Natutuliro pa rin ako sa mga naiisip ko sa mga ikinikilos sakin ni King. Iyon ang unang pagkakataon nakita ko siyang umiwas sakin. Para akong inilalayo sa mga diko kagustuhang mangyari sa amin.
"Bakit, anyare don? Bakit ang tumal niya makipag-usap ngayon ni King?" tanong ni Dheez sa akin.
"Ewan ko nga e, bigla lang siya nagkaganyan simula kanina. Samantalang nung dumungaw pa ako sa bintana ng apartment sa labas ay masaya pa siyang kumakaway sakin. Nakakapanibago." kibit-balikat kong nag aalangan sa sinasabi ko kay Dheez.
"Wait lang ha kausapin ko muli." saka naman humakbang si Dheez papalapit kay King na tahimik na nakahiga sa duyan sa ibabaw ng puno.
Tinitignan ko pa rin ang kilos niya sa di kalayuan. Nang makarating si Dheez kung saan siya nagpapahinga ay agad namang naayos sa pagkakahiga saka ito umupo. Binigyan niya ng espasyo si Dheez sa duyan, hindi naman 'yon tinanggihan ni Dheez. Magkatabi silang nakaupo ngayon sa duyan.
Napabuntong-hininga ako sa nakita. Ang kirot sa dibdib. Hindi ko talaga mawari kung anong problema sa nararamdaman ko habang nakikita silang magkasama. Samantalang ako, iniwan niya kanina dahil gusto niyang mapag-isa.
"Anong ginawa mo sakin King, bakit ako nakakaramdam ng ganito sa'yo? Bakit ako di makahinga ng maayos?" hingal kong sabi sa sarili, hinawakan ko ang dibdib ko dahil bahagya akong hindi nakahinga.
"O----Okay ka lang ba bibicup?" nawala ako sa pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Sonn sa likuran ko.
Nilingon ko siya.
"Okay lang ako. Ikaw? Tapos na ba ninyo yung ginagawa niyo?" tanong ko sa kanya ng mahina ang boses.
"Oo, nakita mo ba si King? Nawala kasi siya kanina eh." tanong siya sa akin.
"Ayun oh, kasama niya si Dheez." turo ko sa nguso ko kung saan sila masayang nagpapalitan ng tawa.
-----------------------------------------------------
[King's POV]
Kanina pa ako wala sa sarili. Ano na ba ang nangyayari sakin? Hindi naman tama na magselos ako sa kanila ni Sonn dahil wala naman ako sa tamang lugar. Masakit din pala makita yung taong gusto mong maging kaibigan ay ka-ibigan ng tropa mo. Paano nga ba nakaipon ng puwang si Pipay sa puso gayong nakakaramdam na ako ng selos sa kanilang dalawa?
Hindi mawala sa isipan ko yung huling pahayag niya sa akin kanina na gusto niya akong samahan dito sa duyan. Ano pang sasabihin ni Sonn kung makita kaming magkasama. Kaya mas mabuti nga sigurong iwasan nalang muna hanggang sa makakaya ko. Para ito sa sarili ko at sa pagkakaibigan namin ni Sonn.
"Bakit antahimik mo? Pwede ba kita samahan?" idinilat ko ang mga mata ko sa pagkakahiga sa duyan. Nakita ko si Dheez na nakatitig sa akin.
Agad naman akong nag-ayos ng upo.
"Oww, sure. Halika, upo ka dito. Kung okay lang naman sa'yo." nginitian ko siya.
Hindi naman tumanggi si Dheez, umupo siya sa tabi ko.
"Alam mo napapansin ko, ang seryoso ng mukha mo ngayon. Feeling ko nga hindi ikaw yung nakilala kong King na palatawa, madalda, maangas at korny. Tignan mo oh, parang pinagsakluban ng langit at lupa yang nguso mo sa kakasimangot mo." napatawa siya.
"Alam mo ganito talaga ako. Minsan masaya, minsan malungkot. Minsan palatawa, minsan nakasimangot. Tsaka ramdam ko kasi yung pagod kanina kaya siguro nawala yung sigla ko." palusot ko.
"Hindi ba kayo nagulat ng malaman niyong si Pipay at Sonn na?" seryoso siya.
"Hmmmm hinde, alam naman naming dun din kasi papunta ang lahat e. Matagal ng naikwento samin ni Sonn na naging sila ni Pipay. Masaya nga ako dahil sa wakas nagkabalikan din sila." mahinang sabi ko.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...