[Sonn's POV]
Inaalala ko yung mga sinabi sa akin ni Pipay sa park. Talaga nga namang nagbago na siya. Hindi na siya yung sobrang lambing na babaeng nikalala ko, hindi na siya yung sobra ang ngiti sa tuwing nakikita ako.
Nagkekwentuhan ako nang kung anu-ano sa lima kong kaibigan dito sa gilid nang room. Wala pa naman kasi si professor. Napukaw ang tingin namin nang lumapit sa amin si Mae kasama yung kaibigan niyang si Kiara.
"Boys sali naman kami sa kwentuhan niyo. Gusto kasi namin makipagkwentuhan sa inyo eh please?" pagmamakaawa niya kasama yung kaibigan niya.
Napatawa si Aron. "Boys talk kasi ito. Baka awkward lang kayo sa pinag uusapan namin, nako nako." babala namang sabi.
"Kahit na, please? Wala kasi kaming malapitang friends sa mga classmates pa natin dito oh. Gusto ko kayo maging friends, sounds great right? Kasi magiging kaibigan niyo ang isang tulad ko." he said with a grin.
Napatawa muli si Aron "Ay, ikaw bahala. Basta sinabi ko na sa'yo ha. Baka ma awkward ka lang." dagdag pang paalala.
"Oo naman, kahit ano pa yan."
Umupo naman sila kasama sa bakanteng upuan right next to King. Andami naming pinag-uusapan tungkol sa mobile legends. Nagtatawanan pa kami dahil napunta sa karanasan nila sa ex's ang topic nila, mga nakakadiring usapan na hindi naman dapat napag uusapan kapag may kaharap na babae.
He laughed. "Yung isang ex ko mga pre, the reason why I broke up with her because she doesn't even know how to kiss! And damn, during my raining parade ha? I'm totally disappointed to her, ayoko nang hindi nag-eenjoy!" nakangiwing pagpapabahagi ni Neil sa kwento niya.
Nakangiwi din si Aron. "Pre, if she doesn't even know how to give you back a damn hot torrid. Does that mean she's virgin? O c'mon! You're clueless men!" mariin siyang napasuntok sa armchair ng mahina.
"I knew it from the moment I saw her, nakikilatis ko naman sa isang babae yun pare! What I want is satisfaction! Does that make sense?" saad naman ni Neil.
Napatawa ng malakas si Jun. "Wow pare! Kailan ka pa naging santo? So, ang ibig mong sabihin... good kisser ang hanap mo? Well, I can give you that", pagmamayabang nito kay Neil.
"Pare, hindi ko kailangan ng biyaya mo. Baka kung saan-saan mo pa napulot 'yan. Okay na sakin yung mga babae ang kusang lumalapit sa akin", aniya niya.
Nagtawanan naman ang lahat sa pinag-uusapan nila.
Maya't maya, napansin naming tumayo si Mae at yung kasama niya dahil nakaramdam na sila ng pagkabagot. Hindi na kinaya ang mga usaping pang lalaki.
Napatayo narin ako sa kinauupuan at tinungo kung saan ang permanent seat ko. Ramdam ko talaga sa sarili ko na wala ako sa mood makipagkwentuhan ngayon dahil sa pangyayari kanina sa park kasama si Pipay. Laging nagfa-flashback sa isipan ko yung mga salitang sinabi niya sa akin kanina.
"Hindi ka bobo, tanga ka lang" yan ang mga salitang halos ikamatay na ng katawan ko. Talagang ang laki ng pinagbago ni Pipay simula ng iwanan siya ng walang paramdam.
Ibinaling ko ang paningin ko sa pintuan at nakitang papasok ng pinto si Pipay, tahimik siyang nakasimangot. Binaling ang tingin sakin, minasamaan niya ako ng tingin. Bakit ka ba nagkakaganyan Pipay? Why don't you give me a chance to explain what really happened kung bakit ako kusang lumayo. Ayoko nakikita kang ganyan lalo na't puno ng galit ang nararamdaman mo sakin. Diko kayang nakikita kang ganyan.
Umupo siya ng tahimik sa upuan niya. Wala talaga siya sa kanyang sarili. Kasalanan ko na naman kung bakit siya ganyan ngayon. Kung hindi sana ako nag atubiling kausapin siya at sabihan ng bibicup kanina ay siguro okay pa kanyang mood ngayon. Bakit ba naman kasi ginawa ko pa yun.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...