Chapter 44

216 6 5
                                    

Then there it goes, ito na nga yung sinasabi kong masamang pangitain sa sandaling ito. Bakit ba kasi ang lupit sa akin ngayon ni Pipay na tila ba'y ikinababagabag ko. Hindi naman siya ganito makalapit at gumawa ng eksena nang kami lang ang magkasama.

Bahagya akong napalingon, hindi parin maalis sa itsura ng mga magulang ko yung pagkagulat sa nakitang sitwasyon namin ni Pipay, sa posisyong hindi naman dapat mangyari. Napabalikwas ako sa pagkakapatong sa akin ni Pipay, nagulat din naman siya pero hindi kagaya ng reaksyon kong gusto nang sumigaw. Simula't sapol kilala na ako ng mga magulang ko, alam nila kung gaano ako karespetadong tao pagdating sa mga bagay bagay na ikapapahiya nila. Malamang sa pagpapaliwanag ko ng mabuti sa pangyayaring ito ay nakakasigurado akong papaburan nila ang pahayag ko.

"Anong ginagawa niyo? King anak!" napatakip si Mommy sa kanyang bibig, nakahawak siya sa braso ni Daddy.

Napatayo ako kaagad. "My, let me explain. Nagkakamali po kayo sa naiisip niyo--" napalunok ako sa sarili kong laway. "Aksidente po kasing nawalan ng balanse itong si Pipay bagay na napunta kami sa ganoong sitwasyon."

Halos mabali na ang leeg ni Mommy sa kakalingon sa amin ni Pipay. Alam ko, naiinitindihan ko kung ano man yung nasa isip nila. Sino ba naman ang hindi magtataka kung makita mo ang isang babae na nakapatong sa lalaki? For Pete's sake! Hindi ko alam kung papaniwalaan pa ako.

Itong babaeng ito, wala namang ibang gawin kundi yumuko nalang. Ni hindi manlang niya magawang suportahan ako at maipagtanggol sa mga magulang ko. 

"Anak, bakit may babae sa apartment niyo? Nasaan na yung mga kaibigan mo?" pagtataka niya.

"Mommy... nauna na sa university yung mga kaibigan ko. Atsaka nasabi ko naman po sa inyo na kailangang maaga kaming pumasok ngayon 'di ba? Kasi mayroon kaming project na gagawin for the school." napangiwi ako.

"Then who's this girl? Is she your girlfriend?" bahagyang itinuro ni Daddy si Pipay na puno din ng pagtataka ang reaksyon ng mukha.

Napabuntong hininga ako saka tinignan si Pipay, bahagya akong napa-isip. "Yes, she's my girlfriend."

Yung nakayukong ulo ni Pipay ay bahagyang napaangat ng marinig ang nasambit ko sa Daddy ko. Well, ito nalang yung naisip kong paraan para hindi pa sila magtaka ng ano mang kahihitnan ng sisiyasatin nilang kwento tungkol sa amin. Siniko niya ako, pinanlakihan pa ng mga mata.

"I would've told you before Dad, Mom... na may girlfriend na ako pero hindi ko lang masabi kasi masyado pang maaga." napalapit ako kay Pipay saka hinawakan ang bisig niya. "I'm happy whenever I'm with her. Anyways, Pipay Esperanza po pala." pinilit kong ngumiti kahit hindi naman dapat.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ng magulang ko nang malaman nila ang buong pangalan niya. Ganoon din reaksyon ko noong pasukan nang malaman ko ding isang Esperanza si Pipay. Kaya alam ko ang nararamdaman nila.

"King! Why all of the sudden? 'Di ba ang bilin namin, no girlfriend? Tapos sa isang Esperanza pa?" mariin siyang napahakbang papalapit sa mesa, pinatong ang hawak hawak na pinamiling mga grocery.

"Sssh, babe... relax okay?" sumunod naman si daddy kay Mommy.

Napatanggal ako sa pagkakahawak sa braso ni Pipay ng sinundot na naman niya yung tagiliran ko, naaasiwa ata siya pasimpleng yakap ko sa kanya.

"Pipay, pwede ba umaayos ka. Sumakay ka nalang sa agos ng tadhana pwede?" pasimple kong bulong sa kanya para hindi kami marinig ng mga magulang ko.

Napangiwi siya. "Agos ng tadhana? Na magkunwaring girlfriend mo sa harap ng mga magulang mo?" bulong niya sa akin, pinipigilan ang inis saka naman niya kunwaring nginitian sila ng pilit.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon