[Pipay's POV]
Inis na inis akong pumara ng masasakyan papuntang apartment para magbihis para sa trabaho ko. Walang hiya talagang King na yan, ang kulet! Kung makaasta akala niya magkaibigan kami? Deserve niya yung suntok na binigay ko kasi ang oa oa niya!
Nakasakay na ko sa taxi at di pa rin mawala ang inis ko. Ano nalang sabihin ni Brixon sakin sa mga nasaksihan niya, lalo na nung nasuntok ko bigla ang damuhong yon. Oo mabait siya, pero hello? Kaibigan ko ba siya? Diba hinde?
"Kaasar! Nakakabwisit yang King na yan." gigil na gigil kong sigaw sa sarili ko sa loob ng taxi.
Napansin ko namang dumungaw si kuyang driver sa may salamin at nakita kong paano ako mainis. Nakita ko rin na nagbago yung awra ng mata niya. Parang nakangiti siya, at nakikita ko yun sa mga mata niya.
"Ma'am sinaktan ka po ba ng taong mahal mo?"
Ewan ko kung paano ako magrereact sa tanong ni kuyang driver. Nakakabigla ka naman po! Naiinis lang ako, ni-judge mo na ako na baka sinaktan ako ng mahal ko? So ayun nga sinagot ko naman siya.
"Ah, hinde po kuya. Wala po akong boyfriend paano ako sasaktan?" parang nawala yung inis ko, napalitan yun ng stress dahil kay kuya.
"Ay nako ma'am pasensya na po. Marami na rin po kasi akong naisasakay dito sa minamaneho kong sasakyan na ganyan na ganyan po ang nangyayari doon sa Bistro na pinanggalingan mo. May ibang naiinis, may umiiyak, meron pa ngang nagwawala e. Alam mo kung ano lagi isinasagot nilang dahilan ma'am? Na iniwan sila ng taong mahal nila." kita ko sa salamin ang mata niyang nakikisimpatya sa akin.
Hindi ko rin naman masisisi si kuyang driver kung yun ang impression niya sa akin ngayon, base na rin sa kanyang experience sa mga sumasakay sa kanya ay alam na niya ang punot dulo nito pero hindi naman ganun ang sitwasyon ko ngayon.
"Ay kuya nagkakamali po kayo, naiinitindihan ko po ang nais mong sabihin pero naiinis po ako kasi may hinahabol pa akong trabaho mamaya. Male-late na po kasi ako." palusot ko namang sagot sa kanya.
"Hahahaha, nako pasensya na ma'am. Akala ko kasi yoon ang nararamdaman mo. Sa susunod na saktan po kayo ng mga kalalakihan sa pag ibig ma'am huwag mo po sila iyakan kasi di mo deserve na saktan ka nila ma'am. Maganda po kayo e." patuloy pa rin niya akong dinadamayan sa anumang sinsabi niya.
"Hehehehe maraming salamat po kuya." yun lamang ang naisagot ko kasi mas lalo pa akong natauhan.
Muli na naman nagflashback sa isipan ko si Sonn. Sumariwa na naman sa mga isip ko yung bawat panahon na kasama siya. Kung paano niya ako pinasaya ng ilang taon. Kung paano niya ako binigyan ng kulay ang buhay pagdating sa pag ibig. Almost prfect na siya sa akin noon. Siya yung ideal man na pinapangarap ko. Siya yung walang katumbas na bigay sa akin ng panginoon. Hindi ako mahihiya na ipagsigawan na mahal ko siya noon. Halos lahat ng kakilala ko ay humahanga sa samahan namin. Pero isa lamang pala yun na panandaliang saya. Waaaaah!
Di ako nakaimik sa taxi. Bakit parang anlayo naman ng apartment ko? Mag aalas Syete Y Medya na. Natanaw ko na yung malaking grocerihan sa tapat ng isang bilihan ng bigas. Doon na ako bababa kasi may bibilhin pa akong pagkain na dadalhin ko sa Bistro.
"Kuya, sa may tabi nalang po. Bayad ko po." binigay ko naman yung pera sa kanya.
"Ah sige po ma'am." sabi naman nito at saka pinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Nang buksan ko na ang pinto ay saka na naman nagsimula si kuyang drive mgsalita.
"Ma'am alam niyo po na nababasa ko po ang bumabagabag sa isipan mo. May choice ka naman e, either balikan mo o bigyan mo lang ng chance." nakangiti siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...