[Pipay's POV]
Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas kasama ang tropa ko, inis ang nararamdaman ko magmula nang nakita ko na naman 'yang King na yun. Wala na siyang magandang naidulot sa buhay ko simula pa nung unang araw ng pasukan. Nakakaimbyerna siya. Di niya pa ako lubos na kilala, kayang-kaya kong wasakin ang buhay niya dito mismo sa university. Kaya humanda na siya, lintek lang talaga ang walang bangis 'pag gumanti.
Habang naglalakad kami pababa ng building ay siya namang nagsalita si Arjane, isa sa mga tropa ko.
"You should always watch out to that guy Pipay, kayang-kaya ka niyang ipahiya ng walang alinlangan. Kung ako sa'yo banatan mo." maangas namang dating ng boses niya na tinuturuan ako sa kung ano pwede kong gawin.
Nahinto ako, nag-ipon ako ng maraming hangin saka binuga tanda ng sobrang pagkagigil ko sa mga pangyayari kanina sa loob ng classroom.
"Sa oras na bigyan niya pa ako ng rason para banatan siya, hindi na ako magdadalawang isip na ipatumba siya. King ina nya." mahina kong sabi na punong-puno ng inis ang nararamdaman ko.
"I like that, the battle begins between us and boy labo. And i guess, wala siyang kalaban laban pagdating sa'yo friend, kasi bukod sa kakampi mo kami, mag-isa lamang siya." sabi naman itong si Rosch, isa pa sa tropa ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng building. Lahat ng mga estudyante na nadadaanan namin ay agad namang nagsisipag gilid para bigyan kami ng madaanan. Pagkarating namin sa may ikalawang palapag ay may mga grupong babaeng pa-sosyal ang nakaharang sa may hagdanan. Apat sila, hindi kami binibigyan ng espasyo ng lalakaran namin.
"Ahem" pagbasag naman ni Krey ng katahimikan, isa sya sa tropa ko.
Tumayo naman itong mga babae sa harapan namin, mukhang nanghahamon pa sila gamit ang masamang tingin. Nakakatawa! Mukhang mailalabas ko na ang inis kong kanina ko pa dinadala huh!
"Ano? Hinde ba kayo aalis sa dadaanan namin?" sabi naman ni Rosch sa kanila na inihahanda ang kamao.
"Aba, look who's talking. Ang babaduy niyo. Hindi ba kasali sa personality development class niyo na bawal ang jologs dito sa university?" Nakapamewang siya bes. "Mga mukhang ewan!" nakatawang sabi naman nitong mukhang dangget sa amin. Nakakaloka yung tingin niyang nang aasar.
Nagtawanan din naman yung kasama pa niyang tatlo. Ngayon, nagsimula na rin tumawa ang isip ko. Mukhang mailalabas ko na talaga yung tinitimpi kong inis.
"Ayaw niyong tumabe?" sabi ko ng mahina sa kanila at pinanlakihan ko pa sila ng aking mata para matakot manlang.
"Eh sa kung ayaw namin? May magagawa kayo? There's always a way na kung gusto niyong makababa dito sa building. Doon kayo sa isang hagdan maglakad at huwag dito. Dahil, dito sa department na ito, kami ang batas. Okay? Kaya chupi!" dagdag pa niyang sabi sa amin na ang arte arte ng boses.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...