Chapter 31

161 4 0
                                    


"Anong nangyayari asan ako?" pakiwari ko ay nasa malayong kabihasnan ako dahil ramdam ko yung simoy ng hangin.

Maya maya ay umilaw na yung lugar kung saan ako nakatayo, napuno ng ilaw yung paligid at batay na rin sa nakikita kong klarong klaro ay nasa himpapawid ako! Ano ito? Bakit nasa itaas ako ng langit? Ano ito?

Gulong gulo ako sa nasasaksihan ko. Gulong gulong gulong gulo ako!!!

"Hey! Nagising kana!"

Biglang bungad sa akin ng mukha ni King! Waaaaahhh! Bakit nandito to? Anong nagyayari? Kanina lang ay may lalaking humarang sa akin sa kalsada at ngayon siya yung kaharap ko? Siya ba yung lalaking nakamotor? Hindi maari! Hindeeeee

"Anong ginagawa mo sa akin! Bakit ano to ha! Bwisit ka!" hindi ako makagalaw dahil takot na takot ako sa sitwasyon ko ngayon dahil para akong lumipipad sa ere!

"Ito naman, masyadong oa." sabi nito sa akin na parang bata!

"Wala akong pakialam at wala akong balak na makipagbiruan sayo ngayon ha! Saan to at nasaan tayo ha?" gulong gulo yung isip ko.

"Hahahaha ito naman, nasa himpapawid tayo. Oo lumilipad tayo, nakasakay tayo sa hot air balloon. Nagustuhan mo ba?

Matapos kong marinig yun ay nanlaki yung mga mata ko, yung sikmura ko ay parang gusto ng bumaba sa lupa. Nakakaloka! Anong trip neto! Bakit hot air balloon? Gabing gabi nag ha hot ari balloon! Omeygesh! Mamamatay ako nito ng wala sa oras! Lord god help me! Patawarin mo nawa yung kaluluwang sumanib sa lalaking ito at dinamay pa ako sa trip neto waaaaahhh! Ayoko na, ayoko na! Badvibes na ito!!!!

"Ano ba! Ano bang trip mo ha? Hoy King, hindi ito yung tamang panahon para pagtripan ako kasi wala ako sa mood para makipaglaro sayo. Tsaka wala kang karapatan na kuhanin nalang ako sa kalsada ng ganun ganun lang ha? Alam mo pwede kitang kasuhan sa pinaggagawa mo sa akin ngayon! Kaya sana ibaba mo na itong walang kwenta mong sasakyan na hot air balloon kung ayaw mong magpalipas ng gabi sa mga pulis!" ngawa lang ako ng ngawa habang siya ay nakatitig lang sa kalangitan na punong puno ng mga bituin.

"Remember the Bungee Jumping moment?" mariin niyang pinapaswabe yung boses niya na para bang nang aasar.

"Anong pinagsasabi mong Bungee Bungee Jumping dyan?"

"Yung unang araw na kinuha niyo ako sa kalsada ng ganun ganun lang? Yung unang pagkakataon na dinala mo ako sa liblib na lugar, pero sa tingin ko nga dinala mo ako sa paraiso noon. Then yun yung una na ginawa natin yung Bungee Jumping." nakangiti parin ito at nakatingin sa alapaap.

"So? Eto ha, sasabihin ko sayo. Hindi yun bungee jumping. Tsaka para talaga sayo yun para mabilis kanang mamatay." sarkastiko kong sabi sa kanya

Tumingin siya sa akin, nag-aalala yung mga titig niya. Para bang tinatanong ako sa mga bagay na matagal na niyang gustong malaman ang sagot. May kung anong meron sa mga mata niya.

Matagal siyang hindi nakapagsalita.

"So ano nga? Hindi ka magsasalita diyan? Ibaba mo na kaya itong hot air balloon mo at ng makauwe na ako pwede ba?" pagpupumiglas ko sa kinatatayuan ko.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makasama ulit?" nakangiti na naman sa akin

"Hindi talaga!"

Hindi na naman siya nakapagsalita ulit, may kinuha siya sa bag na nakawangwang sa gilid.

"Oh eto." abot sa akin sa isang litrato ko. "Kuha ko yan noong nasa Bistro tayo, nakangiti ka diyan, kausap mo ata si kuya Brix diyan nung time na yan. Kaya mabilis kong kinuhanan kasi feeling ko, napag iiwanan ako dahil hindi ko manlang makitang ngumiti ka o kahit manlang pilit na ngiti. Pero wala, pero noong nakita kita ngumiti kahit sa sandaling yan. Nag effort tlaga akong kuhanan ka ng mabilis."

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon