Tsss, bakit ko ba ilalagay sa memorable experience ko yang damuhong 'yan. Hindi siya ganun ka importante sa buhay ko para maisulat dito sa hawak kong papel no. Pero ano ba ilalagay ko dito? Nag-isip isip ako. Hindi naman pwede na si Sonn, baka ano pang sabihin niya sa akin. Para ko na rin kasing tinapakan yung apog ko matapos ko sigawan siya kanina kung siya pa yung subject nang naiisip kong ilalagay dito.
Ilang minuto akong nag isip nang pwedeng ilagay. Ang pangit naman kasi kung magsisinungaling ako para may maipasa lang. Wah! Paano ba? Ano ba talaga ilalagay ko.
Kinakagat-kagat ko ang dulo ng hawak kong ballpen. Tinititigan ang kalahating papel na kulay dilaw na nakapatong sa arm chair. Tila wala nga talaga akong balak na magsulat, ni hindi nga ako makagalaw e. Samantalang yung mga ibang classmates ko nakakalayo na.
Lumingon-lingon ako. Nakita kong nakayuko lahat ng mga classmates ko tanda ng marami na silang nasusulat. Maya't maya ay nakita kong lumingon si Sonn sa akin. Tinitigan niya ako ng sobrang lagkit. Nangugusap yung mga mata niya. May halong lungkot ay pighati yung mga pinapahiwatig niya sa akin. Binalewala ko lang at nagkunwaring tumingin sa papel ko ulit.
Wah! Wala pa talaga akong nasusulat ano ba! Paano to? Bahagya ako pumikit baka sakaling may maisip ako, pero bigla rin naman ako napadilat ng mata dahil naramdaman ko yung papel na naibato sa ulo ko. Poteks! Sino yon? Sino bumato sa akin?
Paglingon ko sa kanan ay, bumungad naman yung mukha ni King na nakabelat sa akin. Sobra yung ngiti niya. Nang aasar ba siya? Umukit na naman sa mukha ko yung inis at galit.
Ang tahimik ng klase, abala sila sa kakasulat ng mga gusto nilang ilagay sa kanilang papel. Itong si teacher naman ay may pinagkakaabalahang kausap sa cellphone niya sa labas ng room.
Tumayo ako ng padabog, biglang tumingin naman sa akin yung mga klasmeyts ko kung bakit ako gumawa ng ingay. Lumakad ako papalapit kay King at tinitignan siya ng punong puno ng pagpigil sa inis na nararamdaman ko.
Nagulat siya at natigil sa kakangiti, natakot ang mokong.
Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang hinila sa pagkakaupo niya para patayuin. Tumayo naman agad ito.
"Aray, bakit ba?" tanong niya. Kunwari wala siyang alam sa pang aasar niya sa akin.
"Hanggang kailan mo ba ako titigilan? Alam mo bang sobra na ang inis ko sa 'yo? Itong para sa'yo." sinuntok ko siya malapit sa kanyang labi, inilabas ko na talaga ang inis at galit na nararamdaman ko magmula kagabi pa.
Nakakaimbyerna siya! Nakakaasar siya!
Gulat na gulat ang mga mukhang nakamasid sa akin, pati si Sonn na sobra ang pagkagulat sa ginawa ko kay King. Ramdam kong gusto niya akong lapitan para awatin, pero wala na, tapos na. Hinawakan ni King yung mukha niyang nasuntok ko. Kitang kita sa mukha niya na nakaramdaman siya ng matinding sakit. Buti nga sa'yo! Sa totoo lang, kulang pa 'yan para sa mga pang aasar mo sa akin.
Tumalikod na ako at umupo sa kinauupuan ko na parang walang nangyari.
"Thank you."
Dinig kong pagkasabi niya, mukhang masaya pa yung boses niya.
Baliw ba siya? May gana pa siyang magpasalamat sa ginawa ko. Ibang klase ka rin ano? Magdusa ka. Ang ayoko sa lahat yung binabato ako ng walang kwentang papel! Sisiguraduhin kong mamamatay ka sa oras na makaisip ako ng pwedeng iganti sa'yo.
Tinginan pa rin ang mga klasmeyts ko sa akin at kay King. Nagtataka ang kanilang mga mukha bagay na napahinto sila sa kanilang pagsusulat.
Ilang sandali ay sumabay naman ng pasok si teacher.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...