Chapter 18

187 3 0
                                    

Naisip kong bumili nalang para may makain ako mamaya sa apartment, tumawid ako.

Ang daming tao doon na bumibili, halos babae rin naman katulad ko. Gayundin, patuloy pa rin ang tingin ng mga tao sa akin.

Nang makatawid ako ay hinintay ko munang may madaanan sa namimiling mga tao ng streetfoods saka ako pumili.

Naparami ako ng kuha doon sa barbeque at kumuha ng dalawang hotdog.

Pagtapos ko namili ay umurong ako ng kaunti sa may gilid ng nagbebenta saka nagkibit balikat pqra hintayin yung pinaihaw ko.

Tinitignan ako ng mga tao, hindi ko nalang sila pinapansin.

"Pipay?"

Bigkas ng boses nung narinig ko! Teka? Wait! What? Waaaaaaahhhhhh! Omygod!!!!

KING???

Ano bang ginagawa niya dito? Bakit bigla nalang to sumulpot dito nang wala manlang ako nakitang anino niya! Pa--paano ko itatago 'tong suot ko sa kanya? Waaaaaaahhhhh! Tatakbo nalang ba ako? Kaasar!

Bigla ako napaurong, nanlaki ang mga mata ko at di nakapagsalita! Nakakahiya waaaaaahhhh!

Naglakad ako papalayo sa kanya, parang mistulang tatakbo na yung paa ko sa sobrang taranta ko.

Tinitignan ako ng maraming taong nakapaligid sa isawan. Ako naman ay patuloy nang naglakad ng mabilis.

Pero wait? Pa---ano yung pinaihaw ko? Waaaaaahhhh! Napahinto ako ng naisip ko yung pagkain na pinamili ko.

"Oy Pipay ikaw ba yan?" tanong niya sa akin na gulat na gulat rin kasi sobra ang pinanlaki ng kanyang mga mata.

Hindi ko siya nililingon, nakakahiya!

Hinila hila ko yung shorts ko pababa kasi ramdam kong parang ang weird tignan sakin lalo na't ngayon lang ako makita ni King ng ganito ang ayos.

"Huh? Ikaw pala yung kanina? Sa cafeteria tama? Bakit di manlang kita napansin?" pagpapahayag pa niya sa kanyang nais na sabihin sa akin.

Di talaga ako makapagsalita at di makatingin sa kanya ng maayos. Para akong balisa dahil sa di mapakali sa kakalad sa tabi ng nag iisaw na si manong.

"Oy, magsalita ka naman. Tsaka ano nakain mo bakit ganyan suot mo?" tanong na naman niya sa akin na di maalis ang tingin sa akin. Napansin ko yun.

Sumimangot na namang itsura ng mukha ko. Pero minabuting di magsalita at patuloy parin ang konsentrasyon ng tingin ko sa nag iihaw na si manong. Ang dami pa rin ng taong nakatingin sa amin. Para bang natutuwa sa kanilang nakikita sa amin ni King.

"Sinasabi ko na nga ba na hindi ka tomboy e. Tignan mo oh ang ganda ganda ganda mo!" tinurong ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa tapos nakangiti ng sobra sobra.

Nakakabwiset! Kailangan pa niyang isigaw! Ang daming taong nakapaligid waaaaaahhh! Kailangan pa talagang ipangalandakan! Isa pa talaga gago!

"Miss Pipay wuy! Magsalita ka naman." kinalabit niya ako.

Omygod! Andyan na naman siya! Hinawakan na naman niya ako! Nakakabwisit! Waaaaaaahhhh!

Tumingin ako sa kanya ng nakakainis, halos bumaluktot na sobrang simangot ang bibig ko sa kanya. Sino ba matutuwa sa pagpapansin niya diba? Tapos kakalabitin pa ako? Bwiset!

"Ano ba? Huwag mo nga ako hawakan!" napasigaw ako ng malakas.

Napatingin sa akin lahat ng taong naghihintay doon sa pinamili nila doon sa isawan. Nagulat sila sa maladbuhalang boses ko.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon