Chapter 48

169 6 8
                                    

Nagkita kami ni Dheez sa terminal, masaya ang rehistro ng kanyang mukha pagkakakita sa akin. Suot nito sa kanyang likod ang backpack na halatang puno ng damit ang nasa loob. Nakasuot lamang siya ng plain na t-shirt na kulay puti, maiksing maong na short, puting sapatos at saka nito nilagyan ng headband ang kanyang ulo.

Kumaway ako sa kanya, dali-dali naman ang takbo nito papalapit sa akin.

"Omg... ang gwapo mo naman. Ayos na ayos tayo ah", tapik nito sa braso ko.

Tulad nga ng lagi kong sinusuot, nakapolo ako na kulay blue pang itaas, red na short, puting sapatos at may kahabaan ang suot kong medyas na may disenyong zebra. Nakadagdag pa ang sunglasses na suot ko pang-suporta sa mata ko sa sinag ng araw. Nasa tabi naman ng inuupuan ko ang hand carry na bag ko. Sakto sa pang tatlong araw na palitan ko ng mga suot kong damit.

Dahil unang beses kong biyahe ito papunta ng Baguio, nagpatulong ako kay Daddy magpahatid dito sa terminal, kinausap naman niya yung driver at konduktor na pupwede ay ibaba nalang ako sa terminal malapit sa lugar ng lolo ko.

Ilang beses ko nang narinig mula kay Mommy yung kwento niya tungkol sa kanila ni Daddy, ang pangyayaring naganap nung kasagsagan ng paglilihi niya sa akin. Naalala ko, sa Baguio sila nagpalipas ng araw ng ilang importanteng bahagi ng kanilang buhay. Nakatulong iyon para manumbalik yung alaala ni Daddy nung nagkasakit siya ng amnesia. Dagdag pa dito, doon naranasan ni Daddy na maghanap ng strawberry kahit hindi pa anihan noon, dahil nga sa tindi ng paglilihi ni Mommy ay wala siyang nagawa kundi humagilap sa kabilang baryo. Doon din niya naranasan na umakyat ng napakataas na puno ng niyog kahit hindi nito alam kung paano. Nakakatuwa nga kasi noong nakakuha siya ng isang pirasong bunga ay tinitigan lang ni Mommy yun, hindi niya daw iyon kinain dahil siguro sa kagustuhan niyang makita na naghihirap si Daddy. Ganoon pala kagrabe ang pagmamahalan nila, napakasimple pero masaya. Nakakainggit lang kasi, ipinangako ni Daddy sa sarili niya na yung unang babaeng makakasama niya papunta ng Baguio ay yung taong huli niyang mamahalin habambuhay. Ibang klase.

"You look good, are you ready?" wika ko kay Dheez na kanina pa ang lagkit ng titig sa akin.

"I am ready! Let's go ayie..." matinis ang boses niya sa sobrang excitement.

Tumayo na ako saka inalalayan siyang pumasok ng bus na sasakyan namin. Ilang oras kaming magbabiyahe kaya naparami ako ng kuha ng pagkain sa bahay. Alam kong nag-atubili pang bumili ang mga magulang ko lalo na't alam nila kung paano ako magutom. Halos isang bag na nga ang  ipapadala nila sa aking pagkain pero minabuti kong kunin nalang yung paborito kong hinahalungkat sa loob ng ref sa bahay.

Umupo kami sa may gitna, si Dheez malapit sa bintana at ako naman yung nasa tabi niya. Hindi pa kami nakakaalis, naisip niyang ilabas yung cellphone niya para kunan kami ng selfie na magkasama. 

Ilang saglit pa ay napuno na nga ng pasahero ang loob ng bus. Nagsimula na itong umandar at binaybay ang daan patungo sa gawing Baguio.

"Omg... King, first-time ko 'tong magbiyahe sa malayo." masayang sabi niya. Yakap-yakap nito yung bag niya sa harapan niya.

Napakunot ako ng noo, "Seriously?" aniya ko.

Tumingin siya sa akin ng nakangiti, "Oo nga... kung hindi rin naman kasi sobrang strikto yung mga magulang ko ay kung saan saan na siguro ako napadpad no."

"Paano ka din pinayagan ngayon?" wika ko

Napangiti lang siya akin ng nakakaloko.

Pinanlakihan ko siya ng mata, "Don't tell me, hindi ka nagpaalam?" 

Bumuntong-hininga siya, "Minsan lang naman ito mangyari sa buhay ko no, siguro hindi naman nila ako itatakwil sa oras na malaman nilang lumabas ako. Atsaka, gusto matagal ko nang gustong pumunta ng Baguio... gusto ko yakapin yung ulap doon no." usisa nitong parang bata.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon