Matapos ang paunang kantang yun ay sumunod namang pumukaw sa tingin ko ang iniaabot na naman ni Brixon na isang papel. Isang request na kanta na naman mula sa aming customer.
Inabot ko saka binasa. Natuwa ako pagkabasa nung sinular na titulo ng kanta kase isa yun sa natitipuhan kong kinakanta araw-araw. Kumbaga naging paborito ko na rin.
"Ah maraming salamat nga pala sa palakpakan niyo, kinagagalak po namin na naihatid namin ng maayos yong kantang kinanta namin kanina mula sa table 34. Guys, nagustuhan niyo ba?" nakangiti ako sa kanila.
"Yes! Woooo. One more!" sigaw naman nila habang kumakaway rin para magpasalamat.
"Yan, nakakataba nga talaga ng puso yang palakpakan niyo. Nabubuhayan talaga kami ng loob para patuloy na laging magperform sa inyo. So itong kakantahin ko naman ay napaka sensitive maging sa part ko, alam niyo yun? Yung kakarampot lang yung pagmamahal na nakukuha mo sa taong mahal mo pero nagtiya-tiyaga ka lang kase ayaw mo siya mawala. You always begging na sana di siya mawala sa tabi mo. Without knowing na napaka selfish na para sa sarili mo yung gusto mong mangyari hindi ba?" ang swabe lang ng mga bitaw kong salita sa mga manonood.
Patuloy lang silang nakikinig sa bawat salitang binibigkas ko. Nalulungkot ang kanilang mukha at pati sa kanilang boses.
"Ayyyyy" yan ang malungkot na sagot nila sa mga sinabi. Alam kong nalungkot sila sa mga salitang nasabi ko.
"Wala naman tayong magagawa kasi, we cannot omit that selfish act when it comes to loving someone whom you really loved diba? Whether you win or lose. That's always a big thing. Kase kahit gaano mo pa paiiralin yung pagkamatalino mo sa love love na yan, wala ka talagang magagawa kasi lahat tayo pinapa-bobo niyan." pagpapahayag ko naman.
"Wooooo!" sigaw pa nilang muli matapos akong magsalita.
"But anyways, this song is from table 18. Sana po magustuhan niyo." nakangiti pa rin ako pagtingin ko sa table 18.
Nilikot ko naman ang tingin ko sa iba pang table para bigyan din sila ng matamis kong ngiti.
Nagsimula na din akong tumugtog ng gitara. Hinayaan ako ng kabandista ko na ako muna mag isa ang tumugtog at kumanta. Iba daw kasi ang naibibigay kong emosyon kapag ako na kumanta sa kanta na kakantahin ko pa ngayon.
🎶Kahit ikaw ay magalit
Sa'yo lang lalapit
Sa'yo lang aawit
Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na🎶
Well, ito ang trabaho ko. Ang ilabas ang emosyong sakit na nararamdaman ko sa mga tao gamit ang pagkanta.
🎶Tatakbo, tatalon
Sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng ito
O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin 'to🎶
Ito ba yung kantang para sa akin? Nakakaloka talaga, alam talaga ng customer na may hatid ang kanta sakin na sakit. Oo napagdaanan ko na nang dahil kay Sonn. Pero ni walang rason kung bakit niya yun ginawa sa akin. Wala manlang skyang paliwanag matapos akong iwan sa ere.
🎶Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Lapit nang lapit, ako'y lalapit
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...