Chapter 33

152 3 0
                                    

Tumingin si Pipay sa akin ng dahan dahan. Saka naman nag slow mo yung buong paligid sa aming dalawa. Mas lalo pang nagbigay halimuyak sa nararamdaman ko yung biglang paghawi ng buhok niya sa malakas na hangin at dali niyang inayos yun. Amoy na amoy ko yung mabango niyang buhok. Nagkatitigan kami. Dugdug! Dugdug! Dugdug! Ano itong nararamdaman ko! Bakit ako kinakabahan! Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?

"Ma-mahal po ba si So---Sonn Pipay?" Malumanay kong sabi na utal kong bigkasin ang nais kong sabihin.

"Ba-bakit?" nalilito siya.

"Hindi dahil mahal mo, hihintayin mo. Kahit gaano mo pa yan kamahal kung pasakit lang dulot nito sa'yo. Kailangan mo nang sukuan." bigla kong sabi sa kanya.

Nagulat siya. Tila ba nagulat din ako sa pagkakabigkas ko sa mga salitang yun. Bigla na lamang kasi lumabas yun sa bibig ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko para ipahayag ang mga nais kong sabihin sa kanya. Ano ba ito? King ano ba! Gumising ka nga! Para kang timang! Gising King!

"Ano? Anong pinagsasabi mo?" banaad sa mukha niya yung kalituhan mula sa mga salitang nasabi ko sa kanya.

Inayos ko yung pagkakaupo saka ako tuluyang humarap sa kanya at mariing tinitigan siya ng sobrang lagkit. Pasulyap sulyap naman siya sa akin dahil yung konsentrasyon niya sa paglalaro ng kanyang cellphone ay nahahati sa tingin niya sa akin.

"Tigilan mo kasi muna yan." hinawakan ko yung cellphone niya at tinakpan yung screen mula sa palad ko.

Tumingin siya sa akin, animoy nainis siya sa ginawa ko pero hindi ako nagpatinag kung kayat mas lalo ko siyang ininis ng ngumiti ako ng nakakaloko. Gumuhit na naman sa labi niya yung ngingit na para bang gusto na niya akong sapakin sa mga sandaling yun.

"Hindi ba nasabi ko na lahat sa taas kanina yung gusto mong malaman? Ano na naman trip mo at nagmistulang nakaisip ka na naman ng bagay na ikakainis ko ha?" yung boses niya ay hindi yung tipikal na naiinis, may kung ano sa boses niya na gustong gusto kong pakinggan.

"Ang ganda ganda pala ng boses mo kapag kumakanta. Saan ka pala nag-gi-gig?" pakunwaring baling ko naman ng ibang topic para maiba yung itsura ng mukha niya.

"Wala, hindi na ako mag gigig. Makapagsalita ka, akala mo naman hindi ka magaling kumanta." inirapan na naman niya ko, saka tumingin banda sa kalyeng napakatahimik.

Bahagya naman ako napatingin doon sa kalye kung saan siya nakatitig. Tumahimikkami ng ilang minuto. Walang imikang nagaganap. At hanggang sa sandaling naipon siya ng salitang sasaabihin niya at siya namang ikinagulat ko.

"Mahal pa kaya ako ni Sonn?" ramdam ko yung presensya ng kaluluwa niya kung paano niya binitawan ang tanong na iyon.

Parang bumilis yung tibok na naman ng puso ko. Hindi na naman mapakali yung isipan ko sa narinig ko. Para akong timang na hindi ko mawari kung ano nga ba ang pinupunto ng isipan ko sa bawat pasaring niya tungkol sa kanilang dalawa ni Sonn. Lalo nat mahal pa niya ito, at mahal pa siya ni Sonn. Ano kaya ito? Maliban nalang kung totoo na ba yung nararamdaman ko sa kanya, gusto ko na ba siya? Hindi ito tama.

"Hoy, tulala ka diyan." kinalabit niya ako.

Napalingon ako sa kanya, bakit ba wala ako sa sarili ko? Nakakabanas! Di naman ako ganito ha.

"Ah eh.. Wala, ano nga ba yung tanong mo?"

"Minsan naiisip ko kung fair ba sa part ko na isipin na kung magpapatuloy pa rin akong mahalin si Sonn, mapapanatag ba ako na kung sakali lang naman, sa tingin mo King, mahal pa rin ba niya ako?" nagpumilit siyang ngumiti sa akin.

Napahawak ako sa labi ko, saka dahan dahan kong kinurot. Nag iisip kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Ahm. Oo naman." biglang bulalas ng bibig ko.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon