," pag-alalang giit nito.

"Baka nabigla lang? Teka nga kasi, ang dami mong satsat diyan. Ikwento mo nga kasi muna 'yung buong detalye okay? Para malaman ko kung bakit nahantong siya sa gano'n. Hindi yung side mo lang yung nakukuha kong pinupunto mo," naiinis pa rin ako.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon