Chapter 20

158 4 0
                                    

"More!" sigaw pa rin ng mga tao.

"Ah sige po. Sana magustuhan niyo pa rin po itong sunod kong kakantahin. At saiyo rin Pipay." pahayag niya.

Sinali na naman ako nakakainis. Ibinulgar talaga niya pangalan ko. Bwiset!

Bago pa man siya magsimulang kumanta ay may narinig akong boses sa gawing likuran ko.

"Pipay?"

Teka! Sino kaya siya?

Nanlaki ang mga mata ko, kinabahan na naman ako. Waaaaaahhh! Ayokong lumingon. Sino ba siya?

Tila ba nagkaroon ako ng kabang nararamdaman matapos akong makarinig ng pamilyar na boses sa bandang likuran ko. Hindi ako maaring magkamali.

"More!" Sigaw pa rin ng mga taong gusto pang makarinig ng kakantahang kanta ni King.

"Pipay bakit ka andito?" biglang tanong pa rin ng taong nasa likuran ko.

Sa pagkakataong 'yon ay mas lalo pa akong kinabahan dahil naramdaman kong papalapit na sa akin yung pamilyar na taong yon sa likuran ko.

Wala akong balak lumingon, ni hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko para lumingon sa likuran para masigurado na hindi ako nagkakamali sa inaakala ko. Wala akong garantiya mula sa sarili ko na huwag siyang bigyan ng kasagutan sa mga tanong niya kung bakit ako andito.

Mas lalo pa akong nagulat ng dumampi na ang kanyang kamay sa balikat ko. Napapikit ako na para bang ninanamnam ang kaba sa pangyayaring nagaganap dito.

Nakapikit pa rin ako. Yung reaksyon ng mukha ko ay parang nayayamot, takot na takot na parang bata.

Bigla nalang ako napadilat bigla ng makarinig ako ng tugtog mula sa stage kung saan patuloy na nakaupo si King para tugtugan ang mga customers ng Bistro.

Pamilyar sa akin yung tunog. Ewan ko ba, pamilyar na naman sa akin yung kanta na tinutugtog niya. Parang napakinggan ko na yun dati mula sa kanya, pero di ko lang matandaan kung saan at kailan kk ito unang napakinggan.

"Ku--kuya Brixon? Bakit ka andito?" pagtataka kong tanong sa kanya na para bang sinaniban ako ng sobrang pagkataranta.

"Ikaw, bakit ka andito ha?" tanong niya sa akin.

Iba yung reaksyon ng mukha ni Brixon sa akin. Para niya akong kinakatay sa mga nagtatanong niyang mga mata sa akin.

"Haha, napadaan lang ako. Ikaw, hindi ba dapat nasa Bistro kana ngayon at nagsisimula ng tugtugan ang mga customers naten doon?" pilit akong bigyan siya ng matamis na ngiti

"Do-don't you remember? Day-off ko today. So, sila Raf muna karelyebo ko ngayon. At ikaw dapat andoon ka bago mag alas nwebe. Kase, malamang sa malamang! Hahanapin ka ng mga fans mo 'don." pahayag niya sa akin habang unti-unti siyang naupo sa upuan bandang harapan ko.

🎶Hanggang kailan, ako maghihintay na para bang wala ng papalit sa'yo🎶

Napaiwas ako ng tingin kay Brixon pagkarinig ko palang sa kantang binibigkas ni King. Para akong nanlambot sa boses niya, napakaswabe lang talaga pakinggan.

Unti unti kong inangat ang mga kamay ko at pinaghawak ito na para bang nagdadasal matapos ay idinampi ko sa mga pisngi ko. Di ko namalayan na nagsisimula na palang umuukit sa labi ko ang ngiti na kanina ko pa balak gawin.

"Hoy Pipay, how you doin'? You okay?" ani ni Brixon.

Tila ba nag-freeze ang paligid ko at pinukaw ko sa stage ang atensyon ko. Wala akong ibang gustong marinig sa ngayon ay yung boses lamang ni King na kumakanta nang napakagandang awitin. Para akong dinuduyan at hinehele ng swabe niyang boses. Para akong dinadala sa kakaibang mundo ng mahika.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon