Chapter 12

238 9 0
                                    

"Eto naman ang highblood, pare-pareho kayong magkakaibigan." nakangiti pa rin ako sa kanya.

Naiinis na naman ang kanyang mukha. Halos ngiwing ngiwi na sya sa kanyang nguso sa sobrang inis sa akin.

"Eh bakit ba? Gonggong!" pagtawag niya sa akin.

"Itatanong ko lang kung tinanggap niyo na ang offer ni Mr. Ruiz na maging model." natatawa na ako.

Umiba na naman lalo ang kanyang itsura. Asar na asar na siya sa akin. Diko maintindihan, bawat inis na nakikita ko sa kanya ay nagmumukha siyang cute. May mga tao kasi na kapag nakikita mong asar ang mukha e, nakakainis din, minsan pa nga nakakatakot. Pero sa kanya, mas lalo akong nagaganahan kasi bumagay sa kanya yung pagiging mainisin niya. Nakakatawa pa kasi ang cute cute cute niya

"Model? Modelin ko mukha mo eh! Walang magmomodel sa amin, naiintindihan mo?" sigaw niya sa akin.

"Okay, relax lang. Masyado ka ng highblood talaga. Ikiss kita gusto mo?" pang aasar ko sa kanya.

Kinalma ko lang boses ko nang may pagkapresko.

Nanlaki pa lalo ang mata ni Pipay pagkarinig niyang ng mga sinabi ko sa kanya. Natatawa pa rin ako ganundin sila Aron, Andre, Neil at Jun. Nakasimangot naman mukha ng mga kasama ni Pipay sa amin.

"Abay tarantado ka ah!" lalapit na naman si Pipay sa akin para hambalusin ako sa hawak niyang bag ng biglang.

Pero deadma lang ako sa kanya, kasi mas gusto ko yung ginaganyan yan ako, gustong-gusto ko siyang panoorin kung paano siya mainis.

"Tama na! Ano ba kayo!!!" biglang sigaw ni Sonn sa amin.

Nagulat kami sa kanyang pagsigaw. Bakit? Bakit ganun nalang siya makasigaw? Bakit Sonn? Anong problema? Bakit kaya siya nagkaganun bigla?

Tinginan kami lahat sa kanya, hindi namin maintindihan yung itsura ng mukha niya. Sobra ang lungkot ng mukha niya. Wala akong nakikitang galit na umukit sa kanyang mga mukha. Ewan ko? Ano ba meron bakit ganun na lang kalungkot ang mukha niya tapos bigla pa siyang napasigaw na dahilan ng pagpigil namin ni Pipay sa pag-aasaran?

Kasunod noon ay bigla namang lumabas ng room si Sonn. Nagtaka kami sa inasal niya. Di namin agad maintindihan kung bakit siya biglang lumabas.

Nanatili kaming walang kaalam-alam, natahimik ang paligid. Ganundin ang mga tropa ni Pipay. Maski si Pipay natahimik.

Nagtinginan kaming lima nila Neil, Andre, Aron at Jun saka sumunod ding lumabas ng Room at dali-daling binaybay kung saan tumungo si Sonn. Tumakbo kami para mahabol namin siya.

Nang nasa pinaka ibaba na kami ng gusali ay doon namin siya nasundan. Tahimik siya, nananatili pa rin yung lungkot sa kanyang mukha.

"Oy tol anong problema bakit may pa walk out?" medyo pabirong sabi ni Neil kay Sonn para kumalma siya konti.

Hindi pinansin yun ni Sonn.

Inakbayan ko si Sonn, patuloy pa rin ang lakad namin. Sinusundan pa rin namin kung saan ang nais niyang mapuntahan. Pinuntirya namang pinuntahan ni Sonn ang University Gym, sobrang laki naman nito. Kaya sa sobrang laki ay sobra din ang espasyo nito kung kayat naupo kami sa may bleachers na walang tao at malayo pa sa tingin ng mga nakakakita sa amin.

Umupo si Sonn at tinakpan ang kanyang mukha. Mukhang namomroblema na siya sa lagay na yon. Hinaplos haplos naman ni Aron ang kanyang likod, tanda yun ng kanyang pag aalala sa nararamdaman ni Sonn.

"Bakit ba sa Sonn, anong problema?" tanong ni Andre sa kanya.

Di pa rin siya nagsasalita.

"Ano ba kasi lagay ng buhay mo bakit parang ang lalim ng problema mo Sonn?" sunod namang tanong ni Andre

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon