[Neil's POV]
"Badtrip, bakit pa kasi ako umuwi. Nakakaboring naman dito sa bahay."
Panay ang sambit ko sa aking sarili habang nakaupo sa sofa at pilit inaabot ang remote control para ilipat ang palabas na aking kanina pang pinapanood. Ang kokorni naman ng mga palabas na para bang mas lalo akong binibigyan ng dahilan para maboring!
Tumayo ako at tinungo ang daan papunta sa kusina.
Nakita ko doon si ate Myrna na masayang naghahain sa akin ng pang almusal. Nginitian ko naman siya.
"Ate ang saya mo ah." usisa ko naman sa kaniya.
Bigla siyang nag iba ng itsura na para bang nahiya bigla pagkasabi ko sa kanya ng ganun.
"Ah hehehe, kain ka na. Pinagluto kita ng paborito mong longganisa." ngiti pa rin ng isinukli niya sa akin.
"Ako nalang sana nagluto ate, nag-abala ka pa. Tsaka, hindi po ba kayo uuwe sa inyo ngayon? Baka namiss niyo na po pamilya niyo. Okay naman po ako dito sa bahay." pag aalala ko naman sa kanya.
Ilang buwan na rin kasi siyang di nauwe sa kanila, at nararamdaman ko naman na sabik na sabik na siyang pasalubungin ng yakap ang mga nangungulila niyang mga anak sa kaniya.
"Nako maraming salamat Neil, kaso ang bilin kasi sa akin ni mama mo ay huwag kitang pabayaan kasi walang mag aalaga sa'yo dito sa bahay. Lalo na't wala pa yung mga kasama kong kasambahay na galing pa sa kani-kanilang lugar. Tsaka 'wag kang mag-alala, maayos naman ako dahil kakausap ko lang sila kanina sa telepono." di p rin naalis yung maaliwalas na ngiti ni ate Myrna.
"Ah ganun po ba, nako ate pagpasensyahan mo na kami ha. Kung pupwede lang sana gawin lahat ng ginagawa mo dito sa bahay ay ginawa ko na rin. Kaso di ako marunong hahaha." wika ko naman sa kanya
Naupo na ako sa dining chair at nagsimulang kumain.
"Nagpapasalamat ng ako kasi sa inyo ako napunta. Napakabuti niyong pamilya. Wala na akong hihilingin pa dahil sobrang babait niyo sa amin." ramdam ko sa boses niya yung lungkot na may halong saya.
Tumango naman ako sa kanya agad habang punong-puno ng kanin ang bunganga ko. Tinitigan ko lang si ate Myrna at tanging yung ngiti ko lamang ang bumawi sa pasasalamat ko rin na nais ko rin sabihin sa kanya.
Kring.... Kring...
Narinig kong tumunog yung cellphone ko na nasa sala ng bahay. Hindi ko muna yon pinansin dahil gusto ko munang tapusin yung kinakain ko.
Matapos ang ilang minuto ay bigla na naman tumunog ang cellphone ko. Kakatapos ko lang din kumain, dali dali naman akong bumalik sa sala at pinuntiryang kuhanin ang tumutunog kong cellphone para tignan kung sino ang tumatawag.
"unknown number? Sino naman kaya ito?" pagtataka ko.
Sinagot ko, di muna ako nagsalita. Hinayaan ko munang pakinggan ang boses ng tumatawag.
"Hello babe, how's your day? May gagawin ka ba ngayong tanghali? Kain naman tayo sa labas." sabi nito sa kin at malamang sa malamang kilala ko na siya.
"Oh sure, nasaan ka ba ngayon babe? Maybe i will pick you up around 11 am?" sagot ko naman sa kaniya.
"Hmmmmmm, dito sa bahay nalang babe kung okay lang naman sa'yo." mariin naman niyang sagot sa akin.
"Wait, is this Marthina?" paninigurado ko naman.
Baka kasi ibang tao itong kausap ko ngayon.
"Oo babe, nakalimutan mo na naman yung boses ko. Hmmmmm nakakalungkot as in." bigla nalungkot yung tono ng boses niya sa teleponon.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...