Chapter 22

182 3 0
                                    

"Kain tayo?" sumeryoso ako ng boses saka tinitigan siya.

"Huh?" nagtataka na naman siya.

"Kain tayo, kung okay lang naman sa yo e." ayaw ko na siyang pilitin kasi nararamdaman kong di parin maalis sa mukha niya yung sobrang pagkadismaya dahil doon sa credit card niya at ayoko rin naman yun pang dagdagan pa ng inis niya.

Nagisip muna siya kaunti. Di siya nagsalita at tumahimik nalang. Kaya naman tumalikod na lang ako...

"Sige." at pumayag rin siya.

Bigla ako napangiti ng todo at ewan ko ba kung bakit! Parang mas naexcite ako sa mangyayari! Eto na ba yung sign para kaibiganin pa siya? Eto na ba yun? Hahahahaha ang saya!

Kaya naman ay unti unti akong napalingon sa mukha ni Rosch. Grabe yung binigay kong ngiti sa harapan niya. Nagmukha akong excited sa mga sandaling ito.

"Tsss, iba yung ngiti mo ah." Nagpakawala siya ng di maipaliwanag na titig sa akin, tila ba nagtatanong kung bakit ganun na lamang ako kasaya matapos siyang mapapayag sumama sa akin kumain.

"Wala lang, bawal na ba ngayon maging masaya? Lalo na't kasama ako ang isang diwata?" sagot ko naman sa kanya at pinagpaptuloy ang pagbigay sa kanya ng matatamis kong ngiti.

"Hoy, kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo! Anong diwata diwata pinagsasabi mo diyan, maghunos dili ka nga. Masyado nang mabulaklak yang bunganga mo." nagsumimangot tuloy siya pero ang cute sa kanya tignan.

"Ito naman, nagsasabi lang naman ako ng totoo e. Bakit ka nga ba kase ganyan manuot ngayon? Kaya alam mo nagtataka ako bakit sa school iba yung mga suot niyo. Ganyan din ba yung suot ng mga kasama mo kapag walang klase?" napakamot ako sa baba ko na animoy kunwari nag iisip ng malalim.

"Andami mong tanong, kakain ba tayo o hinde?" paninibago niyang tanong sa akin para di namin yung mapag usapan.

Tinitigan ko siya ng parang nang aasar at kinindatan ko siya ng swabeng swabe.

"Huh? Alam mo hindi ka cute kaya huwag kang ano diyan." saka niya ako inirapan.

Ha? Grabe hindi gumana yung charm ko sa kanya? Hindi ba talaga ' to babae? Imposibleng hindi siya mahumaling sa kacutan ko. Andami ko ng babaeng binigyan ng magic style ko pero sa kanya lang talaga ako nabara! Nakakaloko!

Ngumiti nalang ako sa mga naiisip ko at nagsimulang maglakad kasama siya.

Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin. Di siya umiimik, halata sa kanyang mukha na andami niyang iniisip na mga bagay bagay na diko pa mawari.

"Tuliro ka diyan, sa monday mo na kwentahin yung utang mo sa akin sa allowance mo. Okay lang namn sa akin na hindi mo muna siya mabayaran nextweek basta ang mahalaga, nakuha mo yang gusto mo. Iba kasi yung feeling na nabibigay mo yung luho sa sarili mo no?" pagbasag ko ng kanyang katahimikan.

Di pa rin siya umiimik, at alam ko naman na nakikinig siya sa akin.

"Huwag mo na isipin yung credit card mo muna, kaya siguro yun nablock kasi baka may aayusin doon. Narinig mo naman na temporary lang naman hindi ba." paliwanag ko naman sa kanya, masiglang masigla yung boses kong nagsasalita para naman ganahan siyang makipagbangayan sa akin ng kwento.

"Hindi yon ang iniisip ko." malungkot yung boses niya.

Nagtaka ako, bakit nga ba? Ano ba iniisip niya?

"Eh ano naman iniisip mo? Parang ang lalim naman. Sorry ha kung pakialamero ako hahaha." Pabiro ko naman saka napahagikgik sa tawa.

"Buti alam mo." muli niya akong tinignan saka inirapan ako ng sobrang bigat.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon