Chapter 49

210 8 5
                                    

Matiwasay naming narating ang bahay ni lolo. Pagkababa ko palang sa sasakyan ay manghang-mangha na ako sa mga nakikita ko. Medyo may kalakihan ang kanilang bahay, naging makulay pa ito sa mata dahil sa mga punong nakapalibot dito. Kita mo rin dito ang landscape na mas lalong nakakagana sa paningin. Hapon na nang marating namin ang lugar na ito kung kaya't malalanghap mo na ang sarap ng simoy ng hangin, maginaw at ramdam mong nasa Baguio ka na talaga. Tulad nga ng sabi ng iba, dito mo mararanasan ang cuddle of the clouds dahil sa mataas nitong kabundukan na halos mahalik na sa kalupaan ang mga ulap.

Tulad nga ng reaksyon ng aking mukha, bakas din sa mukha ni Dheez ang tuwa dahil sa mga nakikita niya. Aminado akong wala siyang ibang masabi sa lugar kundi napakaganda.

Tinulungan ko si lolo sa pag-aalalay sa pagbaba ng kanyang sasakyan habang hawak hawak sa kaliwang kamay ang bag ko. Sumunod naman sa amin si Dheez, aligaga pa rin siya sa gandang mayroon ang nasa paningin niya ngyon.

"Ang ganda..." mahina niyang sabi na para bang kinikiliti sa labis na sayang nadarama.

"Ay nako hija, mas magugustuhan niyo pa ang makikita niyo kapag napunta kayo roon sa malawak na prutasan namin. Saktong-sakto dahil anihan na ngayon," saad naman ni lolo na sigurado sa kanyang mga sinasabi.

Umaliwalas ang mata ni Dheez. "Talaga po? Nako, excited na po ako... I can't believe this is happening!" aniya niya

Pagkapasok kami sa loob ng bahay.

"O siya, ilagay niyo na muna 'yung mga bag niyo dito," turo sa upuan na gawa sa ratan. "Maupo muna kayo at ng mapakiusapan ko si Nando na ipaghahain kayo ng mga pagkain." 

Tumalikod na ito sa amin saka ginawi ang kusina.

Sa sobrang tagal na nga noong napasyal ako dito, hindi ko na matandaan ang buong detalye ang lugar na ito. Parang bagong-bago palang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito bagay na mas lalo akong nasasabik sa mga pupuntahan namin. 

"Oy King... excited na ako sa sinasabi ng lolo mo. Feeling ko lalagnatin ako sa excitement," sabi nitong pabiro sa akin.

"Hahaha, sige subukan mong lagnatin, hindi kita isasama doon. Magpapahinga ka dito buong araw hanggang sa maging okay ka," ginantihan ko naman siya ng biro.

Inismiran niya ako. "Ang sabi ko, feeling ko lang diba? Hindi ko naman sinabing lalagnatin talaga ako," sumimangot ito na parang bata.

Napangiti ako. "Ang sabi ko din, kung sakaling lalagnatin ka lang 'diba?" saka ako nagpacute sa kanya.

"Aish. Alam mo ikaw, kanina mo pa ako binibigyan ng mga ganyang titig mo. Sa terminal, nagpapacute ka. Sa bus nagpapacute ka. Sa biyahe nagpapacute ka. Tapos pati ba naman dito, nagpapacute ka? King, huwag mo ako subukan ha? Kapag ako na-fall sa'yo bahala ka," nagkibit-balikat siya na parang bata.

"Oy, oy, oy. Dheez, marinig ka ni lolo. Ito naman, kasalanan ko bang cute talaga ako? Tignan mo ikaw, cute ka din naman e," katwiran ko naman para maalis sa isip niya yung sinasabi niyang nakakapagbigay sakin ng di pagkakomportable.

"Cute talaga ako no!" bulalas niya na para na namang bata.

"Alam mo ikaw, para kang bata," panunutya ko.

"Eh ano naman ngayon? Ayaw mo ba ng parang bata?" iba yung tingin niya sa akin, para nito akong minamurder.

Napangiti ako. "Hi---hindi naman! Ano ka ba..." sarkastiko kong tugon sa kanya.

Maya-maya ay umayos siya ng upo. Pinagdikit nito ang mga palad nito na tila ba nagdadasal, isinabay niya ring ipinikit ang kanyang mga mata. Tinignan ko lang siya sa gagawin niya. Bago pa man siya magsalita ay napangiti siya.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon