"Pipay Esperanza?"
Dinig kong may tumatawag sa akin.
Diko namamalayan na nakangiti ako sa pagkatulalang yon. What the Hell!!!
"Oy bruha, pang limang tawag na sa'yo ni Ma'am" kinalabit ako ni Dheez at binulungan ako.
Nakakahiya! Lintek na alala! Wah! Ako na? Ako na magsasalita? Waaaaahhh! Kinakabahan ako. Ano ba to!
Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita muli si Ms. Alvarez, tinitignan yung papel na hawak niya na animo'y nakaramdam ng excitement pagkabasa sa pangalan ng hawak niyang papel .
"I think, Mr. King Jasper Marquez comes first. Sunod ka nalang Ms. Esperanza baka hindi ka pa ready e."
Napawi yung kabang naramdaman ko, nagkibit balikat ako sa kinauupuan, tumingin sa nakatayong King na yon papalapit kay teacher. Napapikit ako, nag-ipon ako ng hangin saka bumuntong hininga.
"Good morning each one of you", bati niya.
'Di pa rin ako dumidilat, may anong kaba pa rin akong nararamdaman kaugnay sa kung ano man ang sasabihin ng King na ito. Hindi na tuloy ako mapakali, tsssss.
"The most unforgettable experience I had happens last night. It was an astonishing, splendid and great feeling!" napatingin siya sa akin. "If ever she's here, I just want to let her know that I thank her very much for giving me a bungee jumping experience. Sounds cliche but that gives me chill."
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata pagkarinig sa kwento niyang yon. So yun na yung kwento niya? Ginawa niya pang memorable experience yung kapalpakang planong yon! So freak talaga.
Pasimple akong lumingon sa likuran, tinignan yung mga kaibigan ko. Kitang kita sa mukha nila yung tuwa ng nararamdaman sa kwento ni King. Mukhang alam talaga nila kung sino yung tinutukoy ni King sa kwento niya ha?Nakakabwisit! Hindi nyo ba alam na nang dahil sa inyo pati ako napahamak ha? Hey friends? Wake up! Ako yung nahulog sa plano naten! Wag kayong kiligin sa pinagsasabi ng mokong na yon!
Mukha namang kinilig ang mga classmates ko. Pati din si Ms. Alvarez.
"Wow, what a good incident. Nakakakilig naman. Bakit ba mostly sa poging nagbabahagi ng kanilang memorable experience is about love? Nakakatouch nga naman talaga ha. Una si Mr. Lacambra , sunod naman itong si Mr. Marquez. I am moved with what stories you shared in this class, nakakatuwa." Nasisiyahang pagbahagi naman ng opinyon itong si Ms. Alvarez.
Tsssss. Nakakaloka! Matapos si Sonn, itong si King naman! Alam kong ako ang pinagsasabi nitong dalawa! Bakit ako? Ano gusto niyong maramdaman ko sa pinagsasabi niyo ha? Utot niyo kung kikiligi ako, pwe!
Kinalabit ako ni Dheez. Lumingon ako banda sa kanya.
"Bakit?" umirap ako sa kanya. Naiinis ako.
"Paano nangyari yon? Bakit wala ka manlang naikwento sa aming ganung nangyari?" bulong niyang sabi sa akin.
Wah! Isa ka pa Dheez! Ayoko ng pinag uusapan yan sa klase! Isa 'yong bangungot! Naiintindihan mo? Bangungot yon!
Rinig na rinig ko naman ang diskusyon pa ng iba ko pang classmates. Pinag uusapan nila kung sino daw ba yung tinutukoy ni King sa kwento niya. Hello? Pag may magkamaling tumingin lang sa akin, dudukutin ko mata niya! Huwag na huwag niyo ako idamay sa mga kachismosahan niyo. Urgh!
Napansin kong tinignan ako ni King, nakangiti siya. Pero hindi lang niya pinapahalata sa klase na ako ang tinutukoy niya sa kwento. Tumingin ako sa kanya ng sobra ang simangot sa mukha. Halos maduling yung mata ko sa kakaikot nito.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomantikHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...