[Dheez's POV]
"Ma, ano kamusta na kayo dyan? Ni hindi pa nga ako kinakausap ni Papa. Nagtampo ata sakin yun."
Kausap ko ngayon si Mama sa videocall ng Messenger ko. Naisip ko na kamustahin siya buhat nung umalis ako sa bahay ng may bigat na dinarama dahil sa nangyaring bangayan namin ni Papa.
"Okay naman ako anak, si Papa mo mamaya pa uuwi. May overtime sa trabaho, alam mo naman yun. Masyadong workaholic. Tsaka huwag mo na isipin yung tampo niya sa'yo kasi lagi ka niyang tinatanong sa akin kung nakausap na ba kita. Kaya ikaw, umuwi ka palagi dito kapag may kaunting araw kayong bakasyon ah." giit naman ni Mama sa kabilang linya at banaad sa mukha niya ang sobrang ngiti sa mga pahayag niya sa akin.
"I miss you po. Huwag din po kayo mag alala kasi sa weekend uuwi po muna ako diyan. Handa niyo pong lutuin yung paborito kong relyenong bangus niyo ha. Hahahaha"
"Nako, walang problema. May allowance ka pa dyan?"
"Opo meron pa. Saka niyo na ako bigyan kapag nakauwi na ko sa sabado."
"O siya, mag iingat ka diyan. Magluluto lang ako makakain ng mga kapatid mo at ni Papa mo. Usap tayo ulit mamaya pagkauwi ni Papa mo, siguradong miss na miss ka na niyang kausapin non." panay parin ang ngiti niya sa akin.
"Ah sige po Ma, babye"
Saka naman ako kumaway para tuluyan ng ibaba ang tawag.
Nag-isip isip ako ng pwedeng gawin para manlang malibang dito sa apartment. As usual, wala naman ibang magawa dito kundi magmukmok mag isa. Pwera nalang kung may mag-aaya na lumabas sa mga kaibigan ko.
Nahiga ako sa kama at saka binuksan ang instagram account ko. Nagscroll ako ng nagscroll sa newsfeed baka sakaling may makita akong pagkakainteresan ko. Bahagya akong natigil ng makita ko yung larawan ni King na kakapost lang ng isang oras. Mahigit 334 hearts na yon.
"Teka, kaya pala di siya pumasok kanina." sambit ko sa aking sarili.
Naisip kong imessage siya para malaman kung ano pa bang dahilan kung bakit wala siya kanina.
"Hoy King, bakit absent ka kanina?" sabi ko sa message ko.
Alam ko namang mabilis siyang magpapadala ng kasagutan dahil online siya ngayong oras. Maya maya ay nakikita kong nagtatype na siya.
"May kaunting problema, bakit?" sagot nito na parang ang casual niyang kausap.
"Nasaan ka den ngayon?"
"Sa bahay. Ikaw?" tanong niya din sa akin.
"Makakalabas ka ba? Tara gala us." Anyaya ko.
"Ahm, sure. Saan?"
"Diba malayo sa inyo, makakapunta ka ba talaga?" tanong ko ulit.
"Why not. Magmotor ako."
"Bakit? Marunong ka?" pabiro kong tanong sa kanya.
"Ulol, malamang! Hahaha" aba na ulol pa ako ng mokong na ito.
"O siya, punta na den. Wala kasi magawa."
"Gege, wait moko, palit lang ako." Saad nito.
"Daanan moko sa Taft Street malapit sa Caronan. Okay?"
"Number mo akin na."
Saka ko naman binigay yung number ko para tawagan ako mamaya kapag nandito na si King. Hindi ko inaasahan na ganun pala siya kabait. Siya yung kaibigan na sa tingin ko ay one call away pagdating na sa kras ng kailangan mo. Pero bakit nagagawa pa niya akong replyan non e sigurado namang akong maraming umaaligid sa taong yun.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...