"Alam niyo, may magandang pagjammingan doon malapit sa dagat, tara..." suhestiyon naman ni Neil sa amin na masayang masaya ang rehistro ng kanyang mukha.
"Talaga? Omg... Gusto ko 'yan." excited namang litanya ni Rosch na parang bata sa kakapalakpak.
"Instagramable ba yung view?" tanong naman ni Krey.
"Ay nako guys, tumayo na kayo at mag-ayos para makarating na tayo don. Sigurado akong magugustuhan niyo." sinigurado naman ni Neil na mag-eenjoy ang mga dalaga sa pupuntahan nila, kaya naman ay dali dali nitong tumungo sa bahay ng kanyang tito.
"Andre, Jun. Mga tol tulungan niyo naman ako magdala ng kailangang dadalhin doon." anya niya.
"Kami lang? Isama mo rin si Aron at nang magtanda. Kanina pa yan walang ginagawa oh." reklamong parang bata naman ni Andre kay Neil.
"Pambihira talaga kayo, para kang bata Andre. Aron tol, sama ka na rin samin baka kase umiyak pa itong batang ito. Wala pa naman din kaming gatas ditong pwede ipadede sa kanya kapag humagolgol ng iyak." Nakatawang pahayag naman ulit ni Neil.
Sabay sabay namang sumunod sina Andre, Jun at Aron kay Neil para kuhanin yung mga gamit at pagkain na idadala sa sinsabi niyang pagjajamingan namin.
Nag-ayos naman ako ng sarili ko, tumayo na ako sa kinauupuan kong duyan. Gayundin naman si Dheez na kanina pa nag-aalala sa nararamdaman ko. Matapos kasi yung pagkanta kong iyon ay mas lalo siyang naging maalaga sa akin sa sandaling ito. Nagustuhan ata niya yung kanta.
"Oy King Jasper, hindi ko alam na may talent ka pala sa pagkanta. May banda ka ba?" nakakibit balikat si Arjane na nagtanong sa akin.
"Nako wala, chamba lang 'yon." pasimple ko namang sagot, tila ba nahihiya ako sa kanyang papuri sa akin.
"Asus, pahumble... Dinig na dinig na nga namin yung boses mong pang The Voice, tapos sasabihin mo chamba lang? Nakakaloka." hindi ko alam kung inis ba yung pagsagot sa akin ni Arjane.
"Hinde nga kasi, masyado mo namang pinalalaki ang ulo ko sa papuri mo. Feeling ko tuloy ang galing galing ko ng kumanta." idinikit ko naman yung labi ko sabay ngumiti ng pilit na siya namang kusang lumabas yung dimples ko.
"Narinig mo na rin bang kumanta itong si Sonn?" tanong naman ni Dheez sa akin na di pa rin naalis ang kamay na nakahawak sa braso ko.
Umiling naman ako, dahil sa totoo lang hindi ko pa naririnig si Sonn na kumanta. Atsaka, hindi ko alam na kumakanta din siya.
"Eh si Pipay?" giit pa muling tanong Dheez sa akin.
Doon, hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung tatango ako o hindi. Nag-isip ako kung sasabihin kong narinig ko na siyang kumanta dahil ilang beses ko na rin naman siyang natunghayan na pinamalas niya sa akin yung talento niya.
"Hi----hinde." pautal kong sagot.
Napabaling ako ng tingin kay Pipay na siya namang bigla na naman itong sumungit sa narinig na sagot ko kay Dheez. Hindi manlang siya nabunutan ng tinik sa dibdib sa pagsagot kong 'yon. Sa totoo lang dapat masaya siya dahil iniligtas ko siya sa pwedeng maisip ni Sonn sa sandaling sinabi kong narinig ko siyang kumanta.
Natigilan ako sa kakaisip ng marinig kong nagtitili sa saya sina Arjane, Krey, Rosch at Dheez sa paparating na may dala dalang gamit sina Neil, Andre, Jun at Aron. Hawak hawak ni Jun ang sa magkabilang kamay ang mga pagkain na nakalagay sa bayong. Buhat naman ni Aron yung napakalaking payong na may kulay bahaghari, may tatak na micromatic. Nakangiti namang papalapit sa amin si Andre na parang tanga, buhat buhat nito yung telang magsisilbing sapin namin doon. Mas lalo pa akong nakaramdam ng excitement nang makita ko si Neil na may nakasabit sa kanyang balikat na gitara at sa kaliwang kamay naman ay buhat nito ang jag na may lamang tubig. Mukhang jamming talaga ang mangyayari ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Babaeng Di Kinikilig
RomanceHindi na bago sa atin yung katagang 'pinagtagpo pero hindi tinadhana'. Andami na yang nilokong bitter na mga tao matapos iwan ng taong mahal nila o pinagkaitan mabigyan ng magandang relasyon pagdating sa pag-ibig. Nasaktan, mas lalo pang sinaktan, a...