Dahil biglang tahimik ng paligid, naisip kong ibaling ang awkward moment sa ibang paraan. Kinuha ko yung nakasandal na gitara sa bayong. Kinalikot ko yun kung tama ba yung timpla nito. Wala naman ako marinig na di magandang tunog nito, kaya naman ay nagpatugtog ako ng isang kanta na di ginagamit ang boses kundi yung tunog na manggagling lamang sa gitara. Una kong ginitara yung kantang 'Tell me where it hurts' ng MYMP. Nahalina naman yung mga babae, bagay na nakinig sila doon hanggang sa matapos iyong tugtog.
Naisip ko yung tinanong sa akin kanina ni Dheez bago pa kami magawi dito sa dagat, sinabi nito na kumakanta din pala si Sonn.
Lumingon ako kay Sonn, inabot ko yung gitara.
"Tugtog ka naman." ngumiti ako sa kanya. Tinitigan muna niya yung gitara, parang nag-iisip pa siya kung kukinin niya 'yon o hindi. Di na rin naman siya makahindi dahil muli kong ginalaw yung kamay ko para iabot sa kanya muli yung gitara.
"Dali na Sonn, tugtog na." di pa rin natigil yung pagngiti ko sa kanya.
Inabot niya na yun saka nito inayos sa kanyang braso.
Tinginan sa kanya lahat, umiba naman ng reaksyon ng mga mukha yung mga kaibigan ni Pipay. Nasisiyahan sila dahil siguro ngayon lang ulit nila maririnig na tumugtog si Sonn sa kanilang harapan. Si Pipay naman ay hindi siya nagalaw sa kinauupuan. Hindi manlang siya sumusulyap kay Sonn.
Bahagya siyang napabaling sa akin, umiwas ako sa titig niya.
🎶🎶It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you
There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out🎶
Tama nga, ang galing kumanta ni Sonn. Magaling din siya sa rehistro bawat melody at ritmo nito sa pagkanta. Pero hanep yung pagbibigay niya ng emosyon sa pagkanta, kaya ko naman gawin yun pero wala akong pinanghuhugutan. Nadadala kasi niya yung kanta sa ibang mundo dahil inspired siyang makita at matugtugan si Pipay sa nais niyang sabihin sa kanta.
🎶I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh🎶
Sa mga titig niya kay Pipay, aminado akong mahal na mahal talaga niya ito. Paano ko pa kayang ipagpapatuloy itong nararamdaman ko gayong labis niyang sinasabi sa akin na pabayaan ko na sila dahil wala talaga akong lugar kay Pipay. Sabagay, sino ba naman ako para dumagdag pa sa relasyon nilang perpekto na. Bago lang nila ako nakilala, samantalang andami na nilang mga pinagdaanang klarong klaro pa sa dilim.
🎶Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine, Oh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain🎶
Parang unti unting naglalag ang paningin ko kay Pipay. Yung paligid ko ay nabalot ng liwanag na siyang si Pipay lang ang nakikita ko. Parang nag-i-slowmo ang paligid ko. Yung mga pagkurap niya dala ng kanyang mapupungay na mata, yung mga dahan dahan niyang pagngiti, yung mga hawi ng kanyang buhok, yung mga labi niyang mapula na konti nalang ay aakalain mong mansanas na. Yung mga katangiang yun ay nagsisilbing dahilan ng aking mabilisang pagtibok ng aking puso, naninikip na halos ikamatay ko dahil sa mabagal kong paghinga.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...