Chapter 29

193 3 0
                                    

[King's POV]

"Dad! Mommy! Pasok na po ako."

Sigaw ko sa loob ng bahay para marinig nila yung pagpapaalam ko, hindi pa kasi lumalabas ng kwarto ang mga magulang ko. Dala na siguro yun sa sobrang puyat namin na hanggang madaling araw yung kwentuhan at kantahan namin dito sa bahay para bigyan ng extension yung selebrasyon sa pagkakaluklok ni Daddy bilang Director.

Wala pa rin akong naririnig na sagot mula sa loob kaya naman sinubukan ko muli magpaalam.

"Dad, Mommy. Pasok na po ako." kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto nila.

"Ang aga mo naman kuya pumasok, anong oras palang naman. Alas singko palang eh." turan naman ni Queen sa akin na pababa ng hagdanan.

"Hmmmm, dalawang oras ang byahe ko bago ako makarating ng University e. Kaya dapat maaga talaga. Ikaw nga tumawag kila Daddy at Mommy, di nila ako naririnig." utos ko naman sa kanya habang tinignan ko naman king anong oras na sa relo ko.

"Bahala ka diyan kuya. Maghihilamos muna ako no." pagsuway niya naman sa akin na ngumiti sa akin ng nakakaasar.

"Ikaw talaga kahit kailan, ang tamad tamad mo." tugon ko naman sa kanya na nakasimangot parang bata.

Dali dali namang tumakbo si Queen sa kusina para maghilamos, hinabol ko naman siya para asarin.

"Oh akala ko paalis kana? Ano pang ginagawa mo dito. Shu shu!" sabi naman nito sa akin na inaasar ako.

Lumapit naman ako sa kanya saka kinurot yung ilong niya.

"Talaga? Papaalisin mo ako tapos mamimiss mo lang rin naman ang kuya mong gwapo. Sige ka, kapag ako umalis na nextweek wala kana kaasaran."

"Iwwww okay lang no! Mas maganda pa na wala ka nga e, wala akong kaagaw sa atensyon nila Mommy at Daddy." pilit naman niya inaalis yung pagkakahawak ko sa kanyang ilong.

"Ay talaga lang ha!" sunod naman ay kiniliti ko siya sa kanyang tagiliran.

Napasigaw naman siya dahil sa sobrang pagkakiliti.

"Kuya! Tama na hahahahha. Mommy, Daddy si kuya oh!" sigaw naman nito.

Habang nag aasaran kami ng kapatid ko ay napansin ko namang nakatitig sa amin si Mommy na nakasamdal sa pintuan, nakakibit balikat siya. Nakangiti siyang pinapanood kami. Napatigil naman kami sa pang aasaran at lumapit kami kaagad kay Mommy.

"Morning Mommy, si kuya oh!" sumbong naman ni Queen na kung umasta daig pa ang batang inagawan ng pagkain.

"Asus.." saka ko naman ginulo yung buhok niya.

"Ang aga mo naman, kadalasan alas sais ka umaalis." wika naman ni Mommy sa akin na malumanay ang tinig ng kanyang boses.

"Nale-late po kasi ako kapag alas sais Mommy. Kaya inagahan ko na nga ngayon." sagot ko naman.

"Ay ganun ba, ang gwapo gwapo mo sa suot mong uniporme ha. Pinalahahanan na kita King anak, huwag ka muna sa pambababae a. Mag aral ka muna." hinawakan naman ni Mommy yung kanang palad ko saka hinigpitan ang pagkakahawak.

"Kaya nga Mommy, bababaero yan e." singit naman ni Queen para asarin ako.

Tinignan ko naman si Queen ng nakasimangot, saka ko naman tinignan si Mommy ng ngiting pilit. Niyakap ko naman siya ng mahigpit at nagsalita.

"Mommy, kahit hindi mo po sabihin sa akin yan. Lagi ko namang binabaon yan kahit saan ako magpunta. Yung mga pangaral niyo sa akin ni Daddy ay diko kailanman susuwayin. Pasok na po ako ha." hinalikan ko naman siya sa ulo niya.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon