"Diba ang sakit? Yun na yung time na may nagbukas ng oportunidad kay Pipay." paliwanag naman ni kuya Brix sa akin.
"So ibig sabihin, hanggang ngayon kasama mo siyang kumakanta sa isang Bistro? Saan? Gusto kong malaman." bigla akong nagka interest.
At wala na akong ibang gustong gawin sa ngayon kundi nais kong puntahan kung saan siya kumakanta. Kung gaano kaganda yung tinig niya. Aaaaaaahhhhh!
"Tara, puntahan natin siya. Gusto ko siyang panoorin." pagpupumilit ko kay kiya Brix.
Medyo ramdam ko na sa katawan ko ang init ng alak na nananalaytay sa akin. Hindi ko na rin masyado namumulat yung mata ko ng maayos.
"Huwag na, tignan mo nga oh. Pulang pula na yang mukha mo sa dami mong nainom. Tsaka ang kailangan mo ay magrest na muna at kumain." pagbabawalang bahala naman niya sa gusto ko.
Tssss napapangiti nalang ako, pero teka. Hindi ko naman ramdam na lasing ako. Sadyang mestiso lang ako kaya diko napapansin na namumula mukha ko kapag nakainom. Ano ba yan.
"Teka nga, alam ba nila Mommy mo at Daddy mo na umiinom ka?" dinuro duro ako ni kuya Brix na parang nagpapahiwatig ng pang aasar.
"Hahahaha baliw, kahit naman siguro malaman nila na umiinom ako kuya. Suportahan lang siguro nila ako kasi alam nila na napalaki ako ng maayos. Tsaka ano, tska sa totoo lang gusto ko maranasan yung pagiging independent. Alam mo yon?" pagpapaliwang ko sa kanya.
"Nako, talagang binatang binata ka na ha. Alam mo bang ang galing mong kumanta ha? Napabilib ako." nakangiti naman si kuya Brix.
"Chamba lang naman." tugon ko naman sa kanya habang patuloy pa rin ang pag inom ng alak hawak ang isang bote.
Nawala na sa isipan ko yung pagpupumilit na puntahan yung pinagtatrabauhan ni Pipay. Ilang oras pa kami nag inuman at nag inuman ni kuya Brix. Sa sarap ng kwentuhan ay napapalakas pa kami ng tawa sa loob.
Maya maya ay may biglang lumapit sa amin na dalawang babaeng naggagandahan na may hawak na tray ng inorder. Sa oras kasi ngayon ay punuan pa ang loob nitong Bistro.
"Ah excuse us, pwede bang makishare ng table if you don't mind?" tanong naman sa akin ng babae.
Bigla naman kami napaayos ng upo ni kuya Brix, at di nakaimik. Tumango lang ako sa kanila.
"Mukhang andami na ninyong nainom ha, sigurado akong kanina pa kayo nandito." muling nagsalita yung babae.
"Aheheheh hindi naman, kakarating lang naman actually." pakunwari namang sagot ni kuya Brix sa kanila.
"Weh? di nga. Tamado na nga kayo e." sumambat naman yung isa pang babae.
Hindi ako makapagsalita, hindi ako sanay makipag usap sa mga strangers. Pero teka, stranger din naman si Pipay pero bakit nakaya ko noon makipag usap sa kanya? Baka nga iba si Pipay. Siguro may puwang siya sa buhay ko na diko pa mawari sa ngayon. Huh? Bakit naiisip ko yung babaeng yun? Wuy gising King! Gising!
"What about you?" biglang tanong sa akin nung babae sa akin.
Naguluhan ako.
"Huh? Sorry?" paulit ko namang tanong sa kanya.
"Hahaha i mean, your name is?" titig niya sa akin.
"Owwww, hahaha I'm your King." paswabe kong sabi sa kanya na siya namang nag iba yung guhit ng kanyang labi dahil sa kilig.
"Enekebe! My King?" tapik niya sa akin.
"Hahaha, hinde. King Jasper pangalan ko. Nice to meet you two. Anyway, kuya Brix pala." para akong nabalisa at tinuro si kuya Brix para ipakilala.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...