Chapter 15

193 4 0
                                    

[Pipay's POV]

Nakakaasar, nang dahil sa asong yon nasira yung plano ko. Isama mo pa yung King na yon na may dala talagang kamalasan sa buhay ko. Halos mamatay na ako sa sobrang takot kanina. Hello? First time akong habulin ng mga asong naglalakihan tapos nakakatakot pa pagmumukha nila. Hayssss.

Malamang sa malamang, hinihintay na ako nila Dheez, Arjane, Krey at Rosch doon sa lugar kung saan namin gagantihan si King. Pero paano ko sasabihin sa kanila na hindi na matutuloy ngayon yon.

Patuloy ko pa rin binaybay ang daan papunta sa pinag usapan ng mga tropa ko.

Habang akoy mabilis na nagmamaneho, di talaga maalis sa isip ko yung mga sandaling paghawak sa kamay ko si King. Napapaisip ako kung bakit di manlang ako tumiwalag sa pagkakahawak niyang yon. Tila ba may magnet na nasa loob ng aking na nagsasabing hayaan ko nalang ang pangyayaring yon kasi doon ako maliligtas, sa mga kamay niya.

Urggggggh! Bakit ko ba iniisip yon? Tska sino ba siya sa akin para isipin na okay lang na gawin niya sa akin ang mga yon.

Mas lalo pang bumilis ang takbo ng aking pagmamaneho. Sanay na ako sa ganitong pagpapaharurot ng motor ko. Wala namang sisita sa akin e. Kasi ako ang batas.

Maya maya ay nagflashback na naman sa isip ko ang pangyayaring yumakap sa akin si King kanina noong paliko ako sa may kanto.

Bwiseeeeeeeet! Bakit lagi lagi na lang siyang nasasagi ng isip ko! Bakit parang sinsadya na talaga ng isip kong isipin siya? Nakakaloka!!

Isa ba 'to sa paraan niya para makonsensya ako sa pag iwan sa kanya doon sa kantong yon? Ang isipin siya ng isipin? Bwiset talaga siya. Maski sa isip ko pinagtitripan niya parin ako! Wala na bang lugar na pwedeng hindi makita yung mukhang yon? Di naman talaga siya totally gwapo, panget siya! Pangit yung King na yon! At wala akong pakialam sa buhay niya. Kaya please? Mawala kana sa isipan ko.

Nakalimutan kong may trabaho pa pala akong papasukan mamayang alas dyes. Kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ng motor ko.

Saka na naman nagflashback sa isip ko ang Bungee Jumping Experience sa King na yon. Bakit siya nalang lagi? May kung anong sumpa ang dinudulot sa akin ng Kingkong na yon. Pinapatay niya ako paunti unti sa kakaisip sa kanya.

Mga ilang sandali pa ay narating ko na rin kung saan ang lugar para sana planuhin yung sunod naming paghihiganti kay King.

Nakita ko ang mga kaibigan kong parang luging lugi sa negosyo ang mga mukha. Nakaupo sila sa kani-kanilang motor at wala silang imikan.

Tinigil ko ang makina ng aking motor saka nagsalita.

"Guys, pasensya na. Dale na naman ako." nagpakumababa ako sa kanila. Mahina ang boses ko pagkasabi ko sa mga salitang yon.

"Asan yung King? Bakit di mo kasama Madam?" sambat agad sa akin ni Krey.

Nagtataka yung kanilang mukha, naghihintay sa mga paliwanag na sasabihin ko sa kanila.

"Ah, eh. Hinabol kami nga aso." Nahiya ko pang bigkas ng mga salita kong sagot para sa kanila.

Nagtinginan na naman sila, di sila makapaniwala sa mga sinasabi ko. Alam kong yun ang nararamdaman nila kasi nakikita ko sa reaksyon ng kanilang mga mata at mukha.

"Hindi na naman kayo naniniwala, nagsasabi ako ng totoo. Alam niyo yung time na sinabi kong mauna na kayo dito? Doon ako minalas, ang malas ko nga talaga kasi malas yung King na yon. Doon kami hinabol ng aso. Malalaki pa naman tsaka nakakatakot ang mga mukha." malungkot na ako sa pagkukwento ko.

"Baka naman kasi tumakbo kayo agad kaya kayo hinabol." wika naman ni Arjane na nakukuha na niyang tumawa.

"Malamang, sinong hindi tatakbo doon sa mga asong ulol na yon? May hinahabol bang naglalakad? Tsk!" naiinis ako sa pagsagot ko.

Babaeng Di KinikiligTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon