[Rosch's POV]
"Kasi ganito, papunta ako ng Mall. Naghihintay ako ng masasakyan ng kalsada nakita niya akong nagsuot ng ganitong damit oh. Pumara siya sa kung saan ako nag aantay ng masasakyan. Syempre ako naman umayaw at pinabayaan siya doon. Pumara ako ng sasakyan at umalis. Iniwan ko siya doon as in. At nang makarating ako sa shoe store para bumili ng bagong sapatos nakita ko na naman siya doon! Tapos etong lintek na credit card nagkaroon ng problema. Temporary blocked as in! Anlaki pa mandin ng babayaran ko, tapos etong si Neil nag boluntaryo na siya na muna magbayad gamit din yung credit card niya. Syempre to the rescue naman yung gago na diko ineexpect. Nahiya ako mga bes, hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan dahil sa totoo lang ayoko niyang gawin yun. Pero wala e, ayoko naman na mapahiya ako sa store na hindi mabili yung shoes kaya wala rin ako nagawa. Pagkatapos ng makalabas kami niyaya ako kumain! Tinanong niya ako kung saan kami kakain, sabi ko kung maibibigay ba niya na sa Gondiola kami kakain eh magagawa ba niya? Bessssss, ginawa nga niya! Hende ke nemen nais na gawin niya yun kasi biniro ko lang naman siya pero tinotoo niya aaaahhhhh. Tapos alam niyo yung set up sa restaurant na yun? Para kaming magsyota mga bessss!" patuloy kong kwento sa kanila at diko mapigilang mapangiti dahil sa ramdam kong kaunting kilig.
"Hindi halatang kilig na kilig ka no?" si Dheez ang oa, feel na feel yung bitterness nakakainis!
"Oy babae ka! Sa gondiola talaga? Ang gara nung restaurant na yun ha! Ang swerte mo sa kanya ha!" sinabunutan naman ako ni Arjane na sinabayan ako sa pagkakilig.
"Telege! Eng bait bait pala niya hayyysss.". tugon ko naman na hindi mapigilan ang nararamdaman ko.
"Ako may kwento din."
Bigla naman kami napatahimik lahat nang magsalita si Pipay, ang seryoso ng mukha niya. Nagtinginan naman kami sa mga mata nila Arjane, Krey, at Dheez na para bang nagtataka kung ano man yung gustong sabihin ni Pipay. Napakaseryoso kasi niya.
Ang ingay ng paligid dala ng malakas na tugtog sa loob nitong Bistro. Pero tila ba napakalinaw sa pandinig namin na kahit gaano pa kalakas yung kanta ay di namin maiwasang makinig ng maayos kay Pipay.
Maya maya ay nagulat nalang nang biglang...
"$&@""%}>|^|^€|*|€!~\£\*]][]++[+[+=[&$@"""@@@
Napapikit si Pipay sa mata, at natumba. Nawalan siya ng malay!
Dali dali naman kaming tumayong magkakaibigan, tinitignan na kami lahat ng taong nakapaligid sa table namin. Nagpanic kami, wala kaming ideya kung anong nangyayari sa kanya.
"Kuya tulong naman po." wika nitong si Dheez kay kuya na nasa tabi mg table namin para ipabuhat si Pipay sa dressing room niya.
Pinaypayan naman namin siya, kasi alam namin na dala yun ng kanyang matinding pagod. Ni hindi manlang kasi nagpapahinga gabi-gabi para doon sa trabaho niya.
Hindi naman nag atubiling buhatin ni kuya si Pipay para tulungan kami. Dali dali niya itong dinala sa backstage at dineretso sa dressing room niya. Kinausap naman namin yung management na kami na yung bahala sa kanya sa mga sandaling yun.
"A---anong nangyari kay Pipay?" pag aalang tanong naman sa akin ng kanyang manager.
"Sir, bigla nalang po siya nawalan ng malay e. Gutom lang siguro sir o di kaya pagod. Kami nalang po bahala dito." tugon naman ni Krey sa manager ni Pipay.
"Teka, buksan ko lang yung aircon para makalanghap siya ng hangin. Kasi naman, ayaw nitong mag day off. Gusto lagi magtrabaho, minsan nga napapaisip ako kung ano ba dahilan nito kung bakit panay nalang ang trabaho niya lalo nat nag aaral pa siya." wika naman ulit niya na bakas sa mukha ang matinding pag-aalala
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...