"Oh, nandito na pala itong gwapo kong pamangkin e. Teka, sino yang mga kasama mo? Huwag mo sabihin sa akin na isa dyaan ang chikas mo ah. Ituro mo nga sakin." Pabirong sabi ng Tito ni Neil sa kanya.
"Tito, wala po. Mga classmates ko lang po mga ito. Ano ho ba kayo, masyado naman kayong mausisa sa lovelife ko. Kilala mo naman ako hindi ba? Hindi ako mahilig sa mga babae. Saw ana rin kasi ako masaktan, nakakasawa na." sagot naman niya na parang di nababahala sa sinasabi.
"O siya pumasok na muna kayo bago pa mabagot yang mga classmates mo diyan sa labas. Ano gusto niyo kainin? Marami akong napitas na prutas diyan simula nung agad kang nagpadala ng mensahe na pupunta kayo ngayon ditto." Dagdag pa niya.
"Sige lang po, ako na maghahain sa kanila." Wika naman ni Neil sa mabait na Tito.
Buti nalang kamo at hindi pa ako namukhaan, nakakainis lang isipin na sa dinami dami ng pwedeng maging Tito ni Neil ay yun pang lalaking minsan nang maging dahilan para sa ikakapahamak ko. Nang hindi dahil sa Tito niya ay hindi ako mananakawan ng halik ni King. Pambihira, ano to? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Na para bang halos ng taong konektado sa pagitan naming ng mokong nay un ay makakasalamuha ko?
"Guys, pasok kayo. Huwag kayong mahiya kasi mabait naman itong Tito ko. Pagpasensyahan niyo na itong bahay. Masyadong malaki. Sa katanuyan, tatlo lang nakatira dito. Yung dalawa kong Tito na si Dred, yung nakausap ko kanina at si Tito Nando. Yung isa ay yung nasa kabilang isla na si Tito Marko. Minsan lang nauwi yun dito sa bahay nila kasi inaalagaan yung hacienda nila doon. Magkakapatid yung tatlo, pare parehong walang mga asawa" mahabang paliwanag ni Neil sa amin.
"At bakit naman hindi sila mag-asawa? Ang yaman yaman nila, maraming pwedeng gawin ng pera no. Pati nga pagmamahal kaya na nitong bilhin." Saad naman ni Arjane na para bang may kinasusuklamang nakaraan.
"Hindi ah, hindi kasi lahat ng pera kayang bilhin lahat. Materyal man yan, mahahalagang bagay man o kahit na yung sinasabi mong pagmamahal. Naisip ko na huwag ng mag-asawa kasi parang iyon ang nakatakda para sa akin. Gustuhin ko man pero ayaw naman ng Panginoon ibigay sakin." Biglang lungkot ng boses ng Tito ni Neil.
Ramdam naming yung bawat emosyon ng mga salita niya. Kahit hindi klaro sa akin yung nais niyang sabihin ay mararamdaman ko talaga sat ono ng boses niya yung kagustuhan niyang magmahal pero ipinagkakait sa kanya ng tadhana. At dahil doon ay napag-isip isip kong ang swerte ko pa pala dalhind sa murang edad ay nararanasan ko na yung tunay na saya ng may minamahal at nagmamahal. Sa katanuyan ay, nanatili pa rin sa akin yung magtiwala kahit alam mong kaya nitong bawiin yung sakit na dinanas ko noon.
"Ang lalim naman niyan Tito, imbes na magssaya ang gagawin naman dito ay siya namang kalungkutan ang babalot sa amin ng dahil lang sa pagmamahal haha. Teka nga po pala, hindi pa ba nagawi yung mga kaibigan ko dito na sina Sonn, King, Aron, Andre at Jun, Tito?" Neil
Nakikinig lang kami sa usapan nila. Hindi ko maipakita yung mukha ko sa Tito ni Neil dahil ayokong mapunta yung atensyon niya sa akin. Bawat sulyap ng Tito niya sa amin ng mga kaibigan ko pasimple akong lumilingon para iwasan ang mga tingin niya. Yuyuko, tinatakpan sa buhok at kunwari nag aayos ng damit ang ginagawa ko para lang di niya ako pagtuunan ng pansin.
"Hindi pa naman, teka bakit nasaan na ba sila? Ano sasakyan yung ginamit nila?" muling tanong ng Tito ni Neil sa kanya.
Para lang kaming timang na nakaupo sa gilid lima. Kunwari nahihiya pero kanina ko pa nararamdaman yung mga kalabit ng mga kaibigan ko sa akin. Alam kong marami silang nais na sabihin na ayaw nilang marinig ni Neil at ng kanyang Tito. Pinalampas ko nalang muna para kahit papano ay di kami makaistorbo sa kanila, pagbibigay galang sa may bahay kumbaga.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...